Back to school

284 1 0
                                    

-Xiang o Shanelle-

Yes naayos ko na din lahat. Sa dating school pa rin ako. Alam ko mahal talaga pero siguro magrraket nalang ako para matumabasan ang tuition fee na kakailanganin. 3 semester nalang naman.

Nag enrol na ako. Nag paalam na ako kay Mother Ganda at humingi muna ng dalawang linggong absent para maayos ang kailangan ko. Buti naman at binigyan niya ako. At hindi lang yun, natuwa ng malaman na magbabalik eskwela ako kaya ito pinabaunan ako ng danyos pambayad.. ha ha lalim.

Welcome back to CBU shanelle, kausap ko sa sarili ko habang palabas ng ng school. Nakapag enroll na ako. Ang laki agad ng paunang bayad dito. Buti naman natumbasan ko yun. Ipon+kita+give ni mother = tuition. Haha pagbubutihin ko talaga para hindi naman masayang ang pagod ko. Isa pa isat kalahating taon nalang naman na eh.

Peeeeeeeeeeeeepppppppppppp

“ay pating” at napatalon ako. At lumingon sa likuran ko. Sino ba to kala mo kanya ang kalsada kung makapagpa ingay ng sasakyan. At dahil mukhang ayaw namang bumaba, gumilid nalang ako. Umandar naman yung sasakyan at tumigil sa tapat ko, ibinababa ng driver ang bintana at, shocks…siya yun…si Mr. titig. Feeling ko namutla ako. Anong ginagawa niya dito?

“tabi-tabi din para hindi masagasaan” sabi ni mr. titig at inangat na ang bintana. Nagtuloy sa loob ng skwelahan.

Arogante sa isip ko. Kainis. Bakit siya nandito? Paano na to? Baka mamaya makilala niya ako at ipagkalat na sa club ako nagttrabaho?ano na? anong gagawin ko?

Atras nalang kaya ako?lipat nalang ng school? Pero nagbayad ka na at mahal yun sigaw ng kabilang isip ko.

Wala ka na ding ipon dugtong pa ng buhol buhol kung utak.

Bahala na nga..hindi naman siguro kami magkikita nun.

Dyaske wag n asana kami magkita pa please lang.

Makaalis na nga naalala ko kailangan ko pa palang puntahan si Ara. Hihingi ako ng raket sa kanya ngayon. baka may sideline siya na pwede kung patula para naman magkapera ako bago ang pasukan.

-Yeojie Rio Dy-

Ano bay an muntik pa akong makasagasa ng babaeng mukhang ewan? Gusto siguro magpakamatay sa tapat pa ng eskwelahan.

Pero maganda siya ah. Parang pamilyar yung mukha niya, parang nakita ko na siya. Haay ewan. Wag na nga isipin. Asan nab a yun sila Ian? At inikot ko ang campus. Pumunta rin ako sa madalas na tambayan namin ang likod ng Gym.

Ayon nakatalungko ang tatlo.

“hoy puyat na naman.” Sigaw ko na ikinagulat nilang tatlo. Mukhang naalimpungatan.

“a e hehe. Nagpapahinga lang Yeoj.” Sabi ni Reggie

“mukhang wala na naman kayong tulog ah.”

“sinabi mo pa” at chorus pa silang tatlo sa pagsagot.

Gumimik kasi sila kagabi pero hindi muna ako sumama, noong sumunod kasi na sumama ako, napag alaman kung wala muna dun si Majesty dahil nagbakasyon. Hindi naman nila sinasabi kung sino ba talaga ang babaeng yun sa likod ng mascara dahil confidential daw. Babalik nalang ako sa susunod para malaman mismo dito. Ewan ko ba bakit ba interesado ako masiyado sa babaeng yun.

“Nag enroll na kayo?”

Pero…yung tatlo ganito

Zzzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzz

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Ayon nakanganga pa si Ian. Grabe nakasandal lang sa upuang semento, tulog agad.

Umalis nalang ako. Mag eenroll muna para hindi mawala sa slot. Iniwan ko muna ang tatlong Tulog-nganga.

Habang naglalakad sa corridor ng school nag ring ang cp ko, only to find out that it was dad.

“Dad?” –me

Hello Yeoj. Remember Mr. Javier?

“Mr. Javier?” at inapuhap ko sa maliit kong utak ang Mr. Javier

Si Mr. Javier yung gusting ipainvest satin yung Beach at Farm niya para tayuan ng Resort Hotel?

“ah oo dad yung pumunta sa bahay? Bakit po?” –me

Naisip kong maganda siguro kung kukunin natin yun

“ikaw po dad. Ikaw naman magdedesisyon niyan eh. Pero Dad malaking gastos yan hindi na basta Hotel, Resort hotel nay an”

Oo nga son pero tumawag ulit si Mr. Javier. Hindi na niya kailangan ng big investment dahil may pundo nap ala siya dun. Pero maganda parin kung meron tayong stock of shares dun anak para kung sakaling sisikat yun eh lalaki din ang interest ng inenvest natin. Alam mo naman na patok ang mga resorts ngayon.

“oo nga dad. Sige pag aaralan ko yang mabuti

Good son. Sige aantayin ko ang report mo tungkol duon.salamat at ibinaba na niya ang cp.

Whew another project to be. At iiling iling na nagpatuloy siya sa paglakad upang pumunta sa registrar. Kailangan niyang maka enroll ngayon para makabalik siya ng opisina nila at masimulan ang next agenda para sa upcoming big project na ito.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon