Chapter 41:

4.2K 104 2
                                    

Chapter 41:

Twilight Sky's POV

"Magfocus ka Twilight, wag kung anu-ano ang iniisip mo" sabi ko sa sarili ko at pinukpok ko pa ang noo ko. Binalik ko na rin agad ang tingin ko sa screen ng laptop ko.

'Babe!'

'Babe!'

"Tss!. Ano ba naman, bwisit!" tumayo ako sa upuan. Ano bang pwede kong gawing paraan para hindi ko marinig yung babe-babe na yun. Nakakainis na ha?.

"Cous! Anong nangyari sa'yo? Ano yang kunot ng noo mo at haba ng nguso mo?" lapit ni Zhynly sa kama ko at naupo. "Ala-una na oh! gising ka pa rin?"

"M-May binabasa lang kasi ako" lumapit ako sa laptop ko para tanggalin ang flashdrive na binigay sa akin ni Tatay.

"Ano naman yang binabasa mo?" tayo para lumapit sa akin. "Baka na naman tungkol sa Harwell yan ha? Akala ko ba bahala na doon si Tito?" turo niya sa akin.

"Alam mo ikaw, nagagaya ka na talaga kay Jacob eh! Ang daldal mo, dami mong tanong. Wag ka na ngang magsasama sa lalaking yun" Iling ko pa sa kanya.

"Teka nga?! Ikaw yung pinag-uusapan natin dito ha? Bakit sa akin mo pinapasa?"

"Bakit ikaw lang ba pwedeng mag-open ng topic ha?" tanong ko sa kanya.

"Aba!. Twilight Sky!. Ikaw na ba yan?" hawak niya sa mukha ko kinurot.

"Anong pinagsasabi mo dyan Zhynly?. Bakit sa tingin mo yung kausap mo kanina hindi ako yun? Tss! You're not thinking!" tanggal ko sa kamay niya.

"Alam mo kasi, Cous. Ito ha? One time ko lang sasabihin sa'yo 'to ha?" tingin niya sa akin kaya napakunot ang noo ko kasi naging seryoso yung mukha niya.

"Ano ba yun? Patagal pa eh!" palo ko sa kanya ng mahina.

"Nagbago ka kasi ng slight since nakilala mo si Cloude Yule. Idagdag pa yung nalaman mo ang tungkol sa Mafia Assassin Organization" paliwanag niya. "Naka-miss 'yang malakas mong  boses mo yung pagka-boyish mo." tawa niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Nagbago ba talaga ako?" mahinang tanong ko. Kaya ba parang may kakaiba sa akin?.

"Yeah!. But don't worry, lahat naman tayo nagbabago. Dahil kung hindi tayo magbabago ibig sabihin wala tayong natutunan o wala tayong pinagdadaanan. Kaya wag mo nang isip 'tong mga sinasabi ko." sabi ni Zhynly at hinawakan ako sa balikat. "I'll go back to my room. Wag ka nang masyadong mag-isip dyan about sa nangyari kanina, wala na talaga sila Cloude at Skyler" tumawa pa siya at lumabas sa kwarto ko.

Bigla ko tuloy naalala si Hollis ng makita ko siya sa Cafeteria.

=*FLASHBACK*=

Pagkatapos akong bulungan ni Zhynly, napansin ko si Hollis na papasok sa Cafeteria. Ganito ba talaga kapag may crush ko sa isang tao, kahit malayo siya madali mo siyang makita?  Pero parang impossible o lagi ko lang siguro siyang naiisip sa mga nagdaang araw? Hays!.

Napaiwas ako ng tingin ng mapatingin siya, tapos tumingin uli ako sa kanya. Ang hirap pala ng ganito, magpapaka-ordinaryo ako katulad ng ibang tao kahit iba naman talaga ako sa kanila.

Sana tulad na lang kami ng love story na nababasa ko may happy ending. Pero ang totoo naman talaga walang happy ending meron lang ending.

Lumabas na si Hollis ng Cafeteria. Paano kaya niya nakakayang maging ordinaryong tao? Sila Zhynly, Jacob at sila Ate Ai. Parang ayoko na nang ganitong buhay, gusto ko na lang yun dati. Tama nga sila Nanay at Tatay dahil baka hindi ko kayanin, sa tingin ko parang hindi ko na nga kakayanin, parang gusto ko nang sumuko. Naguguluhan na tuloy ako.

The Mafia Assassin (Prince and Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon