School Days

274 1 0
                                    

-Xiang o Shanelle Remin-

Ilang buwan na rin ang nakalipas. Ito pumapasok na ako, at 3 beses sa isang lingo nagttrabaho sa club. 2’s sa public at syempre sa VIP isa. Yun nga lang iba na ang customer ko. Si Ara na ang laging nirerequest ni Arif Tan at ako iba iba na.

So far okay lang naman ang schooling. Karamihan nga lang sa mga nakakasalamuha ko sa school ay mga mayayaman na alam mong pagkatapos ay pamamanahan na ng negosyo ng mga magulang nila. ako ito nagpipilit magsumikap parin para makatapos. Pagkatapos ng semester na to hang last year ko OJT na. at wala pa din akong nahahanap na kompanya.

Yung pangalawa kong kapatid na lalaki tumutulong na din sa gastusin, nakapasok kasi sa fastfood restaurant. Hindi na ako gaanong nahihirapan pa.

Dito ako sa corridor naglalakad para sa susunod na klase sa kabilang building pa.

Boggggssss aray nabunggo ako. Sino bat oh  at hinihimas ko ang pwet ko.

Inilahad niya kamay niya. siyempre kinuha ko hindi kaya ako makatayo ng maayos. Pag tingin ko sa mukha niya what????

“ye…” hindi ko nabanggit pa pangalan niya dahil naalala ko, hindi niya pala ako kilala dapat. Nagmaskara parin ako sa club.

“okay ka lang miss?” tanong niya sakin na ikinatulala ko. Totoo? Hindi niya ako namumukhaan? epektib ba talaga ang half mask?

“ah oo” sabi ko na pilit ngumiti.

“ah bye the way im Yeojie Dy. Yeoj nalang itawag mo sakin. Sorry kung nabunggo kita, hindi ko kasi napansin dahil sa ang layo ng isip ko” nakalahad pa ang kamay niya

eh di palapitin mo para hindi ka na makabunggo, Shanelle Remin, Xiang nalang” sarkatisko kung sabi pero sa totoo lang nanginginig na kalamnan ko. Shitttt kilala na kita Yeoj. Sigurado ka ba hindi mo ako kilala?tanong ng isip ko.

Ngumiti lang siya sakin.

“ahm may pupuntahan ka ba? Gusto mo magmeryenda, treat ko. Paghingi lang ng sorry sa nangyari” sabi niya na abot tenga ang ngiti.

Shitttiii wag kang ngingiti natutunaw ako ahem, ahem isip isip bakit ba nabablangko ako.

“ah e may klase pa ako pupunta na ng asana ako dun eh.”

“sa Building B ba? Si Mr. Calderon ng psycho? Wala siya umalis kanina. Wala kayong klase ngayon”

Niroll ko ang eyes ko, panu niya nalaman yun? Sinusundan ba ako nito? “panu mo nalaman?”

“hah? Ah e kasi nasa Uniform mo. Ito ah.” At pinakita niya rin yung nakaburda sa pocket area ng uniform niya. ah oo nga pala indicated duon ang major ng estudyante. Yung name tag iba din naka pin. “business ad major din ako at graduating na ngayong semester. Kaya alam kung same lang ang subj. ko noon sa subject mo ngayon.” paliwanag niya. ahhhh kala ko sinusundan niya ako. Syungengot talaga xiang hindi nag iisip.

“o anu meryenda na tayo?” tanong ni Yeoj.

“sige, saan?” at lumabas na kami ng campus

may next subject ka pa ba?”  Tanong niya sakin habang naglalakad kami

“wala na, last n asana yung psycho.” Tugon ko.

“ah sige diritso dinner nalang tayo kasi gutom na ako eh, at saka maggagabi na rin naman.”

“kanina meryenda lang ngayon dinner na. sige hindi ko tatanggihan yan” nakangiti kung turan sa kanya.

Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala dahil nagkakapalagayan na kami ng loob. Bakit totoo naman ah. Matagal mo na siyang kilala, customer mo kaya siya sa club kastigo ng kabilang isip ko. Pero hindi ka naman niya namumukhaan diba sagot naman ng kabilang isip ko. Shiit ano bat oh. At ipinilig ko ang ulo ko.

“okay ka lang xiang?” tanong sakin ni Yeoj.

Baka isipi niya nababaliw na ako.

“hah? Ah oo” sumakay na kami sa kotse niya at umalis na kami duon.

Sa byahe tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa Italiane’s. nakakahiya nga eh. Libre na nga lang dito pa.

Nag order siya ng steak for two with mash potatoes instead na kanin. Tapos ice tea lemonade.

Marami kaming napagkwentuhan sa pag aaral pero hindi nasagi kailanman ang trabaho..puro tungkol lang sa school tapos sa mga paborito at hindi.

Magtatapos nap ala siya ngayong marso na darating. Last year niya na sa CBU. Nakapag OJT indvance niya noong 3rd year palang siya at sa sarili daw nilang companya para daw mapag aralan niya ang pamamalakad.

Marami pa akong nalaman tulad ng mag isa lang siyang anak. Tapos mayroon siyang apat na buddies siguro yung barkada niya na madalas kasama.

Ako sinabi ko sa kanya na nag stop ako ng 4 yrs kasi nagkasakit ang mama ko inatake sa puso at naoperahan. Tapos ito nag aaral ulit. Sinabi ko din na may 3 pa akong nakababatang kapatid.

Ewan ko baa lam ko masiyado ng personal yun pero hindi ko rin alam kung bakit nasasabi ko ng maluwag sa puso.

Nabanggit ko din na iniwan kami ng father ko at ngayon hindi pa bumabalik.

Nakikita k okay Yeoj ang magandang makisama, kaya parang panatag ako na sabihin sa kanya ang lahat.

“buti nakakayanan mo ang mga yun? Ang hirap kaya ng walang maasahan sa inyo ikaw lang” sabi niya sakin

“oo mahirap siyempre, pero ganun talaga ang buhay. Hindi mo malalaman ang susunod na kabanata. At ska okay lang naman ako. Wala ng regrets at hinanakit. Alam ko naman na lahat ng nangyayari ay may dahilan diba”

“oo nga” at hinawakan niya ang kamay ko. Ewan ko ba pero may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakatitig siya sakin “hayaan mo, mula ngayon nandito na ako sa tabi mo, tutulungan kita”.

“hah?” ano daw yun? Hindi ko ba masiyado narinig o nabingi lang ako sa sobrang saya?

“siyempre magkaibigan na tayo diba?”

“ah oo. Salamat pero kay ko naman lahat” ahhhh yun pala yun dahil magkaibigan na kami. O bakit parang nadidisapoint ka? Tanong ng isip ko. Nag eexpect kasi ng higit pa dun.asa ka.

 After ng dinner umuwi na kami. Hinatid niya ako sa inuupahan naming maliit na bahay. Hindi ko na siya pinapasok dahil baka carnapin pa ang sasakyan niya dito. Looban kasi toh eh. Umalis naman siya at nagsabing magkita nalang daw minsan minsan sa school. Kinuha niya rin ang number ko sa cp.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon