Chapter 50:
Twilight Sky's POV
Nasa tapat na ako ng address na ibinigay sa akin ng taong dumukot kay Homer. Kilala ko naman kung sino ang nasa likod nito at walang iba kung hindi si Althea Skyler, siya lang naman ang nag-aakalang inaagaw ko sa kanya si Hollis.
Kinuha ko ng box ng sniper rifle para mag-assemble habang naghahanap ako ng pwedeng akyatin na gusali para makita kung ilan ba ang tao ang maaaring nasa loob at maaari kong makalaban. Pero walang malaking gusali na maaari kong puntahan kaya inayos ko na lang ang sniper rifle ko at sinabit sa balikat ko.
"Tss! Paano 'to?" napatingin ako sa may gate na biglang bumukas. Pinaandar ko sa sasakyan para lumayo ng konte at pinatay ko ang ilaw. Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papalapit sa gate. Nakasabit ang sniper sa balikat ko habang nasa magkabilang hita ko ang handgun. Medyo mabigay pero kailangan kong gawin iyon para kay Homer. Ayoko siyang mapahamak.
Huminga ako ng malalim at naglakad papasok sa bukas na gate. Laking gulat ko na may dalawang baril na nakatutok sa akin. "Hello!" napatingin ako sa babaeng nakama-mask ang mukha na akala mo aattend siya ng mask ball. Tss!. At akala niya siguro hindi ko kilala kung sino siya. "Nag-wig ka pa talaga girl ha?"
"Nag-mask kapa talaga ha? Feeling mo naman hindi kita kilala. Akala mo ba maitatago mo sa mask na yan ang kasamaan mo? Tss! Althea Skyler Harwell?!" tingin ko sa mga mga niya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya na agad naman nagbago. "I'm not her. Duh!" tumawa ako sa sinani niya. "Kuwain ninyo ang mga baril ng nakaka-iritang babaeng yan!" sabi niya at naglakad papasok sa may bahay.
Bago pa lang hawakan ng lalaki ang sniper rifle ko, mabilis na akong gumalaw para sipain siya. Agad kong kinuha ang handgun ko at binutok sa nagkabilang braso ng dalawang tauhan niya.
Pagkakita ko ay nakahiga na sila at namimilipit sa sakit sa tama nila sa tagiliran. "Subukan ninyong mag-ingay ipuputok ko tong baril sa ulo ninyo" tingin ko sa kanila habang tinatanggal ang bala ng baril nila.
Naglakad ako papasok nang makita ko si Skyler na nakangiting mag-isa. "Subukan mo lang gumalaw.." sabi niya at tumingin sa may paligid. Nakatututok sa akin ang lahat ng baril. "Wag kayong mga tanga-tanga!. Kuwain ninyo ang mga armas niya!" malakas na sigaw niya.
Lumapit sa akin ang dalawang lalaki na may dalang baril at ang ibang tauhan niya nakatutok sa akin ang mga baril nila. Hindi ko maliligtas si Homer kung patay na ako. Kung pilit kong kalabanin sila, kaya binigay ko na ang mga armas ko.
"Hindi ka nakalaban kasi mas maganda ako sa'yo?" nakangiting sabi niya sa akin.
"Anong kinalaman nang sinasabi mong mas maganda ka, sa nangyayari ngayon?! Tss!." I rolled my eyes. Nakangiti lang siya habang tinitignan ako. "Bakit kailangan na may idamay ka pa? Ano bang ginawa ko sa'yo?! at para idamay mo pa si Homer ha?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ako ng mga tauhan niya sa magkabila kong braso at tinatali nila ang kamay ko sa likuran.
"Kasi umi-eksena ka sa love story namin ni Cloude! You're bitch!. Malandi ka!" she said. Tinignan ko siya nang masama.
"Hindi ako malandi!. Wag mo akong tawaging ganyan, kung ayaw mong pati ikaw idadamay ko sa lahat ng ginawa sa akin nang ama mo! Namumuro kana sa akin!" tingin ko sa kanya.
"I'm so scared, Twilight Sky!." umarte pa siya na parang natatakot. "Kung hindi ka umiksena, siguro naging mabait rin ako sa'yo" lumapit siya sa akin kaya napangiti ako. "Siguro naging friends pa tayo" lapit niya sa mukha ko.
Tinuhuran ko siya sa tiyan niya at pumilipit siya sa sakit. "Sorry ha? dahil kahit kailan hindi kita magiging kaibigan.." tingin ko sa kanya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
ActionTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...