-Shanelle Remin-
Pimuntahan ko si Yeoj, pagkaalis na pagkaalis ni Ian sa office ko. Gusto ko sana siyang kausapin at klaruhin ang lahat.
Hindi ko naman sinasadya na hindi kumatok, sadya nga lang walang sumasagot kaya binuksan ko ang pinto. Mukhang ako ang nasorpresa..
Si Yeoj at si Monique, nagtutukaan. Naghahalikan. Shit..
Hindi na ako nakapag isip pa, pagkalipas ng ilang segundon na para akong natuka ng ahas duon, unti unti kong naipihit ang aking katawan palabas ng silid at tulad ng pagpasok ko na hindi nila napansin, gayundin ang paglabas ko.
Hindi ko namanlayan na unti unti na palang bumabagsak ang luha ko. Hindi ko alam pero ang sakit talaga. Gusto ko mang pigilin ang pag agos pero mukhang ayaw.
“Maam ayos ka lang po?” tanong sakin ni Aaron
Pinahid ko ang natitirang patak sa mata ko at saka tumango
Pero pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng opisina, bumuhos na naman.
Mukhang hindi rin naman ako makapagtrabaho ng maayos kaya nag ayos nalang ako ng sarili.
Paglabas ko
“Aaron, uuwi na muna ako. Masama kasi ang pakiramdam ko.ikaw na bahal pag may nagtanong” bilin ko sa aking secretary
“opo maam”
Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta kaya naisipan ko nalang na umuwi sa condo unit ko.
Hindi sa alabang. masiyadong busy ang mga kapatid ko sa pag aaral nila kaya bihira lang akong pumunta duon.
Sa condo unit ko nalang.
-Yeojie Dy-
“I love you Xiang”
Pak, sinampal ako?
nagmulat ako. Si Monique
“so si Xiang pala ang talagang mahal mo? Ngayon alam ko na kung bakit noong una palang ayaw mo ng maikasal tayo. Dahil kahit ilang taon siyang nawala siya parin ang mahal mo.Bakit mo pa pinahirapan ang sarili mo Yeoj?” –monique
“Monique I..”
“pareho lang tayo Yeoj. May mahal kang iba, meron din ako. Pero nakatali tayo sa kasalang ang mga magulang natin ang nasusunod. Pwede pa nating iurong ang lahat Yeoj. Ngayon na alam ko ng hindi lang ako ang ayaw nito, pati ikaw din. bukas uuwi ako ng Davao. Kakausapin ko sila mama at baka hindi na ako babalik pa. Yeoj. Gawin mo na ang nararapat habang maaga pa, mabait si Xiang wag mo siyang pakawalan.” At niyakap ako ni Monique for the last time.
Natulala ako. Hindi ko akalain na ganito pala ang sitwasyon. Na may mahal palang iba si Monique pero sumunod parin siya sa mga magulang niya para ipakasal sakin
Kaya pala parang wala lang kami sa isat isa. Magkasama lang minsan pero parang hindi namin kilala ang isat isa.
Ngayon magiging maayos na kaya ang lahat? Kakausapin ko sila mama at daddy.
At si Xiang? Kailangan ko na atang ayusin ang lahat.
Lumabas ako ng aking silid at pinuntahan ang kabilang opisina.
“Sir Dy, wala po si maam Shanelle. Umuwi po dahil masama ang pakiramdam.”
Pigil sakin ni Aaron ng akmang papasok na ako sa loob ng opisina.
“umuwi?” ulit ko sa sinabi niya.
“opo, nakakaawa nga siya eh, naiyak po kasi baka may naramdamang hindi maganda..at” hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Aaron.
Umalis na ako duon
Kung totoong may sakit si Xiang kailangan ko siyang mapuntahan.
Pupuntahan ko siya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Pole Dancer Lover
RomancePlease Read and Thank you for Reading! COMPLETED. hindi ko na po eedit.. kung walang magbasa kasi pangit..okie lang.. hindi po ako professional. inaamin ko po trying hard lang po talaga ako..pasensya na talaga.. pero sana itry niyo parin pong basahi...