Working Days/Worst Days

206 1 0
                                    

-Shanelle Remin-

Ilang weeks na din simula nung magstart ako ng trabaho.

Okay lang naman, going smooth ang lahat. Mabilis lang namang natanggap na iba na ang boss nila. pero yung pamamalakad same parin tulad ng dati. Nagresearch kasi ako kung anong klaseng pamamalakad ang pinapairal ni Daddy Ershan noon, at dahil maayos naman. Yun nalang din muna ang pinakita ko sa kanila. Hindi naman ganun kahirap mag Adjust. Lalo na paminsan minsan bumibisita si Ara with Arif and their daughter.

Nagbonding kami, lumabas saglit at kumain. After umuwi na sila at ako naman balik sa trabaho ko. Marami kasi akong babassahin at pipirmahang papeles.

Kasama ko din si Yeoj sa trabaho dahil isa siya sa may pinakamataas na Shares of Stocks at siya ang tumatayong Vice President ng Ershans Resort.

Hindi kami nagkikibuan, lahat ng negosations namin purely business lang.

Ganon parin. Galit parin siya sakin.

Tulad ngayon nandito si Ian kulit.

“napasyal ka?”sabi ko sa kanya.

“bakit masama ba?” ngingiti ngiting sagot niya

“hehe pilosopo.saglit mag oorder lang ako. Hindi na kasi ako pwede bumaba dahil marami akong kailangang ayusin ngayon.”

“sige”- ian

Dinial ko ang telepono connecting Aaron. “hello Aaron umorder ka nga ng…” at pagkatapos ay ibinaba ko na.

Binubutingting ni Ian ang mga gamit ko. Haaayyy nawiwili na. palibhasa pakialamero.tumayo ako upang lapitan siya.

“hoy Iantot, hindi ka na naman mapakali dyan. Umupo ka nga muna, sabihin mo sakin may dahilan ang pagpunta mo dito no?”

“wala” tanging nasabi niya at umupo na.

“weeehh sabihin nab aka magbago ang isip ko hindi kita tutulungan” pahaging ko

“talaga tutulungan mo ako?” tanong niya na nagliliwanag ang mukha

kung sasabihin mo muna”- me

“haist sige na nga. Kasi yung nililigawan ko,..”- Ian

“alin duon? Kasi alam ko marami yun”..hehehe

“tsss nakakainis ka. Wala sa mga sinabi ko sayo, bago ito at seryoso ako sa kanya”

“hay naku seryoso. Kailan ka pa naging seryoso” pambubuska ko kasi naman babaero

“pwede ba xiang makinig ka muna.” Haha parang naiinis na sakin si Iantot.

Nag act ako na siniZip yung mouth, it means makikinig ako at tatahimik

“Eh kasi hindi ko alam kung papaano ko mapapasagot si Rizza. Ang sungit. Isa siya sa Head ng Dept. ko. Sa palagay ko nga tinamaan na ako sa babaeng yun. Paano bang manligaw sa isang babae?”

“hahahaha seriously tinatanong mo sakin yan?” haha natutuwa talaga ako sa kanya. Nilapitan ko siya at inakap sa leeg mula sa likuran niya dahil “alam mo brother mukhang ngayon lang kita nakitang seryoso ng ganyan, pero dahil kapatid kita…”

Boggggssss hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kumalabog ang pinto at…

-Yeojie Dy-

Nakasalubong ko kanina si Ian, akala ko ako ang pinuntahan niya pero hindi pala.

“Ian, dude kumusta?” batik o sa kanya ng magkasabay kami sa elevator pupunta sa 10th floor.

“uy Yeoj. Okay lang ikaw?” bati niya sakin.

“ayos lang. napadalaw ka? May kailangan ka ba?”- me

“oo pupuntahan ko si Shanelle, nandyan kaya siya?”- ian

Si Shanelle? Si xiang ang pupuntahan niya.

“ah siguro, bakit may kailangan ka ba sa kanya? At iba na yata ihip ah. Pano mo nakilala si Xiang?” naccurious kung tanong

Hindi niya nasasagot ang tanong ko ng bigla ng bukas ng elevator at sabay na kaming lumabas na dalawa. Siya pupunta sa left kung nasaan ang office ni Xiang at ako sa right, magkabilaan lang kasi.

“sige Yeoj. Puntahan ko lang si Xiang” tugon niya at diridiritsong naglakad na palayo. Nakalimutan na ang tanong ko.

Naiwan ako nag iisip sa mga bagay bagay.

Nililigawan niya kaya si Xiang?

Paano sila nagkakilala?

Bakit si Ian pa?

anu na ang ginagawa nila.

Haisssttt bakit ba naiisip ko pa ang babaeng iyon. Dapat wala na akong pakialam sa kanya. Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko.

Nitong mga nakaraang lingo simula ng dumating siya. Nagbalik ang dati sa lahat. Yung pakiramdam ko, gusting gusto ko na siyang akapin noong una ko siyang Makita pero nangibabaw ang galit. Gusto kong iparamdam sa kanya na sobrang namiss ko siya pero hindi ko nagawa dahil nagalit agad ako.

At ngayon sa isipin na si Ian ang kasama niya parang ang sakit sakit.

Pupuntahan ko ba sila o hindi?

Kinuha ko yung papeles ng financial dept. kanina. Aayusin ko sana. Pero hindi ko alam kung bakit ko ito hinahawakan ngayon.

Pupuntahan ko sila.

Pagdating ko wala si Aaron, yung secretary niya, kumatok ako pero mukhang walang nakakarinig.

Baka kung na ang ginagawa nila…

Kaya..tinulak ko ang pinto..

-Shanelle Remin-

Boggggsss nagulat ako bigla kasing bumukas ang pinto at iniluwa si Yeoj.

Kahit si Ian ay halatang nagulat din.

Si Yeoj tiningnan ko siya habang unti unting binabawi ang pagkakayakap k okay Ian. Una akong bumawi at bumalik sa table ko. Pinagpag ko muna ang blazer ko bago naupong muli.

Nakakuyom ang kamao, parang makikipag away. Naniningkit na mga mata. As usual galit.

“may kailangan ka ba Mr. Dy?” nakangiti kong tanong sa kanya.

“may gusto sana akong ikonsulta sayo, pero mukhang busy ka. Kaya baka mamaya nalang.”

Busy? Tiningnan ko si Ian, para na siyang natatawa.

“pwede namang ngayon na. hindi naman siguro confidential yan.”- me

Iniabot niya sakin ang papers ng financial dept. “gusto ko sanang hingin ang opinion mo tungkol dito, pero since alam kung busy ka sa kung naumang GINAGAWA mo. Ako nalang ang mag aayos nito” sabi niya binawi ang papers na hindi ko pa nababasa at dali daling umalis.

“ano daw yun?” naitanong k okay Ian ng makaalis na si Yeoj.

Pero nagkibit balikat lang si Ian.

“bak iba ang kailangan niya” – Ian

“at ano naman?”- me

Pero imbis na sagutin ako ni Ian. Tumawa lang siya.

Hmp hindi ko na aalamin. Bahala ka Yeoj sa buhay mo.

Dumating na yung pagkain at naglate lunch kami ni Ian sa loob ng office ko. Napag usapan na din naming ang gagawin sa sinasabi niyang nililigawan niya. kahit hindi ako ganun ka expert pagdating sa love love. At least kahit payong kapatid, kaibigan nabigyan ko si Ianpot Kulit.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon