Chapter 56:
Twilight Sky's POV
"Twilight!" mahinang tawag ni Hollis sa akin habang mahina niya akong inaalog. Dumilat ako at nakita kong may luha sa mata niya.
"Hollis..." tingin ko sa kanya.
"Okey ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" tanong niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. Binuhat ako ni Hollis palabas ng kwartong kinaroroonan namin. Nakita ko kanina kung paano niya na lang barilin ang mga lalaki sa loob ng kwarto. Lalo na ang lalaking malapit sa akin.
'...Una, minahal mo ang kapatid ko at sinaktan mo lang ang damdamin niya. Pangalawa, gusto mong maging sa'yo ang taong gusto ko.' tama ba sa narinig ko? O panaginip ko lang yun?.
~~~
"Babae.." tingin ko kay Hollis na hindi man lang tumingin sa akin. "Lalaking mukhang babae" tawag ko uli sa kanya.
"Pwede mo na akong ibaba. Medyo may nararamdaman na ako" sabi ko sa kanya. Nawawala na rin naman ang inject sa akin sa katawan ko ng pang-paralysis ng katawan.
"No" sabi niya.
"Hirap kana eh!" mahinang sabi ko sa kanya. 'Gusto ko rin naman ng aksyon sayang rin naman.'
"Hindi pwede, alam ko ang iniisip mo" sabi niya.
"Uyy!. Sige na, Hollis. Bibigyan kita ng cotton candy after this.. promise!" nakangiting sabi ko sa kanya. "Please!.. Ikaw rin naman mahihirapan"
"Wag kang maingay mapapahamak tayo sa ingay mo" sabi niya.
"Ibaba mo na ako, Cloude Yule Hollis. Kunyari ka pa eh! gusto mo rin ng cotton candy" mahinang sabi ko.
"Fine!. Please, be careful... sabihin mo kapag nahihirapan ka pa rin—"
"Ayos na ako, kaya ko na" kindat ko sa kanya. Nakita ko ang pagbungtong hining niya. Dahan-dahan niya akong binaba at inalalayan na makatayo. 'Buti naman. Cotton candy lang pala ang katapat nya eh! Hehe!'. Napansin kong napahawak siya sa tagiliran niya ng makita kong may dugo doon.
"Clou--" bigla niya akong niyakap at nagtago kami sa may gilid. Magkaharapan kami ng may ilagay siya sa kamay ko. Isang baril.
"Kaya natin sila, diba? " sabi niya. Tumango ako. "Wag kang lalayo sa akin, Okey?"
"Promise" tingin ko sa mata niya.
"Very good, My Queen" sabi niya at agad akong hinalikan sa noo. 'Hays!'. Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay habang nasa kabilang kamay ko naman ang baril na binigay niya sa akin.
Napatingin ako sa hawak kong baril na may silencer. 'Buti naman may silencer'. Napatingin ako sa relo ko, alas kwatro na ng madaling araw.
"Let's go" hinila ako ni Hollis at tumakbo kaming dalawa.
Nakita ko ang dalawang lalaki na makakasalubong namin kaya bago palang nila itutok sa kanila ang baril, inasinta ko na ang mga kamay nila na may hawak ng baril. Tumilapon ang baril nila at inasinta naman sila ni Cloude sa balikat nila habang magkahawak pa rin ang kamay namin.
Alam kong naman na kakayanin namin 'to ni Cloude pero alam kong mas kailangan namin ng tulong dahil parehas lang kaming may nararadaman na kakaiba sa katawan namin. Sa tingin ko rin, maraming bantay sa paligid o baka dumating na ang mga tauhan ni Harwell.
Dumapa kami ni Hollis ng bigla kaming paulanan ng bala na nanggagaling sa labas ng bahay. Gumapang at naghanap kami na pwedeng pagtaguan.
"Aray!" hawak ko sa noo ko. Pumasok kami sa isang kwarto at napatingin sa akin si Hollis. Nakita ko ang pisngi niys na may dugo kaya pinunasan ko.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
AzioneTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...