Chapter 14:
Mike Winz's POV
"Pre, anong ganap mo dyan?" napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko.
"Langya ka talaga, manggulat ba?" lingon ko kay Rexie. Nakatingin siya sa kay Cloude na nasa loob ng room.
"Pansin kong lagi mong pinupuntahan si Cloude sa mga room nya ha?. Yung totoo bet mo si Cloude no?"
"Gago! Ang bet ka dyan. Napapansin ko lang kasi mukhang malungkot si Cloude. Tignan mo yung mukha nya"
"Hindi mo lang pala bet, pinag-nanasaan mo pa. Ikaw ang walangya, kaibi--"
"Manahimik ka nga lang muna!"
"Oh!.. sige! sige! Ano bang point mo, dami mo pang pasakalye" crossarm pa niya.
"Mukhang namiss nya na yata si Miss Twilight. Tignan mo naman patingin-tingin sa tabi ng pinsan ni Miss Twilight" tingin ko kay Cloude na mukhang hindi napapansin ang mga tingin namin ni Rexie sa kanya.
"Baka naman bet yung pinsan pero sa walang nakaupo nakatingin" nagkatinginan kami. "Baka naman may third eye si Cloude"
Nak nang!. Mababatukan ko 'to ng isang 'to. "Siraulo ka talaga!" layo ko sa kanya. Nang mapansin kong nag-aayos na yung Prof nila at nagbuhat na nang gamit nito. Lumabas na yung prof nila kaya tumabi na kami sa gilid.
"Pippa Zhynly, bakit hindi pumapasok si Twilight?" tanong ni Lora sa pinsan ni Miss Twilight.
"Baka may inaasikaso lang" labas nila sa room. Maganda rin yung pinsan nya ang kaso mukhang suplada.
"Sayang naman, hindi nya alam na blockmate nya yung superhero nya. Yie!.. Si Cloude Yule! Omygosh!" sabi pa ni Lora habang kinikilig pa sila ng mga kaibigan nya.
'Superhero ni Twilight? Si Cloude? Paano nangyari yun?'
"Pippa!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa pinsan ni Twilight.
"Hey! Jacob, May kailangan ka ba? magkasama lang tayo kanina ha?!" nakangiting sabi nito sa lalaki.
"Ah! Pupunta kasi ako ngayon kala Twilight, baka pupunta ka?"
"HOY!... Chismoso ka 'no? Ayun na si Cloude" kalabi sa akin ni Rexie at nakita ko nga si Cloude na malayo nasa amin.
"T-Tara!" takbo ko para mahabol si Cloude.
"Cloude! Uy!..." pero mukha wala syang naririnig.
"Ako ba talaga ang may kasalanan kaya sya uma-absent?" sabi niya.
Nasa magkabilang niya kaming gilid ni Rexie habang nasa gitna si Cloude na mukhang na-momoblema. Nagkatingan kami sa likod ni Cloude. 'Narinig rin naman siguro nya ang mga sinabi ni Cloude.'
"Bakit nyo ako sinusundan?" humarap siya sa amin ni Rexie.
"Kanina pa kami na nakasunod sayo, hindi mo ba kami napansin, Pre?" kamot sa ulong tanong ni Rexie.
"Nah!" sagot niya.
"Narinig rin namin yung sinabi mo" sabi ko.
"About what?" tingin nya sa amin.
"Wag mo nang sabihin baka na sabi nya lang, pre" awat ni Rexie sa akin.
"Say it!" masamang tingin sa akin ni Cloude.
"Wag kang magagalit okey!"
"Say it! Now!" mariing sabi niya.
"S-Sinabi mo lang naman... 'Ako ba talaga ang may kasalanan kaya sya uma-absent?' yun lang naman" medyo lumayo ako baka mamaya may totoong baril siya.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
AksiTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...