-Xiang o Shanelle Remin-
Papasok na ako ng building kung saan yung sinasabing opisina ng prospective company ko. Dala ko ang resume ko at nilagay sa isang brown enveloped.
“Ms. Sa office of the President poh” sabi ko dun sa receptionist na nasa lobby. Grabe ang laki ng building.
“ahm maam my appointment nap o ba?”
“Ah pakisabi innapoint ni Mr. Yeojie Dy.”
At may dinaial siya sa telephone. At mamaya ibinaba na.
“Maam. Sa elevator nalang poh. 10th floor, left poh. May makikita po kayong table dun secretary po yun Mr. President. Siya poh maghahatid sayo sa loob.”
Tinanguan ko lang siya at pumunta na sa elevator. 10th floor daw.
Pagkarating ko dun ayon nga yung table ng secretary nasa maliit na cubicle office style at sa pinto na katai Office of the President.
“Hi. Ako si Shanelle, pinapunta ako ni Mr. Dy” sabi ko na ngiting ngiti.
“ikaw ba. Dala mo ba Resume mo? Pati yung kopya?”
Opoh at ibinigay ko sa kanya ang resume ko pati ang kopya ng sinabi ni Yeoj na kailangan.
Tumawag siya sa telephone at maya maya ibinaba na.
“Dalhin mo tong original mo. Yung copy kukunin ko. Pasok ka na. eneexpect ka naman pala ni Mr. President..”
Hindi ko alam kung kinakabahan ako o hindi. Pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nakatalikod yung matangkad na lalaki ng pumasok ako. Ang laki ng opisina niya. hindi ko napansin na nakalapit nap ala sakin yung president. kasi sinusuri ko talaga yung itsura ng office niya. para lang akong nagising ng bigla niya akong yakapin at narinig kong siya ay naghihikbi na.
“sir” at inilayo ko ang sarili ko sa kanya para Makita siya
Pero mukhang ako ang nasorpresa..
“Daddd?????”
“Shanelle anak,..” akmang lalapit pa sana siya pero huli na. nabuksan ko na ang pinto at nagtatakbo na ako palabas. Hindi ko alam kung saang lupalop ako pupunta gusto ko lang makalayo.
Bakit? Bakit siya nagbalik?
Iniwan na niya kami
Namumugto pa ang mga mata ko sa kakaiyak kanina pero umuwi na ako sa bahay.
“ateeee…..” si Shaina mag isa sa bahay. Nasaan sila. Bakit to umiiyak?
“shaina bakit? Anong nangyari?” at niyakap ko siya..
“ate si mama huhuhuhu……” kahit panay ang hikbi niya at hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. nagpanting ang tenga ko sa narinig. “si mama”
Tumakbo ako sa loob ng bahay. Wala.
Ma, ma, ma, pero wala…
Saan? Halos maglupasay na ako sa sahig ng biglang mag ring ang cp ko.
Dali dali ko itong sinagot
“Hello Sherwin,” mauupos na sabi ko. “Sherwin asan kayo? Bakit walang tao dito sa bahay? Si shaina bakit mag isa dito? Asan si mama?”
“ate,…” napapaos niyang sabi
“ano???” pasigaw na tanong ko sa kanya
“ate si mama…..wala na siya. Nandito kami sa saint Jude hospital” yun na ang narinig ko bago ko tuluyang naibagsak ang phone.
Parang panandalian lang at isang balita lang mauupos at mauupos ka na parang isang kandila..
Bakit? Bakit niyo po kinuha ang mama ko? At humagulhol na ako sa kakaiyak. Hindi ko alam pero parang wala na talaga lahat ng lakas ko sa katawan.
Pinilit kong pumunta ng ospital. Naabutan ko duon si Sherwin, si Shaira at ang nagbabalik samin si Ershan Javier…
“ate…” pag aalalay sakin ni Sherwin nung Makita ako palapit.
“si mama? Tanong ko na hindi sinusulyapan si Ershan
“Nasa morgue pa te. Inaayos na nila. pinaayos na ni Dad lahat”
Gusto ko sanang magprotesta pero hindi ko na nagawa. Paano pa? hindi ko rin naman mabibigyan ng desenting libing ang nanay ko dahil wala rin akong pera.
Pero hindi ko rin naiisip na magpasalamat sa taong ngayo’y tumutulong samin dahil. Siya rin naman ang dahilan ng lahat ng ito samin. Iniwan niya kami.
Sa Saint Jude chapel ginanap ang lamay. Madaming pumunta. Mga kapitbahay, tapos meron ding mga businessman.
Hanggang ngayon libing na marami parin ang nandito. Maging sila Ian, reggie,chris nandito. Si ara at ang asawa niyang si Arif. Buntis si Ara. Si Yeoj hindi ko pa nakikita simula nung mamatay si mama. Kung nandito ka lang sana Yeoj. Hindi sana ako lalapit sa taong ito na nasa tabi ko.
hanggang sa unti unti ng ibinababa si mama sa hukay. Nag iiyakan sila. Mga kapatid ko, si shaina, si shaira at si Sherwin. Pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko. Naramdaman kung hinawakan ako ni Ershan. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo.
Sa ginawa niya pakiramdam ko nagbalik ako sa bata. noong sa tuwing nadadapa ako at bubuhatin niya ako, at sasabihin niya ikikiss nalang ni daddy ang sugat para gumaling agad. Ngayon na higit na sugat ang nararamdaman ko nandito ulit ang daddy ko. Si Ershan Javier.
Ma magpahinga ka na dyan. Ako ng bahala sa mga kapatid ko tanging nasabi ko noong unti unti ng tinatakpan na siya ng lupa.
Ilang araw na ang nakalipas. Walang Yeoj na nagpakita sakin. Sobrang sama ng kalooban ko. Si Daddy Ershan kinausap na ang mga kapatid ko na duon sa bahay niya titira.
At ako kailangan kong magdesisyon para sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
My Pole Dancer Lover
RomancePlease Read and Thank you for Reading! COMPLETED. hindi ko na po eedit.. kung walang magbasa kasi pangit..okie lang.. hindi po ako professional. inaamin ko po trying hard lang po talaga ako..pasensya na talaga.. pero sana itry niyo parin pong basahi...