Chapter 20:

4.9K 140 0
                                    

Chapter 20:

Pippa Zhynly's POV

Naglakad ako papasok ng bahay nila Twilight habang nakapantay ang mga bodyguard sa labas na dati ay wala naman. Membro sila ng Darklight ayaw na ni Boss iwan ang kanyang Reyna at ang kanyang Prinsesa ng nag-iisa. Lalo sa panahong na dilekado ang mga ito.

Ang mga kalapit nila Twilight na bahay ay ilan sa pag-mamay ari ni Tito Dark. At sigurado ako hindi pa yun alam ni Twilight dahil masyado siyang abala sa kanyang training. Nakatira sa mga bahay na malapit sa kanila ang ilang myembro ng Darklight para bantayan ang pamilya ng aming boss.

"Hi! Tita Ninang!" lapit ko kay Tita Ninang para makipag-beso. "Si Cous po?" tanong ko.

Gusto ko lang kamustahin ang date niya sa kanyang first crush. Akala ko binibiro niya lang ako ng sabihin niya na si Cloude pa lang ang unang crush niya. Akala ko isa kanila Jacob at Homer ang naging crush niya pero mali pala ako. Kaibigan lang kasi ang tingin niya sa dalawa.

"Nasa underground pa"

"Nagta-training po sila ni Tito Ninong?" I asked.

"Hindi, siya lang mag-isa. Wala ang Tito Ninong mo ngayon may meeting siya ngayon. Tunkol sa event ng Mafia Assassin"

"Ahh!.. Ganun po ba?. Tita, pwede po bang akong pumunta sa underground?" nakangiting tanong ko.

"Oo naman. Tara, sasamahan na kita" naglakad na kami papunta sa malaking painting. "Ang mama mo nasa Hospital ba?"

"Wala po, nasa safe house. Tinitiganan niya ang mga nasugatan sa nakaraang ikwentro. One week na pala yun" I pouted.

"Oo nga eh! buti daplis lang ang nangyari sa akin, mabuti wala dito si Twilight nang nangyari yun" nakangiting sabi niya. Bumukas ang elevator at mabilis kaming nakababa sa underground.

"Akyat na ako sa taas, ikaw na ang bahala kay Twilight ha?"

"Yes, Tita. Magpahinga kana rin muna" Alam kong hindi lang daplis ang tama ni Tita dahil narinig ko sila Mama at Papa na maraming siyang nawalang dugo.

"May alam ka ba?"

"Narinig ko lang po kala Mama at Papa. Sorry po" yuko ko.

"Wag mo lang sasabihin kay Twilight, alam na rin ni Dark 'to. Mas mabuti pa na hindi niya malaman. I trust you, Zhynly"

"Yes, Tita" tango ko. Lumabas na ako ng elevator at umakyat naman si Tita. Tinext ko muna si Mama para makapunta siya dito at ma-check up na rin ang kondisyon ni Tita Sunlight.

Naglakad na ako papunta kay Twilight at nakita ko siyang pawis na pawis, habang sinusuntok ang malaking punching bag sa kanyang harapan.

"Nandito ka pala Zhynly, anong ginagawa mo dito?" seryoso ang mukhang tanong niya. May problema ba sya?.

"Gusto lang kitang makitang magtraining. Wala pala si Tito 'no?" Nakita kong maraming pasa siya sa katawan. Mahirap talaga ang training kay Boss hindi basta-basta na tulad sa ibang nagturo sa akin noong papasok pa lang ako sa Darklight.

"Ahh! Gusto mo bang lumaban sa akin?"

"Lumaban sa iyo? you mean? Sparing tayo?"

"Kung gusto mo lang naman. Pero kung ayaw mo, may kilala ka ba na pwede mong tawagan para makalaban ko? Gusto ko lang kasing makita ang kakayahan ko"

"Kung gusto mo sa safe house maraming magagaling na assassin doon. At doon "

"Gusto ko sana kaso, walang kasama si Nanay"

"Pupunta si Mama dito, kung gusto mo hintayin na natin sya tapos pumunta na tayo doon"

"Bakit may nangyari ba kay Nanay?" alalang tingin niya sa akin.

The Mafia Assassin (Prince and Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon