Plan A Success

260 2 0
                                    

Plan A Success

Yeojie Dy

Yes successful ang unang plano ko. Napalapit na din ako kay xiang. Haha epektib naman akala ko mag aalinlangan talaga siya pero hind. Siguro inisip niya hindi ko talaga siya kilala.ilang buwan ko din siyang sinubaybayan.

Sinadya ko talaga yung pagkakabunggo. Buti hindi masungit.

Ngayon marami na akong nalaman sa kanya.

Alam ko na kung papaanong napunta siya sa club. Kailangan ko siyang matulungan umalis duon.

Pero papaano?

Isip ng plano.

Bigyan ko kaya ng trabaho? Ah baka naman tanggihan niya, mahihiya pa yun.

Ano ba?

Isi-isip…

Ting!

Ayon, naisip ko na. kinuha ko ang cp ko at tinawagan ko si Tito Ershan Javier yung bagong kasosyo ni daddy sa negosyo.

Hello?

“hello po tito Ershan, si Yeoj po ito” pagpapakilala ko

o Yeoj napatawag ka? May problema baa ng daddy mo o pinapasabi?

ah wala po, ako po ang may kailangan” -me

ano yun?

“diba malapit naman nap o ang opening ng Resort? May irerecommend sana po ako para mag OJT sa office niyo.”

ah ganon ba? Sino bay un? Sabihin mo sa kanya mag drop by nalang sa opisina ko at ako ng bahala.

ah sige po sasabihin kop o sa kanya. Salamat po Tito Ershan” at ibinaba na niya ang cp niya.

Makakatulong siya kay Xiang pag dun na ito, dadagdagan niya ang magiging allowance nito para hindi na pumasok pa sa Club. Total malapit naman na ang sunod na pasukan. Kahit ngayon bakasyon pwede na siyang magsimula para maadvance na ang OJT. Total naman ang huling taon sa CBU ay inilalaan talaga sa pagsasanay o training ng mga papatapos nilang estudyante.

Ngayon nga siya hindi na gaanong nagpupukos dahil graduating naman na at puro rehearsals ang memorization nalang ng mga gagawin sa school at sa graduation ceremony.

Hindi niya alam kung ano ang nakita niya kay xiang bakit siya nagkakaganito. Basta ang alam niya ngayong naumpisanhan niya ng lumapit dito. Itutuloy tuloy na niya iyon.

-Xiang o Shanelle Remin-

“Magandang umaga” batik o sa mga kapatid ko ng Makita ko sila na sabay sabay na nag  agahan sa hapag kainan..himala kumpleto ata kami ngayon.

“good morning din ate” si shaina yun an gaming bunso 5 years old. Tapos yung sumunod si Shaira 12 na siya at yung pangalawa si Sherwin 18 yung sinasabi kung nagttrabaho sa fastfood. At ako ang panganay siyempre.

“Ate diba malapit na ang OJT mo? Kasi diba habol lang naman mga subjects mo?” si Shaira

“uhumm bakit?” tanong ko sa kanya

“balita ko kasi nagpapadala sila ng mga OJT sa ibang bansa. Mapipili ka kaya ate?”

“san mo naman nalaman yan?”

“yung ate ng classmate ko sa CBU din nag aaral pero nakatapos na. pinadala yung ate niya sa Singapore. Meron pa nga daw sa Canada o sa US. Ikaw kaya ate?”

“ewan” maikli kung sagot sa kanya. Hindi naman kasi ako sigurado na maipapadala ako. Kasi nga diba habol lang ako sa klase nag stop kasi ako.

“pero ate pag pinadala ka. Grab mo agad. Para naman mas gumanda pa ang buhay natin” si Sherwin yun.

“eh panu kayo? Pano si nanay?”

“Sus kakayanin ko yan te. Basta ba siguraduhin mo lang na makakatapos ka. Para naman maiahon mo kami dito.”

“wag nga kayo dyan. Wala pa namang desisyon samin. Mas gusto ko sana dito nalang para kahit magOJT ako dito magttrabaho padin ako”

“speaking of trabaho. Ate bakit 3 beses ka lang pumapasok sa isang lingo? May call center bang ganun?” si shaira usyusera.

Nabulunan ako. Oo nga pala hindi pala nila alam na sa club ako nagttrabaho. Sabi ko lang call center. Madalas kasi gabi ang alis ko. Hehe “meron tulad ng trabaho ko. Wag na nga kayo. Ang bata bata niyo pa usyusera na kayo. Hala kain na dale. Malalate na sa eskwela” pag iiba ko ng usapan. Mahirap na baka mabuko pa eh.

“si ate talaga o. nagtatanong lang eh.”

nagtatanong..tss” umismid pa ako.napansin ko may kulang teka “ asan ang nanay?”

“na kala aling Norma nakikipag chismisan.” Sabi ng aming bunso.

ang aga aga eh. Tawagin mo nga sher. Uminom nab a ng gamot yun?” nag aalala kung sabi.

At umalis na ang kapatid ko upang tawagin ang mama naming mahilig sa kwentong kalsada. Maaga palang nasa tindahan na ni Aling Norma para sumagap ng balitang kanto.

“mga anak nandito na ako” si nanay kulet ayan na.

“nay diba dapat kumain ka muna ng agahan? Nakainom ka nab a ng gamot an gaga ng pagsasaggap mo ng balita. Grabe talaga yang wifi mo.?” sermon ko sa kanya.

Hahaha nagtawanan ang mga kapatid ko

“ito namang batang ire kung makapagsermon ay dinaig pa ako. O sige ikaw na ang nanay dito” nakasimangot na tugon niya.

“asus nagtampo pa. sorry na. ano kumain ka na nga?”

“oo nauna na ako kanina. Maaga kasi akong nagising dahil sa mga katok ni Manang Arizza”

“Manang Arizza? Yung nanay ni Ara? Bakit daw? Nagtataka kung tanong

“eh hinahanap ka niya. tinatanong kung nagawi dito si Ara sabi ko naman ay hindi pa. asan kaya iyong batang iyon? Hindi manlang nagpaalam sa mama niya. ikatlong araw na dawn a hindi umuuwi. Nag aalala na yung matanda”

Si ara hindi umuwi 3 days na? asan siya pumunta? Pumunta ako sa loob ng kwarto para kunin ang cp. Tatawagan ko ang bruha.

Hinanap ko ang number niya t nag dial pero nakailang ulit na ako puro ring lang. walang sumasagot.

Hinanap ko ang number ni Mother Ganda. Ayon sumagot. “Hello mother, si Arab a nandyan?”

“wala. Hindi nga siya pumasok kagabi eh. Buti nalang hindi pumunta si Mr. Tan kundi naku day tenga sana.” At bumuntong hininga pa si mother.

“ganun po ba? Sige po at tatawagan ko siya ulit.”

“sige sige.babush” at nag end na ang call.

Hindi siya pumasok?san yun nagpunta? Hindi naman Gawain ni Ara na umalis ng walang paalam. At lalo na alam niya mag aalala ang nanay niya.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon