Chapter 37:
Twilight Sky's POV
Tumawa silang lahat na nasa van at hindi ko alam kung bakit? Halatang tuwang-tuwa sila sa nangyayari dahil nakahawak sila sa tiyan nila. Mga baliw!.
"Hindi ko na kaya, yung mga sinasabi mo, Grayson" sabi nang kaboses ni Mike.
"Teka! Mike? Ikaw--" nagulat ako na may malakas na putok na umalingaw-ngaw.
"Naka nang! Yung gulong yung pinaputukan" tanggal ni Mike sa tumakakip sa mukha niya. Nagulat ako nang isa-isa kong nilang tinanggal yung takip nila sa mukha. Si Jacob, Grayson, Travis, Rexie at Mike ang mga kasama kong sa loob ng van?. 'Paanong--?'.
"Hi! Bella!" kaway pa ni Jacob sa akin at nakangiti pa siya. 'Anong ginawa niya dito? Wag niyang sabihin na katropa na niya yung friends ni Hollis?.'
"Anong meron? Bakit may ganitong pang nagaganap?" kunot noo kong tanong sa kanilang lima.
Oo, natakot ako para kay Hollis pero syempre nakahinga na ako nang maluwag kasi mga kaibigan lang niya pala ang mga ito.
"Let's go, Smith" napatingin ako kay Hollis. Nasa bintana na siya at nakabukas na ang pinto.
"P-Paano mo nalaman na kami 'to, Cloude?" tanong ni Rexie habang binubuksan ang pinto nang van.
"Because of the plate number.Tss!" pumasok siya sa loob at hinawakan ang kamay ko. Wala na rin nakatali sa likod ko. "Let's go" bumaba naman ako habang magkahawak kami ng kamay. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya.
Nang makita ko si Hollis kanina naalala ko yung video na pinakita sa akin ni Lourd. Pero nang hawakan niya ang kamay ko feeling ko nawala yung mga nakita ko kanina. Bakit kasi ang lakas nang epekto ng video yun sa akin?.
"Sandali lang" Napalingon kami ni Hollis sa kanilang lima. "Paano naman kami makakaalis kung flat yung gulong?" reklamo ni Mike.
"I don't know. Kaya na nila 'yan" hinila ako ni Hollis at binuksan niya ang pinto ng passenger seat kaya pumasok na ako sa loob. Sinara na niya ang pinto at pumunta sa pinto ng driver seat para pumasok.
Tumingin siya sa akin at binalik ang tingin sa may unahan at pinaandar na ang sasakyan. 'Bakit parang ang cold niya ngayon?. Hayaan mo na nga lang siya, Twilight'.
Nakarating na kami sa isang gate na mataas at pumasok ang sasakyan niya sa loob. Nakita ko na may na dalawang van na nakaparada, yung gamit ni Jacob kanina na akala ko nakidnap na ako pero hindi pala. Siguro naman may nagsundo nasa kanila at nasa loob na sila. Nauna pa yata sila sa amin ni Hollis.
Bumaba na si Hollis at bumukas ng kusa yung pintuan ko kaya hindi ko na siya hinintay lumabas na rin ako. Mukhang maganda yung bahay, pero ayoko nang mag-judge dahil nagkamali na ako noon sa secret house or warehouse. Malay ko bang party house naman ang nasa loob ng bahay na 'to.
"Ahh!... A-Ano bang meron dito?" tanong ko sa kanya nasa likod ko siya. Alam ko ang awkward, kasi hindi naman kami nag-uusap kanina habang bumabyahe.
"Follow me" nauna na siyang maglakad samantala kanina may pahawak-hawak pa siya ng kamay. Pati ba naman yun iisipin ko?.
Pero sumunod na lang ako sa kanya. Paiba-iba siya nang ugali na pinapakita sa akin. "Ano ba ang totoo?"
Nakita kong napalingon si Hollis sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko, kaya napaiwas ako. "Tara na" ngumiti ako para hindi na siya tumingin pa. Sumabay na siya sa akin at naglakad sa parteng garden ng bahay, at tumuloy sa madilim na part.
"Ho--"
"Happy birthday! Twilight Sky!". malakas na sabi nila Ate Ai, Zhynly, Athan at Kelly. Habang nasa likod nila si Jacob, Grayson, Rexie, Travis, Mike at Homer.
BINABASA MO ANG
The Mafia Assassin (Prince and Princess)
AksiyonTHE MAFIA ASSASSIN (Prince and Princess) by: ELAINAH M.E @IAmElainah Teaser: "Ikaw?" turo nito kay Twilight. "Maka-ikaw ka naman, feeling mo naman nagkilala--Ikaw si Papampam?" tanong ni Twilight sa lalaking nasa harap nya. Siya yung lalaking...