Stag Party

340 2 0
                                    

Stag Party

-Yeojie R. Dy

Kring kring kring.. ang cp ko tumutunog.

“o Ian napatawag ka?” –me

Dude pwede ka bas a sa sabado?

“saan? Gimik na naman?” panigurado last na gimikan na naman ito.

Hindi Dude. Stag party.

“stag party? Bakit ikakasal ka nab a? congratzz hindi mo naman sinabi agad” nangingiti kong sabi

Mukha kang tanga Dude. Really funny haha. At nagfake pa ng tawa Hindi naman ako. Kay Duffer yung mapapangasawa ng ate ko. Isasama ko lang sana kayo nila Chris eh. Pumyag na sila ikaw nalang kulang ano game ka ba?

“sige, sige. Total after next week pasukan na ulit sulitin na natin to.”

Sige ittext ko sayo ang oras yung venue Dude, ibigay mo naman muna sakin yung pinakamalaking suite niyo sa Dy.

“Sige Bro. ako nalang bahala dun.” Naisip ko nang ibigay nalang yung pinakamahal na suite sa baba lang ng penthouse ko sa Dy Hotel for free. Regalo nalang din para sa mapapangasawa ni ate Yianna.

Pagkababa ng cp tinawagan ko agad ang secretary kung si Dina para maibooked na yung party. Baka kasi magamit pa yung room pag hindi naibooked agad.

-Xiang o Shanelle Remin-

Dito ako sa bahay nila Ara ngayon.

sure ka Ara okay yun? Baka mamaya mabastos tayo dun” sabi ko sa kanya ng malaman ko ang inooffer niya. wala daw siya kasama sa party, at kailangan maghanap pa ng isa. At dahil ako ang lumapit sa kanya yun na din ang inoffer niya sakin. Stag Party for boys. Diba yun yung pagseselebra ng huling gabing kalayaan ng ikakasal na lalaki? At alam ko pulos lalaki ang bisita duon.

“Kinakabahan kasi ako Ara” sabi ko sa kanya ng maisip na pulos lalaki ang nandun.

“sus ito naman. Siyempre first time mong lumabas sa Kiss, pero wag kang kabahan nandun naman ako at saka mga disenting lalaki naman ang mga yun. Businessman daw.” Pag aasure niya sakin.

“sige ikaw bahala dyan” tanging nasabi ko nalang. Wala na rin namang choice kundi ituloy to. Saying ang kita at saka kailangan ko na talaga ng pera lalo pa’t paubos na ang gamot ni Nanay. Hindi pa naman ako makababalik sa club dahil hindi pa natatapos ang ikalawang lingo ng leave ko.

“mabuti na nga yun kesa naman sa VIP sa Kiss” –ara

“bakit naman?” nakakunot noong tanong ko sa kanya

“dalawang beses na ako nag VIP kay Arif at ayon hindi parin ako pinapasayaw. Pinapakain pa ako. Eh halos wala na akong exercise nito baka mamaya hindi ko na mabuhat sarili ko sa pole”

“mas okay nga yun eh, hindi ka man gumiling may bayad pa din” pag aassure ko sa kanya

“oo nga at mas malaki ang binibigay niya hah. Pero di ko parin feel. Nung nakaraan hindi na ako nakatiis tinanong ko ano problema niya abat alam mo kung ano sabi?”

Tiningnan ko siya ng tanong na ano?

“hindi niya daw ako gusto sumayaw. Hindi daw ako magaling. Hindi daw bagay sakin. Mantakin mo yun? Ako pa ang hindi magaling ngayon eh diba tinuruan lang naman kita?”

“hahaha para kang bata dyan, oo na magaling ka na. siguro hindi niya lang gusto na sumayaw ka” –me

“hmmp nakakainis pa din.”

Nailing iling nalang ako sa inaakto niya.

Maya maya nag change mood na siya. Parang Bipolar lang. haha

“mamaya daanan natin yung pinagawa kong custome kay aling teri”

“agad agad? Baka hindi yan magkasya sakin” –me

“hindi kakasya yun.stritchable  kaya yun. Cute pa” - Ara

“eh yung piece of music?” siyempre dapat paghandaan kasi hindi naman ito tulad ng sa club na on the spot.”

“ay oo nga noh. Alin ba gusto mo yung alive bit o yung sexy smooth bit?” turan niya na tela may hinahanap sa cp niya. music ata yun.

“sexy smooth nalang siguro,” turan ko. Yung sa alive bit kasi eh mabilis kang pagpawisan dahil itatagtag mo sarili mo.

“Eh yung final natin ano nalang yung pang scandal” sabi niya na tila nanggigil pa.

Nanlaki mata ko “pang scandal? Hindi tayo maghuhubad ng tuluyan ah?”

“siyempre hindi syungak ka ba? Ano pa baa ng matatanggal eh kapiranggot nalang ng damit an gmeron tayo dun. Yung music ang sinasabi kong pang scandal.” Tumatawang turan niya

At pinatugtug niya. ayun..

Careless whisper,shit…pang scandal nga.

“sa sexy smooth mo, love song sayo. Unbreak my Heart, tapos sakin Sweet Dreams.” Pagdedetalye niya.

And as usual Oo lang ako palagi. Hindi ko na kasi expertise ang raket ni Ara. Siya makailang beses niya ng ginawa ito.

“ahm Ara. Tanong ko lang. pwede ko bang ano gumamit ng half mask” nag aalinlangan kong sabi.

“siyempre naman. Actually pareho tayo, nagpagawa talaga ako nun. Sa club lang naman ako nagrereveal ng mukha ko, pero sa mga ganitong raket hindi.”

Ah ganon din pala ginagawa niya. buti naman.

Kailangan ko ng sobrang pag iingat ngayon, pangit naman na pulaan nila ako sa school eh kakapasok ko lang. skandalo yun baka itakwil ako ng eskwelahan.

Eh anong magagawa ko sa ito ang bumubuhay sakin. Haayyy

Umalis na kami ni Ara, pupuntahan namin yung pinagawa niyang custome.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon