An introduction

633 3 0
                                    

kinuha ko ang mini notebook at ballpen ko sa bag. at nagsulat

house rental bill - 3500

water bill - 500

electric bill - 700

Total: 4700 pesos

add:

gamot ni nanay - 1000

baon ni bunso - 30*5= 150 per week.

magkano na ba lahat toh? nag pplus plus pa ako ng kalabitin ni mother Ganda..

"Day kahit iadd mo pa lahat ng number 1-10 hindi talaga sasapat ang kikitain mo dito sa club dyan sa obligasyon mo sa pamilya mo" sabi niya habang inaayos ang mga custome.

napangiti ako "okay lang Mother, atleast kumikita naman diba."

"pero kulang naman" turan niyang nakaismid pa.

"hahaha okay lang po yun mother. sige na poh mag reretouch na ako baka malapit na matapos si Ara" at inayos ko na ang sarili ko. sinipat ang kabuuan sa salamin.

"maganda ka na. o siya malapit ng matapos si Ara ikaw na next. galingan mo sa pag giling ah para naman tapunan ka ng datung, wiz mo na problemahin yung gamot ng mother mo" turan niya habang itinataboy ako papunta sa likuran ng stage.

haha si mother talaga..

sakto lang kakababa lang ni Ara.

"oi best ganda ikaw na" turan sakin ni ara ng makita niya ako.naku ang pawis oh. aircon naman dito pero grabe siya pagpawisan.

"goodluck"  pahabol niya pa at nagmamadaling pumunta ng dressign room para magpalit ng damit.

whew ako na naman ang sasalang. kinakabahan pa ba ako?hindi na siguro. nakasanayan na rin.

"AND NOW ANG PINAKAHIHINTAY NATING LAHAT.ANG KATAKAM TAKAM. WAG NA NATING PATAGALIN PA.THE ONE AND ONLY MAJESTY..”

Pagkatapos magsalita ni Lez ang aming baklitang emcee. Piñatay na ang mga ilaw. Tanging mga dancing light lang ang nakaopen.at lahat yun ngayon ay nakatutok sa stage.inaabangan ang paglabas koh.

“go ka na girl” sabi sakin ni Mother Ganda.

Tumango sa kanya. Isinuot ko ang half mask sa mukha ko. Pagtatakip Identity. Dahil ngayong gabi hindi ako si Shanelle Remin J. o si Xiang. Ako si Majesty. Ang magaling na Pole Dancer sa Kiss Club.

Umakyat na ako sa stage. At tuluyan ng nagdilim ang paligid.

Sa hudyat ng awiting Halo ni Beyonce unti unti kong iniindayog ang aking katawan.gayundin ang dancing light sa aking paligid. Nakakaakit sa mga kalalakihan ang ambiance sa loob ng club. Sinisigurado kong ang bawat pilipit ng aking hita at bewang ay magbibigay init sa mga kalalakihang nanonood.

Hindi ko na pinansin ang tilian at pasaring ng mga manonood na tanggalin ang aking mascara. o yung iba ay nagrerequest na lapitan ko sila at gumiling sa harapan nila. yung iba bastos na ang lumalabas sa bibig.ano nga ba ang malinis? Sa trabahong ito kailangan ipikit ang tenga para sa maliit na kita.

Sunod kong ginawa ang pag exhibition sa Pole na nasa gitna ng stage. Ginilingan ko muna ito,hinawakan hanggang sa unti unti kung inaangat ang aking katawan sa malamig na bakal ng Pole. Nang malapit na ako sa kalagitnaan, aking inipit ang dalawa kong hita upang lumiyad pababa. Makailang beses ko ding ginawa iyon.

Tumingin ako sa audience. Mukhang sabik na sabik silang may masilip sakin. Sa suot kung spandex two piece bikini wala pa ba silang nasisilip sa lagay na toh. Violet combination ang bikini ko ngayon. Mahigpit ang kapit nito sa bahagi ng aking katawan upang maiwasan ang anomang pagkalaglag at mag cause ng eskandalo sa aking sarili. Malapit ng matapos ang awitin. At malapit na ring malaglag ang mga laway at panga ng mga manyak na manonood. Mas naging wild ang aking sumunod na galaw.ginilingan ko ang pole at sa huling hudyat at nagsplit ako ng patiwarik habang ang  dalawa kong kamay ay pilit sumusuporta sa bigat ko.

