Welcome Home Tsikas

209 1 0
                                    

-Shanelle Remin Javier-

After 2 years..

Tiningnan kung mabuti ang office ni Dad. Tulad nung unang napadpad ako dito at tumakbo ng malamang siya pala ang daddy ko.

“ano na miss mo ba itong office mo Ershan?” kausap ko sa kawalan. Hanggang ngayon Ershan parin ang tawag ko sa kanya. Kahit na napatawad ko na siya. Ewan ko ba. Nakasanayan ko nalang siguro.

After 2 years kinailangan ko nang bumalik sa Pilipinas. Wala na kasing mamahala ng Ershans Resort and Hotel ni dad. Pumanaw na kasi siya last week. Sa Singapore, sinubukan niyang magpagamot sa pinakamahal na ospital duon. Pero hindi na naagapan ang sakit niyang Cancer of the Bone. Ni hindi manlang tumagal ang gamutan. Agad agad binawian siya ng buhay.

Ang alam lang ng mga staffs niya ay bakasyon lang ang ginawa ni Dad sa Singapore pero ngayon ash niya nalang ang naiuwi ko. Nasa bahay na ngayon sa Alabang ang ash.

Ngayon nagkakagulo sila dahil sa biglaang pagkawala ni Dad.

“anong ginagawa mo dito?” napalingon ako sa may pinto kung saan nanggaling ang nagsalita. Si Yeoj.

Hindi parin nagbabago. Gwapo, matangkad at mas lalong naging matipuno.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili, para lang makompirma na narito parin. Yung dating feelings nung una ko siyang Makita. Ang kaba at paghanga ko sa kanya hindi parin nawawala.

Pero bakit para siyang isang yelo na hindi maabot. Bakit ang sungit niya.

“so ninamnam mo nab a ang maaring mapunta sayo?” nilapitan niya ako at sinaklot ang aking balikat.

“I’ll tell you what xiang. Hindi sa isang tulad mong kabit mapupunta ang pamamahala dito.”- yeoj.

Haha ganun parin pala ang iniisip niya sakin. Hindi parin pala nagbago. Ako na anak ay naging isang Kabit?

“Hon, may nangyayari ba?” napalingon ako sa pinto. Isang babae? Matangkad, maganda, mestisa. Pero, Hon? Tama baa ng narinig ko.

Tiningnan ko si Yeoj na ngayon ay binitawan ako. Nilapitan niya ang babae.

“Wala Monique, ano wala pa ba? Lets go.” At nagpatiuna ng lumabas si Yeoj.

Nilapitan ako ni Monique.

“Hi, I’m Monique. Yeoj fiancée.” Pagpapakilala niya sakin.

Inabot ko ang kamay niyang nakalahad at nginitian siya. “Shanelle Remin.”

“sige mauna na ako. Sunod ka nalang sa bored room.” Anito.

May fiancée nap ala si Yeoj. Hinawakan ko ang dibdib ko. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Bakit hindi niya ako hinintay? Alam ko kasalanan ko din lahat ng ito. Ako ang lumayo.

Alam ko noon na maraming maaring magbago sa pag alis ko pero hindi ko naman naiisip na masakit pala ang sitwasyong ganito.

Pinunasan ko ang pumatak na luha sa pisngi ko. Kailangan kong mag ayos. Hindi pa dito natatapos ang lahat. Kailangan ko itong harapin.

Pumunta ako ng bored room, tama lang dahil pagpasok ko nandun na si Yeoj, ang  ibang small stock holders at ang abogado kararating lang din. Umupo ako sa bakanteng upuan na noon ay kay dad. Nakatingin sila lahat sakin sa pagpasok ko, pero mas nakakaapekto ang nag aapoy na tingin sakin ni Yeoj. Kung nakamamatay lang siguro yun, baka naglupasay na ako at duguan ngayon.

“Good morning Everybody, welcome back Ms. Remin.” Bati ni Atty. Sancho “shall we?”

I nodded to him. Giving the pleasure smile.

“sa pagkawala ni Ershan Javier ay marami ang nagulat, at siyempre hindi inaasahan na ganito ang mangyayari. Gusto ko lang ipaabot na tulad ng dati ang lahat ay mananatili. Maliban lang sa posisyong iniwan niya. ayon dito sa pinirmahang papeles ni Mr. Javier iniiwan niya ang kanyang shares of stock kay Ms. Shanelle Remin. It means si Ms. Shanelle ang may pinakamalaking shares of stocks ng Resort, at hindi lang yun. Siya ang bagong iaappoint na CEO/President. Siya din ang mamahala sa iba pang ari arian na meron si Mr. Javier dahil sa kanya naipamana ang lahat ng ito. Sa kanya ang karapatan sa kung ano man ang naisin niya at gawin sa naiwang mana.”

Hindi ko na halos narinig ang iba pang sinabi ng abogado.. hindi ko naman alam na ganito pala dito, na marami pang naipundar si Ershan. Alam ko hindi lang ito para sakin, para rin ito sa mga kapatid. Dangan lamang at mga bata pa sila.

“bakit siya ang papalit sa pwesto ni Ershan? Anong karapatan niya para akuin ang lahat ng meron si Ershan?” nagulat siya ng magsalita si Yeoj. Ng ganito

“Bakit hindi Mr. Dy. Hindi mo baa lam na si Ms. Shanelle ay ang..”

“ay ang binigyan ng karapatan. Nakasulat naman sa testament hindi ba? At ang alam ko mas mataas ang porsyento ni Ershan kesa sa inyo. Yung porsyentong yun ang magbibigay sakin ng karapatan dahil ako ang nakasaad na tagapagmana.” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng abogado. Kailangan ko ring ipagtanggol ang sarili ko at ngayon kailangan patunayan.

“at anong gagawin mo para mapasunod ang mga tao? Anong alam mo sa pamamahala? Ano sasayawan mo sila?” nagulat ako sa sumunod na sinabi ni Yeoj. Hindi parin niya pala nakakalimutan. Oo Yeoj. Duon ako nanggaling at hinding hindi ko iyon makakalimutan kahit kailan.

“Mr. Dy. Nakalimutan mo atang namahala na rin si Ms. Shanelle ng ganitong negosyo sa Singapore. Si Mr. Sancho, abogado

“hayaan niyo po siya Mr. Sancho. Maaring marami dito ang hindi matanggap ang naiwan ni Ershan pero kung ano po ang nakasaad matuto po kayong rumespito salamat.” Yun lang at lumabas na ako ng bored room. Ano mang oras ay lulubog ako sa kinatatayuan ko ang sakit sa puso ng ganito.

Hindi muna ako bumalik sa opisina ni Ershan. Pakiramdam ko kasi magkakagulo, at alam hinang hina na ako. Kailangan ko ng lakas dahil parang nagsisimula palang ang laban.

Kailangan kong puntahan ang mga kapatid ko.

Kailangan ko silang Makita.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon