Chapter 31:
Twilight Sky's POV
9:05 PM
Nang magising ako kanina, sakto naman tumawag si Nanay kay Tita Mama. Kaya binigay sa akin ni Tita Mama ang cellphone para makausap ko si Nanay.
=*FLASHBACK*=
(8:07 PM)
Napadilat ako nang may naririnig akong nagsasalita. "Sunlight, gising na pala si Twilight" sabi ni Tita na agad lumapit sa akin. "Si Nanay mo" abot niya nang cellphone sa akin.
"Nanay" lagay ko sa tenga ko. Tinulungan ako ni Tita makaupo sa kama ko.
"Pupunta muna ako sa labas sandali"
"Hi! Sweetie, how are you?"
"Okey lang naman ako Nanay, hindi po ba kayo uuwi?" Dahil wala pa rin sila simula ng matulog ako hanggang sa magising ako. Akala ko kapag nagising ako makikita ko na sila.
"Ahh! Oo, hindi pa kami uuwi nang Tatay mo. Kaya ako tumawag para kamustahin ka at sabihin sa'yo na mawawala kami nang Tatay mo nang isang linggo" Nanlaki ang mata ko, dahil baka mas lalo akong matagal dito sa hospital.
"Nanay, bakit naman po? Saan po kayo pupunta? Paano naman po ako dito?"
"May kailangan kaming ayusin ng Tatay mo" sagot niya. Sanay na naman ako noon pa na parehas silang wala dahil ang akala ko business talaga ang inaasikaso nila.Pero ibang business ang ginagawa nila.
"Hindi namin pwedeng sabihin sa'yo, Sweetie. At yung tungkol naman sa'yo nag-usap na kami nang Tita Mama mo. Aalis ka na d'yan sa hospital at sa bahay ka muna nila titira"
"Po? Nanay?!" nagulat ako sa sinabi niya.
"Sweetie, ayan ang pinag-usapan namin ng Tatay mo, please sumunod ka okey?"
"Nanay, nasaan po ba si Tatay? Okey lang po ba kayo sa pupuntahan nyo?" tanong ko at nakita ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si Zhynly kasunod si Jacob.
"Yes, okey lang kami, wag kang mag-aalala tatawagan kita kapag uuwi na kami. Hindi rin kasi kami makakatawag nang ilang linggo. Magpakabait ka Twilight, sinabi nang Tatay mo sa akin na wag ka daw gumawa nang alam mong ikapapahamak mo" babala ni Nanay sa akin. Alam talaga ni Tatay na may plano ako.
"Sige na Sweetie bye. take care of yourself"
"Bye, Nanay. Ingat din po kayo ni Tatay." Pagkatapos ko makipag-usap kay Nanay. Nakatingin sa akin yung dalawa na halatang may gustong malaman sa pinag-uusapan namin ni Nanay.
Nakita pumasok na si Tita Mama sa kwarto ko, inabot ko sa kanya yung cellphone niya.
"Darlin, uuwi na tayo. Ayun daw ang utos ng Tito Dark mo, si Twilight sa atin na muna titira" sabi ni Tita kay Zhynly.
"Kaya nagpatawag ako nang pwedeng magligpit ng mga gamit ninyo" dagdag ni Tita. Pero saan ba pupunta sila Nanay? May kinalaman ba ito sa organization?.
=*END FLASHBACK*=
Iniisip ko kanina pa na mas maganda na habang wala pa sila Nanay ay makakuha na ako nang impormasyon at makahanap ng mga tauhan na pwedeng tumulong sa akin.
"Cous, alis na daw tayo" pasok ni Zhynly sa kwarto ko habang nakasunod naman si Jacob na may tulak ng wheel chair. Binuhat na ako ni Jacob pasakay ng wheel chair.
"Zhynly, daan muna tayo sa may bahay. May gusto lang kasi akong kuwain sa kwarto ko"
"Okey, Cous" nakangiting sabi niya. Mukhang excited siya na doon ako titira sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
БоевикTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...