-Yeojie Rio Dy-
“O anu Dude sama ka na?” si Ian nandito na naman nangungulit para isama ako sa lakad ng barkada. Kung hindi ko lang alam, always boys night out lang yun sa mga exclusive clubs.
Nginitian ko lang siya at umiling iling “kayo nalang dude, alam mo namang dami pa akong tatapusin. Malapit pa naman na ang pasukan”
“yun nga yun Yeoj. malapit na ulit ang pasukan at last chance mo na para maenjoy ang bakasyon pero anu gawa mo?ayan puro ka trabaho.” Sabi niya habang printing nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ko.
“mas okey na to bro kesa naman kung saan saang club ako pumunta at kung sino-sinong babae patulan ko, ayan tulad mo. Mamaya magkasakit ka na niyan” playboy kasi tong kaibigan ko. Mahilig mag take home siguro.
“awww sobra ka dude. Sakit sa ego nun ah” at nagkukunwari pang hinawakan ang puso niya. pero nakatawa naman.
“sus kunwari pa. lumayas ka na nga. Sila chris at reggie nalang ayain mo. Baka sa susunod nalang ako” marami pa kasi akong kailangan basahing papeles.
“sige na nga, wala ka talaga Yeoj. Last semester naman na natin sa susunod. Pagkatapos nun ibuburo ka na dyan sa mga papeles mo. Mag enjoy ka naman..relax dude, relax.”
“haha oo na.pero wag muna ngayon. sa sunod na araw nalang bro.”
“sinabi mo yan. Susunduin ka namin dito. Pag hindi ka tumupad. Kakaladkarin kita bro alam mo yan.” Natatawa pa nitong turan sakin bago lumabas ng pinto
Hahaha sira ulo talaga. Panu yan mapapasubo na talaga ako nito. Mapagbigyan nga sa susunod na sabado.
Pero bago bumalik sa trabaho napag isip isip ko din ang sinabi ni Ian.
Oo nga ako si Yeoj. Yeojie Rio Dy, 24, nag iisang anak ni Ronald Dy at Marissa Rio, walang ginawa kundi puro aral at trabaho. Nagsisimula palang akong tumulong sa daddy ko sa business naming 3 branch ng hotel tapos mayroon pang kailangan imanage na ilang branches ng Dy Restaurants sa iba’t ibang mall. Hindi naman sa pagmamayabang pero sakin din naman mapupunta ng lahat ng ito, at ngayon palang kailangan ko ng mapag aralan ang pamamalakad para sa kinabukasan ko. Kasama siguro ang magiging pamilya ko. Haha pamilya agad eh wala pa nga akong girlfriend.
Tinatapos ko na din ang huling semester ko sa CBU(Chinese Business University) exclusive para sa mga gustong kumuha ng Business Courses. Maganda ang kalidad ng eskwelahan pagdating sa pagtuturo. Yung ibang estudyante pinapadala pa sa ibat ibang bansa para lang makapag OJT pero ako hindi na. dahil tinapos ko na iyon sa kumpanya mismo namin.
Natigil ang pagmumuni niya ng tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino.
“Hello Dad,”pagkasagot sa cp niya.
Hello yeoj dyan ka pa basa opisina?
“opo dad nandito pa ako”.
Umuwi ka mamaya ng maaga, may bisita tayong darating. Kailang makilala mo siya. Sa bahay ka na mag dinner.
“opo sige po uuwi ako ng maaga,bye” at inend na ang tawag.
Ano naman kaya kailangan ng daddy niya at sino naman kayang kaibigan yung pupunta sa bahay nila. sigurado isa na naman iyon sa mga gustong irito ang mga dalaga nila sa kanya.
Haaayyy naku..girls can wait.
At nagbalik na siya sa trabaho.
-John Ian Esquelon-
Haayy naku tanggi na naman si Yeoj. Bakit ba kasi naisip ko pang puntahan yung taong yun eh, lagi namang tumatanggi. Oo na. siya na ang seryoso sa pag aaral at kami na hindi este ako na. pero hindi naman bumabagsak. Me Ian habang naglalakad pupunta sa parking lot.
Dito ako ngayon sa Dy Hotel, pinuntahan ko si Yeoj sa opisina niya para sana ayain gumimik pero ayon. KJ na naman ang dating. Dapat pala si Reggie at Chris nalang pinuntahan ko. Baka pag yung dalawang yun ay napaaga pa ang alis namin ngayon. matawagan nalang nga.
“oy Reggiedor” tawag ko kay reggie ng sagutin niya ang cp niya. “ dude gimik mamaya”
Sige ba dude saan naman sa dati pa rin ba? Kita mo bilis talaga kausap.
“oo, sa dati pa din. Tawagan mo si Chris sabihin mo kita kita nalang tayo sa harap ng Kiss mga alas 7” – me
Sige dude no prob. Mabilis pa sa alas 4 yun. Panigurado.
“o siya sige na. uuwi na muna ako samin. May aayusin pa ako” at inend ko na ang cp ko.
Last semester ko na rin. Sabay sabay kami nila yeoj. Pagtapos nito pupunta muna ako sa Canada para asikasuhin ang negosyo namin duon. Wala kasing maasahan si Dad para sa pamamalakad kundi si ate Yianna. Kaso ito mag aasawa na. siya ang napili na pansamantalang pamalit habang inaasikaso ng kapatid niya ang nalalapit ng kasal sa boyfriend nitong half Filipino half amerikan si Duffer Crooch. Hindi niya pa naipapaalam ito sa barkada. Sa ngayon ay mageenjoy talaga siya ng todo-todo para pag nagtrabaho na siya saka nalang seseryoso. Mahirap ng mapaaga ang pagtanda. 25 yrs old palang kaya ako. Baby face pa. kapal.
BINABASA MO ANG
My Pole Dancer Lover
RomancePlease Read and Thank you for Reading! COMPLETED. hindi ko na po eedit.. kung walang magbasa kasi pangit..okie lang.. hindi po ako professional. inaamin ko po trying hard lang po talaga ako..pasensya na talaga.. pero sana itry niyo parin pong basahi...