-Shanelle Remin Javier-
Tok tok tok nakakailang katok na ako sa pinto ng Penthouse ni Yeoj pero wala pa ring lumalabas na tao. Aalis n asana ako, pagpihit ko nabangga ako sa isang malaking bulto ng tao. Si Yeoj masama ang tingin niya sakin, bakit parang galit siya? May nagawa ba akong hindi maganda?
“anong ginagawa mo dito?” tanong niya ng may baritonong boses. Bakit parang nakainom siya
“gusto sana kitang kausapin”
Binuksan niya ang pinto ng suite niya at pinapasok ako sa loob. Wow ang laki ng sala niya at ang lawak ng bahay niya.
“sapat nab a ang nakikita mo para, tumbasan ang binibigay ng mga lalaki mo?” Sarkatiskong sabi niya sakin. Habang kumukuha ng alak sa ref.
Ano daw? Ano yun? Hindi ko ata maintindihan.
“noong una naniwala ako sayo. Kaya nga pinagtapat ko sayo na mahal kita. Na gusto kita…”
“Yeoj ano bang pinagsasabi mo?” nagugulumihanang tiningnan ko siya sa mata
“gusto kitang lapitan. Gusto ko na ako ang nasa tabi mo. Pero bakit si Ershan?”
“eh Yeoj kasi..” paano ko ba sasabihin sa kanya na daddy ko si Ershan, eh sa sarili ko nga itinatanggi ko na ama ko siya.
“eh kasi ano? Siya ang bago mong lalaki?” sarkatiskong tanong ni Yeoj sakin.
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyayari, at sa nalaman k okay Yeoj. Matatawa ba ako o matutuwa kasi alam ko na sobrang seloso siya at mahal niya ako. O maiinis ako kasi napakakitid ng utak niya para palakihin ang isyong walang katuturan.
Siguro nga hindi pa ito ang panahon para sa aming dalawa.
Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko at ang buhay ko.
Hinalikan ko siya na ikinabigla niya. “yan ang gusto kung sabihin sayo, pero hindi pa ngayon, hindi pa pwede. Tulad ng sinabi ko sayo marami pa akong gusting gawin sa buhay ko. Siguro nga hindi pa natin ganon kakilala ang isat isa. Paniwalaan mo kung anong gusto mo Yeoj. Pero sa ngayon hindi pa kita matatanggap sa buhay ko.
Ngayon buo na ang pasya ko. Kailangan ko munang iahon ang sarili ko mula sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
My Pole Dancer Lover
DragostePlease Read and Thank you for Reading! COMPLETED. hindi ko na po eedit.. kung walang magbasa kasi pangit..okie lang.. hindi po ako professional. inaamin ko po trying hard lang po talaga ako..pasensya na talaga.. pero sana itry niyo parin pong basahi...