Unexpected news and another news

223 1 0
                                    

-Xiang o Shanelle Remin-

Nandito ako ngayon sa school. Wala na gaanong ginagawa dahil kakatapos lang ng aming exam last week.

Shanelle, shanelle.. lumingon ako at nakita ko ang kaklase kong lalaki na papalapit sakin.

“bakit?” tanong ko.

“pinapatawag ka ng dean. Punta ka nalang sa office niya”

“sige salamat” sabi ko sa kaklase ko at umalis na papuntang Dean’s office.

Pagdating duon ay kumatok muna ako. At saka pumasok.

“yes maam pinapatawag niyo daw po ako?” sabi ko ng makaharap ko si Mrs. Santos an gaming Dean.

“please take a sit iha.” At naupo ako sa silyang kaharap niya.

May mga tinignan siyang credentials at saka sinarado ulit. Tumingin siya sakin “ayon sa record mo dati ka ng nag aral dito at nag stop ka lang. Ngayon dito ka ulit bumalik. At tulad parin ng dati maintain ang higher grades mo from the last record mo at yung latest. Dahil dun isa ka sa sampung estudyante na gustong irecommend ng school para matraining ng 6 months sa isang multi company sa Singapore. All expense paid ng eskwelahan. Ano sa palagay mo?”

“ho?” isa sa sampu? Wow. Singapore? Wow… at napangiti siya..big opportunity pero…

“Maam may final decition nap o ba?”

“wala pa. unless pumayag ka na., pero sa palagay ko dapat pag isipan mo muna. It can wait, till nextweek pa naman ang decision making kung gusto sumama ng bata o sa ibang company nalang dito sa Philippines niya gusto magpadeploy.”

“sige po maam. Pag iisipan kop o. salamat po talaga” at kinamayan ko na siya bago umalis.

Pagkalabas ko tinawagan ko si Yeoj.

Xiang napatawag ka?

“san ka?” tanong ko sa kanya

dito sa office bakit?

“ganon ba? Sige busy ka ata. May sasabihin sana ako kaso baka busy ka. Bukas nalang siguro”

Hindi, saglit. Antayin mo ako. Nasa school ka ba? Antayin mo ako sa labas ng gate. Dadaanan kita dyan.

“sige” at pinatay ko na ang cp. Pumunta ako sa gate ng campus.

1.2.3.4… nagbibilang lang kasi mukhang matagal pa yun eh..

Maya maya may tumabi sakin. Pero pag angat ko ng tingin hindi pala si Yeoj. Aakapin ko n asana.

“Ahem miss mukhang mag isa ka, may inaantay ka ba?” si Ian yun..haayy naku Ian. Kilala na kita. Sa isip ko lang yun.

“ha? Oo may inaantay ako kaibigan.” Sabi kung nakangiti pa

“nga pala ito si Reggie, si Chris at ako si Ian, graduating na kami dito sabi niya na nakalahad pa ang kamay”

Aabutin ko n asana kaso may ibang umabot at siyang nakipagshake hand sa tatlo

“at ako si Yeoj” si Yeoj yun.. siya ang nakipagkamay. Paarang tanga lang.

Yeoj pare. Panira ka talaga. Makikipag shakehands na nga si Miss ganda eh. Hinarangan mo pa.” pabulong na sabi ni Ian at yung dalawa naman sinigundahan ng iling.

Hahaha natatawa talaga ako sa kanila.

Itong si yeoj eksena. Inakbayan ako “siya si Xiang, ngayon kilala niyo na. please excuse us may lakad pa kami” at inakbayan ako palayo ni Yeoj sa mga kaibigan niya.

Si Ian natunganga.. “dude kilala niya yun?”

Sinigundahan naman ni Chris ng “oo dude, huli ka na. nauna si Yeoj sayo” at sabay sabay na silang pumasok na tatlo sa loob ng campus habang si Ian hindi makapaniwala. Iiling iling pa din.

Ngiti ng ngiti si Yeoj ng nasa sasakyan na kami. Abat tinamaan ng sira na ata tuktok nito.

“hoy nginingiti ngiti mo dyan?” –me

“wala”

“wala daw. Pero para ng baliw. Ngumingiti mag isa.” Pabulong kong sabi para hindi na niya marinig.

“Yeoj” tawag ko ng pansin sa kanya

“bakit?”

“isa ako sa napili”

“napili saan?” at bahagyang lumingon sakin at muli ibinalik ang pansin sa kalsada.

“Napili ng school para pumunta sa Singapore. Training yun for 6 months”

Eeeeeeeeeekkkkkkkkkkkk

Whew buti hindi kami nabangga ito kasing si Yeoj bigla nalang nagpreno. Buti wala pa kami sa Edsa at konti lang dumadaang sasakyan dito.

“Singapore????” halos pasigaw na sabi niya.

Yung kaninang ngiti ko. Nawala bigla. Akala ko matutuwa siya, ito at sinisigawan na ako.

Tumango lang ako.

“for 6 months? Umuoo ka na ba?” sunod sunod niyang tanong

“oo, hindi”

“anong oo, hindi? nag agree ka na sa Singapore magtraining?” tanong niya

“hindi pa. kasi wala pa namang final decision eh. At saka pag isipan pa daw”

Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag at itinabi muna ang sasakyan sa gilid. Nasa gitna kasi kami kanina nagpreno siya bigla.

“look malayo ang Singapore. Kahit pa sabihing ilang oras lang ng eroplano yan. Malayo pa din. May kinausap akong kasosyo ni Daddy at pumayag siya na mag OJT ka sa kanya. Yun malapit lang at hindi ka pa malalayo sa pamilya mo.”

Napag isipan ko na din yun. Siguro titignan ko muna yung pinakamalapit bago ako pupunta sa malayo.

“sige titignan ko. San ba yung opisina nun?” pupuntahan ko par asana malaman

“sasamahan kita bukas gusto mo?” tanong ni Yeoj sakin.

“hindi na. nakakaabala na ako sayo. Ako nalang”

“sige ikaw bahala. Basta balitaan mo ako anong mangyari” sabi niya at pinaandar muli ang kotse. Pumarada lang kami sa isang restaurant at duon nananghalian..late lunch na.

Maasikaso si Yeoj. Daig ko pa ang girlfriend niya.kahit na ang totoo hindi pa naman. Nahahalata ko din over protective siya sakin at parang ayaw niya akong malayo.

Pag katapos nun ay umuwi na ako si Yeoj, babalik daw sa opisina. Marami talaga siyang ginagawa pero pagdating sakin nagkakaroon ng oras. How sweettt.

My Pole Dancer LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon