Bestfriend Talkies

400 1 0
                                    

-Xiang o Shanelle Remin-

“oy Day tulala ka dyan?”

“ay palaka” tili ko kasi si ara nanggugulat

“ahhhhh palakaaaaa, asan? asan? Ilayo mo daliiiiii” si ara pumatong sa inuupuan kung bangko na gawa sa kahoy, dito sa tapat lang ng bahay namin.

“hahaha sira. Bumaba ka nga dyan. Nanggugulat ka kasi eh kaya tuloy nasabi ko palaka. Pero wala naman eh. Baba ka na”

“sure ka? Baka meron ah” halatang natakot siya. Hindi parin makahupa. Haha nakakatawa itsura. Namutla talaga.

“oo nga. Halika na dito.” At tinapik tapik ko ang upuang bakante sa tabi ko para ipahiwatig na umupo na siya.

Ayon napanatag, umupo na rin sa tabi ko.

“grabe ka talaga bhest nalaglag ang puso ko dun ah” aniya at huminga hinga pa na waring ibinabalik ang kamalayan

“haha baliw ka talaga. Ikaw naman kasi bigla bigla ka nalang sumusulpot dyan”

“sabihin mo busy ka na naman kamo” at nanghahaba pa ang nguso.

“busy ka dyan, nakita mo wala ngang ginagawa eh”

“ang ibig kong sabihin busy ka sa kakatitig sa kawalan. Ano na naman ang problema?”

“problema? Wala naman ah. Meron ba?” – me

“sus palusot. Sige na ilatag mo na. alam ko meron” – ara

“wala toh hindi naman problema.”

“eh ano?” –ara halatang naghihintay ng sagot.

“naisip ko lang na ano kaya kung ituloy ko yung school ko. Isa’t kalahating taon nalang at makakatapos na ako. Sayang kasi diba?” – me

“oo pwede. Kaso san ka kukuha ng panggastos?”

“eh di sa trabaho?”

“pano ka magtatrabaho eh mag aaral ka nga diba?”aniya at nakataas pa kilay

“may mga schedule naman na available sa gusto mong oras. At sa ka naisip ko na rin na since 3 beses lang naman ang pasok(Club) sa isang lingo eh d mag aral nalang ako sa ibang araw na natitira.”- me

“ikaw. Bahala ka. Ikaw kasi nakaumpisa ka na at malapit ka na sanang matapos noon kung hindi lang inatake sa puso ang mama mo, tapos nilayasan pa kayo ng papa mo. Sana eh nakatapos ka na ngayon.”

Nalungkot ako sa sinabi niya. oo nilayasan kami ni papa noong panahong kailangan siya ni mama. Noong inatake si mama at kinailangan ng operasyon noon din siya nawala. Mabuti nalang at naidaan sa government service help ang mga pangangailangan ng nanay niya kaya nasagip agad ang buhay nito dahil kung hindi baka patay na ito ngayon. Idagdag pang kailangan niyang pag aralin ang 3 niyang maliliit na kapatid. Kaya ayon napilitan siyang tumigil sa pag aaral at magtrabaho.22yrs old. na siya ngayon at apat na taon din siyang natigil sa pag aaral. Ngayon na siguro niya dapat tapusin ang isat kalahating natitira sa schooling niya para naman makahanap siya ng matinong trabaho. Dahil kahit maayos naman ang kita minsan sa club hindi garantisadong habang buhay ay bata siya.

“helloooo,hellooo earth, hellooo worlddddd” si ara kumakaway- kaway sa harap niya.

Tinapik niya ang kamay nito.

“kala ko namatay ka ng gising dyan. Tulalay dapat pangalan mo hindi xiang” at umismid pa.

“hahaha naku Arianne may sapak ka talaga” haha Tulalay. Medyo nakabusangot na siya.

“ikaw dyan kamo. Bigla ka nalang natutulala, wala na tuloy akong makausap. May sasabihin pa naman sana ako”. – ara

“kanina ka pa nandito hindi mo pa ba nasasabi ang gusto mo?” –me

“hindi pa” maikli niyang tugon.

“ano ba yon?” - me

“bakit makikinig ka ba?” at pinag cross pa ang dalawang kamay

“oo siyempre bestfriend mo kaya ako”- me

“promise?” at yun nagpacute pa.

“oo nga, pacute pa talaga” natatawa kong turan

“okay, ah kasi ano. Si Arif ba laging masungit sayo?” tanong niya.

Arif? Sinong Arif? May kilala ba akong Arif? Tiningnan ko siya pero mukhang nag aantay sin siya ng sagot ko “Sinong Arif?”

“hindi mo kilala si Arif? May amnesia ka ba? Helloww ikaw kaya lagi ang nakatuka sa kanya” sabi ni ara na may hand gestures pa.

“eh wala naman kasi akong kilalang Arif at saka nakatuka?” Nakakunot na ang noo ko.

“Si Arif Tan? Hindi mo kilala. Yung VIP Customer mo.” At hininaan niya ang boses baka may makarinig.

“ahhh si Mr. Tan? Arif pala pangalan niya.paano mo nalaman yun?” wow nauna niyang nalaman pangalan ni Mr. Tan kesa sakin, galing ah.

“binigay niya. at saka Arif nalang daw. Hindi daw Mr. Tan para daw matanda. Ang sungit nga eh. Buti nakakatagal ka dun sobrang sungit. Parang hindi interesado sa pinakita kong giling moves”. –ara

“hindi naman yun masungit ah. Baka naman sineduce mo kaya ka sinungitan” natatawa  kong sabi sa kanya.

Ayon namula siya “hindi ah. Pagpasok ko kagabi sabi niya You must be Ara? Sabi ko lang Yes Mr. Tan. Abat tinitigan ako mula ulo hanggang paa tapos sabi niya Just call me Arif. Mr. Tan is so formal. Hindi manlang ngumingiti.”

“tapos?” –me

“tapos ayon the show must go on ang tema ko pero bigla niya akong pinatigil sa pagpopole tapos pinaupo lang sa harapan niya tapos wala na. hindi man lang nagsalita. Hanggang sa natapos na.”

“eh nasaan ang kasungitan dun?” natatawa kong sabi, pero sa totoo lang natutuwa ako dahil nagkakandahaba na ang nguso niya sa pagkainis.

“hindi pa ba yun masungit? Aba’t hindi ako kinausap. Hindi ako pinasayaw. Tapos wala lang?”

“baka di ka niya feel” nasabi ko nalang

“kaya nga eh. Baka nga.sayang gwapo pa naman sana kaso sungit nga lang”

“hahaha arriane crush mo lang yun at napaglilihian mo.” Sabi ko sa kanya

Nanlaki mata niya “anong crush? Hindi ah. At saka lihi-lihi ka dyan.hindi naman ako buntis ah” nayayamot niyang turan sakin. At humalukipkip pa.

“Sige na nga hindi na kung hindi”

at nag kwentuhan pa kami hanggang gabi na kami natapos.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon