My Love ones

201 2 0
                                    

-Shanelle Remin Javier-

Bumaba kami sa isang bahay na napakalaki, dito sa Alabang. ito baa ng bahay ni Ershan? Napakalaki pala. Paano niya kayang naipundar to nung panahong iniwan niya kami.

Pero hindi ako dito titira. Gusto ko lang Makita ang mga kapatid ko para kahit papaano ay mabawasan ang stress ng maghapon.

“ateeeeeeeeee”

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses

“shaina” at niyakap ko siya ng sobrang higpit. “wow ang laki mo na ah, at ang taba mo”

“ate sexy, hindi mataba” at tinalikuran ako na para bang nagtatampo

“oo na sexy ka na

Humarap siya ulit sakin at ngumiti. Ayooonn ayaw masabihan ng mataba

“ate kaw bay an?” si shaira

I nodded.

Magyakap kami siya namang pagdating ni Sherwin na niyakap ko din.

“namiss ko kayo. Sobra”

“at ikaw Sherwin, binatang binata ka na. baka naman may girlfriend ka na”

“ate naman wala pa siyempre”- si Sherwin, namumula ang pisngi

“sus ate may nililigawan nay an, hindi pa nga lang sinasagot, torpe kasi” singit ni shaira.

Asus tama nay an. Tara pasok tayo saloob. May mga dala ako, nandun na sa sala.

At marami pa kaming ginawa na magkakapatid. Nagkwentuhan, at buong magdamag masaya.

Masaya din na malaman na hindi naman pala sila pinabayaan ni Ershan dahil ibinigay naman sa kanila lahat. Si Sherwin, ipinagpatuloy ang pag aaral niya at si gayundin si Shaira at Shaina. Alam ko mahal na mahal ni dad ang mga anak niya.

Kaso katulad ko strangers din sila sa opisina ni Daddy Ershan dahil ni minsan pala hindi pa sila naipakilala ng daddy sa publiko. Baka naman pinoprotektahan niya lang ang mga anak niya. yung tanging nakakaalam lang na may mga anak si Dad ay ang abogado at ang mga katulong sa bahay. I was just wondering kung may iba pang kamag anak si Daddy Ershan.

Nung nakatulog na sila saka ko naman tinawagan si Aaron ang dating Secretary ni Dad na ngayon ay magiging secretary ko na din. Lalaki? Oo

“hello Aaron, pasensiya na sa istorbo pero ano naayos nab a ang lilipatan kung Condo?naipagawa nab a yung sinabi ko?”

Opoh maan ayos nap oh, pwede na nga pong lipatan

“okay Good. Sige at bibisitahin ko bukas” at inend ko na ang cp ko.

Hindi ako makatulog. Naiisipan kong maglakad lakad sa loob ng Village para kahit papaano ay mabawasan ang iniisip ko.

Nakakita ako ng parke malapit sa bahay, naisipan kung maganda na magpalipas oras duon. Naupo ako sa bakanteng bench.

Ang sarap sa pakiramdam, walang tao. Tahimik

“baka lamigin ka niyan.” Nagulat ako sa lalaking nagsalita. Kala ko mag isa lang ako

“Ian?” si Ian bay un?

“Yup. Kailan ka pa bumalik?” sabi niya at naupo sa tabi ko.

“kanina lang”

“bakit hindi ka magpahinga, sigurado pagod ka niyan”- ian

“hindi ako makatulog eh, dito muna ako. Mas maganda dito. Tahimik. Eh ikaw kailan ka pa bumalik?”

“last year pa.”- ian

Oo nagkasabay kami ng eroplano noong umalis ako. Singapore flight siya connecting to Canada. Nagkwentuhan kami at naging magkaibigan na rin. Hinatid niya pa nga ako sa suite ko noon bago bumalik sa airport para sa flight niya sa Canada. Simula noon madalas kaming nagtatawagan sa cp, minsan nagkakausap din sa chat. O sa fb. Pero hindi ko alam na umuwi nap ala siya ng pinas.

“anong pinagkakaabalahan mo dito?”- me

“business, eh ikaw?”

“yung Resort.” –me

“yung Ershan Resort?”-ian

“paano mo nalaman?”-me

“Yeoj.”-ian

Katahimikan…..

Hindi nab a talaga kayo maayos?”- Ian

“what do you mean maayos?”- me

“you know what I mean Xiang” – ian

“hindi na siguro. And besides wala namang kami so walang dapat ayusin. I already meet Monique” –me

“and? How does it feel?”- Ian

“wala” –me

“anong wala eh maiiyak ka na dyan. Alam mo Xiang noong una kitang nakilala alam ko hindi ka magaling magtago ng nararamdaman mo. Kaya wag mo nga akong pasinungalingan dyan”

“okay fine. Oo na hindi na ako okay. Pero wala na rin naman ng mangyayari pa, he’s already engaged, and as I said there’s no us. Walang dapat ayusin” sabi ko na tila maluluha na.

“okay lang yan Xiang. Nandito pa naman ako eh, mas gwapo dun no”..turan ni Ian na tumatawa pa.

“hahaha oo na. mas gwapo ka na sa kanya. Pero hindi kita type, sumusubra kasi ang kagwapuhan mo. Maraming kaagaw.”

hehe. Inamin mo rin. Sige open na, bayad nay an sa pamumuri mo” at tinap pa ang balikat niya.

Humilig ako sa balikat niya. “alam mo Ian sana nagkaroon ako ng mas nakakatandang kapatid na lalaki para parang ganito sa atin, may napagsasabihan ako diba.”

“eh di ako nalang kapatid mo, at ikaw ang baby sister ko. Wala namang pagbabago diba. At isa pa magkaibigan naman na tayo”

Niyakap ko siya to emphasize how thankful I am na meron akong kaibigang lalaki na tulad ni Ian. Walang malisya, walang nagttake advantage. Purely friendship lang.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon