-Xiang o Shanelle Remin-
Nandito kami ngayon ni Ara sa Club. As usual trabahong marangal sa walang dangal. Nag aayos kami ng sarili. For VIP’s kami ngayon. Saturday kasi at sabay ang sched namin ni Ara.
“Girls bilisan niyo na dyan, malapit ng darating yung mga Guest niyo. Ikaw Ara sa Room B. at ikaw Xiang sa A kay Mr. Tan ulit.” Sabi ni Mother Ganda samin
Umismid si Ara hmm Mr.Tan daw..
“ano yun Ara may sinasabi ka?” Tanong ko sa kanya pero ang totoo narinig ko. Natutuwa lang ako na asar talaga siya kay Arif Tan.
“Ha? Wala. Sabi ko. Bakit hindi mo kinulot ang buhok mo. Akin na nga” at pumunta siya sa likod ko. nilagyan ng Hot Curler ang dulo lang ng buhok ko. Ayon puro dulo lang. tapos sa taas straight.mahaba naman kaya bagay din yung ginawa niya.
“Ayan bagay na.” at tiningnan niya ako mula sa salamin “Xiang Red Lipstick ang gamitin mo para seductive” turan niya pa.
“seductive ka dyan” sabi ko nalang pero sinunod ko din kasi babagay naman ang Red lipstick sa suot ko ngayong gabi. Red and Black combination Bikini’s. with matching fishnet na stocking hanggang tuhod lang. black high heels. At siyempre ang aking Red Pantom Mascara.with black feathers as a ruffle.
“girls tapos naba kayo. Nasa rooms na ang mga guest.” Si Mother Ganda sinilip ulit kami hudyat na na pupunta na kami sa mga nakatuka naming Rooms.
“Ara sabay tayo uwi ha?” at tumayo na ako para isuot ang half mask sa eye ko. Si Ara hindi gumagamit ng half mask. Okay lang sa kanya ma expose.
“Sige” at sabay na kami lumabas para pumunta sa respective rooms ng makasalubong namin si Mother humahangos.
“Girls there were changes, Ara Room A ka. At ikaw Xiang B” sabi niya pa
Si Ara “Ho?” hindi makapaniwala kay Arif Tan siya napunta. Sino kaya nagrequest?.
“Sige po Mother punta na po ako sa B.” at mabilis akong tumalilis at pumunta sa Side Door ng Room B. magkaiba kasi ang entrance ng Customer sa mga Rooms at iba din sa Dancer dahil for show sila. Hindi makikihalubilo. Sasayaw lang talaga. Nakita ko pa kanina si Ara na hindi mapakali pero pumunta na rin naman sa Room A. napangiti ako.Goodluck sayo Ara.
Nandito na ako sa VIP Room B. hindi pa binubuksan ang curtain. Dumilim na. hudyat na. may naghiyawang mga lalaki sa loob. Ah madami pala akong Customer ngayon. para akong kinulong sa loob ng crystal in can dahil nasa loob pa ako. Pagbukas, dancing light nalang ulit. Sa ngayon “I’m Slave For You-Britney Spears yung tugtog. As usual kailangan kong sumabay sa bit ng kanta. Buti nalang magaling na ako sa surprise entrances ng sayaw.
Bumukas yung curtain kasabay ng pagbukas ng dancing light at music. Nagsexy dance muna ako. Hiyaw ng hiyaw yung tatlong lalaking Customer pero yung isang kasama nila, tulala lang na tinititigan ako. Hmmp mga bata pa. halos kaedaran ko lang mga toh ah. Buti afford nilang bayaran ang VIP dito. Sabagay mukha naman silang mayayaman. Nacconcious ako sa isa nilang kasama ang sama kung makatitig sakin. Para akong lulunukin ng buhay. Tapos yung tatlo naman ayon kulang nalang lapitan ako at hubarin ang natitira kong damit sa katawan.
Nag Pole na ako. As usual Exhibitions again. Buti marunong ako nito. Noong una hirap aralin buti at magaling magturo si Ara. Ngayon mas magaling na ako sa kanya. Haha yabang.
BINABASA MO ANG
My Pole Dancer Lover
DragostePlease Read and Thank you for Reading! COMPLETED. hindi ko na po eedit.. kung walang magbasa kasi pangit..okie lang.. hindi po ako professional. inaamin ko po trying hard lang po talaga ako..pasensya na talaga.. pero sana itry niyo parin pong basahi...