Nagvow muna ako sa audience bago bumaba at bumalik sa likod ng entablado. Hindi ko na pinakinggan ang hiling nilang isa pa o ulit pa. sapat na ang dalawang beses sa isang lingo upang manabik sila sakin at bumalik balik. Nang sa gayon dadami ang parokyanong magkakainteres na panoorin ako.

“very good Xiang, ang galing galing mo talaga” si Mother ganda. Pagkabalik ko sa likod. May hawak na rin siyang Roba na itinakip ko sa aking sarili.tinanggal ko na ulit ang aking mascara.

“ssshhh, wag niyo muna akong tatawagin sa pangalan ko baka may makarinig” saway ko sa kanya.

Naglakad kami pupunta sa dressing room.

“xiangggggggg, si Lez nagtitili papalapit”

Dinilatan ko siya ng mata,getz na niya yun. Alam niya na ayoko sa pangalan ko pag nasa loob ng club.baka may makarinig na ibang tao

“ay sorry nakalimutan ko”

“o bakit nagtitili ka dyan?nakakita ka na naman ng gwapo sa audience?hay naku lez hindi na bago yan” wika ko ng makalapit na siya

“ay oo maraming gwapo ngayon, papalicious talaga ang gabing ito” sabi niya na tila kinikilig pa. si Mother ganda pinapakinggan lang siya at natatawa.

“gwapo nga manyak naman.hehe anong bago dun”

“wala.ay eh hindi naman yun ang ikinasasaya ko girl. Ito oh?” at iniabot niya sakin ang bugkos ng salapi. Wow ang dami nito.nag kislapan ang aking magagandang mata.pati tenga ko umangat sa nakita.

“see sabi ko na eh. Mukha ka talagang pera.” Sabi ni liz na napayukyok na sa tabi.

Hinablot ko sa kanya ang pera “ kanino toh?akin ba to?” habang binibilang ang salapi

“ay hindi te, akin yan.pinapakita ko lang sayo.akin na” akmang babawiin niya.

“walang ju. Pinaexcite mo lang ako.oh ayan sayo na” disappointed na sabi ko.akala ko pa naman akin na

“hahaha joke lang.tip mo to ngayong gabi. grabe blockbuster ka talaga girl. balato naman.” At iniabot niya ulit sakin ang pera.

Kinuha ko ang pera at binilang. Wow hihigit na to sa mga gastusin ko kumuha ako ng 500 at iniabot kay Lez. “o ayan pathank you, dadagdagan ko sana yan kaya lang binitin mo ako sa excitement kaya yan pagtiyagaan mo” hehehe pambawi lang.

ay..kuripz pero sige na nga. Salamat girl” sabi niya at nihug pa ako.bago umalis at bumalik sa stage para sa pagpapatawa naman ng mga audience.

“o anu solve na naman problema mo?” ayy si mother pala.

“yes Mother..thank you talaga. Sobra pa nga ito eh. Dadagdagan ko nalang ang gamut ni nanay para hindi ko na poproblemahin ang sa susunod na lingo” sabi ko habang initinatabi sa wallet ang pera.

“Eh panu yan mag VIP show ka pa ba bukas o hindi na?”

Ay oo nga pala no. meron din kasi itong VIP shows ang club. Mga piling tao lang ang pumapasok sa VIP.karamihan negosyante na gusto lang maaliw. Bigtime kumbaga. Minsan nga pulitiko pa. dati nasa VIP show lang ako.same din ang ginagawa pero nga lang konti lang ang audience hindi umaangat sa lima minsan isa lang. at fix na din ang bayad saming nag VIP. Malaki ng konti pero nakiusap ako kay mother Ganda na ilabas ako sa Public View kahit twice a week. Gipit kasi at ang daming pangangailangan.

“hindi na muna mother” tagtag na rin kasi ang katawan ko.isang beses sa isang lingo sa VIP Show at 2 sa Public View.

“eh panu yan sino magsshow kay Mr. Tan bukas? Alam mo naman yun mapili. Masilan pa” halata sa mukha ni mother ang pag aalala. Nasa 26 o 27 lang ata si Mr. tan at mula nang pumasok ito duon siya at siya ang laging nitong tinatawag.

“Don’t worry mother. Tatawagan ko nalang si Sir Gwapo bukas. Sasabihin ko si Ara muna”

“sige. Gawin mo yan, dahil alam mo naman ayoko mawalan ng malaking isda ang club ko. Malaki kaya siya magbayad para sayo”

“Yes mother” turan ko habang nagbibihis. Si mother naman lumabas na ng dressing room. baka mag iistema sa mga customer niya.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon