Chapter 57:
Pippa Zhynly's POV
Magkahawak kami ng kamay ni Jacob habang nakasakay sa sasakyan ni Clarkson pasunod kanila Athan. Pansin niya sigurong kinakabahan ako, alam kong mapapagalitan ako nila Tito at Tita kapag may nangyaring masama kay Twilight.
"Grayson" sagot ni Ate Ai sa tawag. "What?! May sasakyan na nalaglag sa bangin?. Sige, Magkita na lang tayo" sabi ni Ate Ai.
"A-Anong balita, Ate Ai?" tingin ko sa kanya. "Nakita na ba si Cous?"
"Hindi pa nila nakikita, pero may nakita silang sasakyan sa isang bangin pero wala naman daw tao sa loob ng sasakyan. Baka sina Twilight ang sakay nun, hindi pa natin sigurado" paliwanag ni Ate Ai.
~~~
Napatingin ako sa nadaanan naming sasakyan na inaahon na ng mga pulis, na agad rin naman naming nilagpasan. Hanggang sa huminto na ang sasakyan namin sa tabi ng sasakyan ni Grayson.
"Nasaan na sila?" tanong ko.
"Miss Amber Ice!... Zhynly!..." napalingon ako kanila Kelly at Grayson habang buhat-buhat ni Grayson si Cous. Napatakbo ako papalapit sa kanila.
"Cous!..." nakita ko ang mukha ni Cous na maraming sugat.
"Dalhin na natin sya hospital" sabi ni Jacob kaya naglakad na si Grayson papunta sa sasakyan habang buhat si Cous at ako nakasunod lang sa kanila.
"Hollis..." napatingin ako kay Cous na nakapikit pa rin. "Hollis..."
"Cous..." tawag ko sa kanya ng dahan-dahan naman siyang dumilat.
"Z-Zhynly.. S--Si H-Hollis nasaan?" tingin niya sa akin at tumingin siya sa may paligid. Alam kong hinahanap niya si Cloude.
"Hindi ko pa alam, Cous." sabi ko sa kanya.
"What?!.. S-Sinong nagdala sa kanya dyan?. Yung babae? Sinong babae?. Saang hospital?. Pupunta na ako.." sabi ni Ate Ai sa kausap niya sa cellphone niya. Lumapit si Ate Ai sa amin.
"Nasa hospital na daw si Cloude, tara na" sabi ni Ate. Tumingin ako kay Cous na nakapikit na pala.
~~~
Nasa hospital na kami at nasa emergency room na si Twilight at nandoon na rin si Cloude. Gusto kong maiyak dahil sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahan na ang sobrang kasiyahan na nangyari kahapon ay mapapalit ng ganitong kagulong sitwasyon.
"Hindi nagpakilala ang taong nagdala kay Cloude dito" Ate Ai said.
"Pippa Zhynly!." napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko sila Tito Ninong at Tita Ninang. "What happened?" Tito Dark asked me.
"I--I'm sorry, Tito.. We don't know po kasi na may ganitong mangyayari. I'm sorry po kung hindi ko nasabi at kumilos kami ng hindi nagsasabi sa inyo"
"Pinagkatiwalaan ko kayo sa anak ko"
"I'm sorry, Tita Sunlight, ako po ang may kasalanan ako ang nagsabi na wag munang--"
"Ikaw, Jacob?. Kayong lahat ang may kasalanan nito!. Dapat tinawagan ninyo kami maaga pa lang! Pero gusto ninyo iresolba ang lahat? Anong nangyari ngayon?!" kita ko ang galit sa mukha ni Tita at walang makapagsalita sa amin. "Tumawag ako sa inyo pero walang sumasagot at malalaman ko na lang nasa hospital na ang anak ko?" tingin sa amin apat ni Tita Sunlight.
"Life, don't stress yourself" yakap ni Tito Dark kay Tita at tumingin sa amin. "You can go, guys. I'll take care of it." Tito Dark said to us.
"No, Tito. I stay here, hanggang sa malaman ko na kung anong balita kay Cous" I insisted.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
ActionTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...