Chapter 22:
Mike Winz's POV
Nak nang! Malakas talaga ang trip ni Ate Ai. Ano bang dahilan bakit kailangan pang bantayan ang Autumn na 'to?. Makikipag-date lang naman siya sa kaibigan ni Miss Twilight.
Speaking of Miss Twilight, bakit kaya hindi man lang niya dinalaw si Cloude? At bakit nandoon si Sky? Akala ko patay na si Sky, bakit hindi man lang alam ni Cloude na buhay pa si Sky?. Higit dalawang taon na rin ang nakalipas.
"Owche!" napatingin ako sa babaeng nakabanga ko at nagulat ako dahil si Autumn pala ang nabanga ko. Nasaan na yung kasama niya?. "Hindi ka lang ba mag-sosorry? " maarteng boses na tingin niya sa akin. Nakakainis!.
Hindi ko siya pinansin at naglakad na uli ako. "Friend ka ni Twilight diba?" Napalingon ako sa kanya.
"Pinapabantayan nya ba ako sa'yo? That bitch! Duh!" ikot ng mata niya.
"Mangarap ka!" naglakad na lang ako. Bahala na nga si Miss Ai. Kung anu-ano kasi ang pinapagawa sa akin.
"Autumn, sino yung kausap mo?" rinig ko pero hindi na ako lumingon at naglakad na ako palabas. Pumunta ako sa sasakyan ko at tumayo doon para itext si Ate Ai.
To:Miss Ai
Ano bang mission, sa Autumn na yun?Sent.
:Miss Ai
nothin'"Nak nang! naman talaga oh! Syete!" hampas ko sa sasakyan ko na biglang tumunog ng malakas. Pinagtri-tripan kasi ako ni Ate Ai dahil siguro sa sinabi ko na nakikipag-plastikan siya kay Sky.
Naramdaman ko na may humila sa dalawang kamay ko at namalayan ko na lang nakadikit na ang mukha ko sa unahan ng sasakyan. "Bakit mo hinahampas ang sasakyan ko?"
"Miss, akin 'tong sasakyan" pinipilit kong tangalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero hindi ko kayang tanggalin.
"This is mine"
"Sandali nga pakawalan mo nga muna ako!" Pinakawalan niya naman ako at tumingin ako sa kanya. Tinignan ko ang sasakyan na nasa gilid namin ng makita ko na hindi nga iyon ang sasakyan ko.
Napatingin ako sa kanya. "You see?"
"Oo na. Sorry naman."
"It's okey." Okey? "By the way, I'm Lora Zonia Lopez" abot niya sa kamay niya.
"I'm really sorry. I'm Mike. Nice too meet you, Miss Lora"
"Lora na lang" nakangiting sabi niya. Kitams, kapag gwapo talaga nilalapitan ng chickababes. "Kaibigan ka rin ni Cloude Yule Hollis diba? Kasama mo ba sya?" Nak nang! Si Cloude pala ang kailangan.
"Ahh! Oo. Bestfriend ko yun, Kaso hindi ko sya kasama, kasing gwapo ko diba?"
"Hindi rin!" tingin niya sa akin, mula ulo hanggang paa ko.
"Ganun ba? Sige alis na ako"
"Okey?. Umalis kana dyan papasok na ako sa sasakyan ko. Harang ka eh!"
"Ito na!" naglakad na ako na lang paalis.
"Baka ibang sasakyan na naman yung puntahan mo ha?!" pang-asar na tingin niya sa akin. 'Hay! nako!. Bakit may mga ganun tao? Ikaw yung kaharap, pero iba yung hinahanap.'. Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko.
* * * * * *
Kelly Ann's POV
(KINABUKASAN)
Kanina pa kami ni Athan nakabantay malapit sa bahay ng Harwell. Kailangan naming pumasok sa bahay nila para kuhain at palitan ang blueprint ng event. Ang mga Harwell kasi ang nag-organisa ng event at siguradong may binabalak itong masama.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
ActionTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...