Chapter 23:
Twilight Sky's POV
(Monday)
Nag-park ako ng sasakyan sa parking lot ng makita ko ang sasakyan ni Hollis. Lumabas agad ako sa kotse at ganun rin siya. Nagkatinginan kami dalawa, sinara ko ang pinto ng sasakyan para sana lumapit sa kanya. Pero bigla akong napahinto dahil bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin.
'I like you"
'Yes. I loved her so much, and I know she's my angel now'
"Smith, are you okey?" nasa harapan ko na pala siya. Galit kaya siya sa akin dahil hindi ako nakadalaw sa kanya? Hindi rin kasi siya nag-reply sa text messege ko.
"Ha! oo naman. Ikaw kamusta kana? Sorry hindi ako nakapunta sa hospital" naglakad na kaming dalawa.
"Hindi rin naman ako nagtagal doon"
"Ahh!?..." wala akong masabi. Bakit ganito ang lakas ng kaba ko? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"Where's your cousin?" Bakit niya hinahanap si Zhynly?. "dahil wala kang kasama" nakatingin siya sa akin.
"Mind reader ka ba?"
"Of course not" So? nasabi ko pala.
"Nasa bahay nila nagpapahinga" sagot ko. Napahinto ako sa paglalakad at huminto rin naman siya.
He sighed. "What?" tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya. Sasabihin ko bang like ko rin siya? o crush ko siya? Big deal ba yun?.
"Say it" sabi niya. Mukhang alam niya na may gusto akong sabihin sa kanya.
"Ahh?!... Ano kasi-- yung-- Hehe! Bakit hindi ka nagreply sa text ko?"
"H-Hindi ko nakita ang text message" sagot niya. Napatingin ako sa kanya pero napaiwas rin ako ng tingin dahil nakatingin siya sa akin. Ano ba yan?!
"Ganun ba?" Medyo disappointed ako sa sinabi nya. Medyo lang naman. Sigurado naman akong na-send ko ang text message ko sa kanya. Bakit hindi niya nakita?.
"But thank you for your text message. Kahit hindi ko nabasa, I appreciated it."
"Minura kaya kita dun, thanks pa rin?" biro ko.
"I know you, Twilight Sky Smith. That's why I like you" Yan na naman yung like nya eh!
"Salamat sa pag-like mo sa akin. Alam kong mahal mo pa rin si Sky" ngiti ko sa kanya. Kahit patay na si Sky, alam kong mahal niya pa rin ito. Tama na muna siguro yung like niya lang ako, ganun rin naman ang nararamdaman ko sa kanya. Ganun lang ba talaga?. "Tara na!" ngiti ko at nauna na
"I like you, no matter what. I'm still confused about my feelings right now, but trust me, I'll tell you exactly what I feel kapag sigurado na ako." mahinang sabi niya na sapat na para marinig ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Nakakalito, nakakainis!. Sapat na sigurong gusto na niya ako at hindi na ako aasang humigit pa doon.
"Bilisan mo maglakad, baka mahuli na tayo" sabi ko.
Nang makarating kami sa classroom, umupo agad kami sa upuan namin. Nasa loob lahat ng classmate namin at dumating na rin ang Prof namin. Napatingin ako sa kasama ng Prof namin na babae. Maganda ito, matangkad at maputi, nakangiti siya habang nakatingin sa likod.
"Ang ganda nya"
"No. Mas maganda pa rin ako"
"Hi! Babe!" kaway niya sa likuran kaya napalingon kaming lahat. Si Hollis ba ang sinabihan nyang babe?
"You have a new classmate. Althea Skyler Lacson." Althea Skyler?. Parehas sila ng pangalan ng anak ng Boss ng Harwell?.
"Hi! Guys, I'm glad to meet you." kaway niya sa amin habang hindi pa rin nawawa ang ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
AksiTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...