Unexpected Visitor

234 2 0
                                    

-Shanelle Remin-

Nandito na ako sa Condo

Haaayyyy parang nakakalungkot pero atleast para na rin akong nakahinga

Pumasok lang ako ng silid at nagpalit ng Panty Short at Tube na black.

magpPole ako, sa loob ng Unit ko.

Pinasadya kong ipaayos ang Condo Unit. Lahat according sa design na gusto ko. Including the Pole sa center. Yung sala naman sa gilid lang at yung kusina another room.

Pinalagyan ko ng Pole dahil hindi ko parin maalis ang hindi sumayaw. Pag stress ako, effective na stress reliever ang Pole Dancing. Tulad ngayon.

Nagpatugtug ako ng kahit ano, at nag exhibition.

Dingdong, dingdong

Sino bay un? Baka naman yung inorder ko na Pizza. Pero ang bilis naman kakatawag ko lang ah.

Hindi ko na nakuhang makapagroba dahil sunod sunod na ang katok.

Haisst ang kulit sino ba kasi yun.

Dali dali kong binuksan ang pinto.

“Yeoj…”

Pumasok siya agad at walang pasabi na lumapit sakin

“Okay ka lang ba? May sakit ka ba? Tell me masama  daw pakiramdam mo” hindi magkamayaw niyang tanong.

Naalala kong nangyari kanina sa office

“okay lang ako. Pwede ka ng umalis” at pumasok ako sa kwarto para kunin ang Roba ko.

Pero sumunod parin siya ang kulit

“sabi ko okay na ako, kay pwede umalis ka na.” at binalingan ko siya. Hindi ko naman alam na napakalapit niya pala sakin. Shit papalapit siya ng papalapit

Hahalikan niya ba ako? Ipinikit ko nalang nag mga mata ko

1,2,3,4…teka walang dumampi

Pero pagdilat ko nandun lang siya nakangiti.

Inirapan ko siya at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa fredge..grabe init..haayy hirap huminga.

Siya ito sunod ng sunod

Tapos pagharap ko sa kanya ito na naman niyakap niya ako.

“pwede bang wag ka ng aalis Shanelle Remin, at maari bang ipaliwanag mo naman sakin ang lahat.” Sabi niya habang nakayakap. Parang ganito rin yung eksena noon. Kung saan una niyang sinabing mahal niya ako. Pero noon yun na ako ang mahal niya ngayon paano na si Monique

“Yeoj, si Monique ang pakakasalan mo, hindi ako. Kaya pwede ba umalis ka na.”nagagaralgal kung tinig pero pinilit kong hindi umiyak. Ayoko kasing Makita niya akong umiyak

“wala na si Monique, umalis na siya”

Wala ng lelang mo. Kanina lang nakita ko kayong naghahalikan eh sabi ng isip ko.“and so? Eh bukas naman babalik yun. Remember she’s your fiancée?” at pilit kung tinatanggal ang mahigpit na yakap ni Yeoj sa bewang ko.

“not anymore xiang.”

Anu daw?

“Anong pinagsasabi mo dyan Yeojie Rio Dy? Umayos ka nga” sabi ko na pilit naggagalit galitan

Pero ang totoo unti unti na akong natutunaw sa yakap niya sakin.

Kumawala na siya at naupo sa silyang malapit. Aalis n asana ako pero hinila niya ako kaya ito napaupo ako sa lap niya. shit ang sweet naming pero hindi dapat.

Niyakap niya ako sa bewang kaya ito hindi ako makawala kahit gusto ko ng umalis.

“ang daddy ni Monique at si Daddy lang ang nagpipilit na maipakasal kami..” pagsisimula niya.

“soo? Ngayon eh d magpakasal kayo” pagtataray tarayan ko pero ang toto kinikilig.

“pwede bang tumahimik ka muna? Patapusin mo muna ako, kundi hahalikan kita dyan”- yeoj.

Gusto ko pa sanang magsalita, siyempre gusto ko mahalikan. Pero quiet na rin baka sabihin atat..hehe

“so as I was saying. Wala na kami ni Monique, napagdesisyunan namin na magpaliwanag nalang sa mga magulang at ayusin ang mga gusot sa pagitan naming. Like what I am doing right now.”

“Xiang wala na akong pakialam ano man ang relasyon niyo ni Ershan, o kung bakit pinagkatiwala niya lahat sayo. Wala na akong pakialam sa kung kabit ka pa o hindi, dahil wala naman na si Ershan. Baka pwede mo na akong ikonsidera sa buhay mo?” at tiningnan niya ako na may lamlam ang mata

“anong pinagsasabimo dyan?” –me habang pinanlalakihan siya ng mata

“I Love you Shanelle Remin please marry me”

Nagulat ako sa ginawa niya dahil lumuhod siya sa harapan ko..anu daw? Hindi pa nga nanligaw Marry agad?

“Prupose agad? Hindi ba pwedeng manligaw ka muna?”

“hehehe matagal na kaya akong nanligaw sayo. At ayoko na ng ilan pang taon kaya its either Yes or Yes lang” - Yeoj

“at wala talaga akong choice?” –me

“oo at pag hindi ka rin sumagot I’ll consider it a Yes”

“sigurista”..bulong bulong ko pero yung kamay nakalahad na sa kanya

Tiningnan niya kamay ko “ano yan?” tanong niya na parang shunga lang

“kamay” tugon ko

“eh anong gagawin ko sa kamay mo? Ang sabi ko Yes or Yes hindi talk to my hand gestures” inis na sabi niya.

“hoy ilagay mo na ang singsing baka magbago pa ang isip ko, ikaw kahit kailan engot ka” turan ko habang tumatawa ng palihim.

Hehe proposal na nga lang nagbabangayan parin

Nilagay niya na ang singsing.. naks prepared..

“its means a yes” At tumayo siya upang halikan ako.

We shared our first and most passionate kiss ever.

Happy na sa lahat ng pinagdaanan naming na akala ko wala ng kami ngayon ito at sa isang iglap lang hindi lang kami kundi magpapakasal pa kami.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon