Bago ang lahat, promote ko dito yung one shot story ko entitled: HULI KA!! Click on the external link.. ------------->
Please find time to read it kung gus2 niyo.. Thanks a lot! ^____^_____________________________________________________________________
CHAPTER 8: Fiance? Really?
EUPHY'S POV
Time Check: 9:40 am.
It's already late but who cares? Nag text sakin si Kelly na magpalate na lang daw ako dahil mamayang hapon pa papasok si Boss.
Nahahalata kong madalas nang malate si Boss. Anyare dun? Baka narealize niya na masama ang maging workaholic na tao, na masama sa kalusugan ang sobrang pagpapagod at ang mastress. Teka? Bat ko ba yun iniintindi?
Pumunta na lang ako sa working area ko at sinimulan ang trabaho ko.
Sinalpak ko na lang yung headset ko at nag soundtrip.
NP: Change by Taylor Swift (click on the right side)
Niplay ko yung kanta ni Taylor Swift. Syempre, ako ang babaeng adik kay Taylor Swift. Ang ganda ganda kasi niya at ang galing niyang magcompose at kumanta.
Linakasan ko pa yung volume nang mas lalo kong mafeel yung kanta.
Nice. Mas lalo yata akong ginaganahan magtrabaho.
Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas yung pinto. Agad kong inalis yung headset na nakasalpak sa tenga ko.
Pumasok ang isang babaeng, uhhmm. Paano ko ba idedescribe? Basta, maganda siya. Maputi, makinis, at halatang mayaman dahil sa mga alahas at damit na suot nito. Pero mukhang maldita. Makita mo pa lang sa mukha niya, maiidentify mo nang isa siyang mataray na babae.
"My God! What's wrong with you? Alam mo bang kanina pa ako katok ng katok? May tao naman pala tapos hindi mo binubuksan! Are you deaf?!" Nakakainis naman itong babaeng ito. Sarap hambalusin ng upuan!
"Ma'am. Sorry f-" Hindi na niya ako pinatapos magsalita.
"Kasalanan mo naman eh! Gosh! Hindi dapat hinahire sa mga high class company ang mga employee na tulad mo. Hindi dapat sila nag hire ng binging tulad mo" And she rolled her eyes on me.
PSH! Maldita! Akala mo kung sino! Ganyan lang siya dahil mayaman siya. May maipagmamayabang siya! Pero, kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi niya man lang ako hinayaang makapagsorry. At saka, hindi ko naman ineexpect na may dadating na bisita. Yung iba kasing employee basta basta na lang pumapasok sa mini office ko.
Hindi ko na lang siya pinatulan kahit gustong gusto ko siyang sakalin.
"Where's Charles?" Tanong niya sakin.
"Wala pa po Ma'am"
Pumasok siya sa office ni Boss. Sinabihan na ngang wala siya ayaw pang maniwala.
"Anong oras siya pupunta dito?" Tanong niya.
"I don't know" Sagot ko.
"Can I see his schedule? Your his secretary right? So that means you have a copy of his schedule"
"But Ma'am, bawal po yun. H-" Hindi na naman ako pinatapos magsalita.
"I have the right to know the things that he does at kung sinu sino ang taong nakakasalamuha niya fron his employees to investors. Got that?" Mataray niyang sabi. Naiirita talaga ako sa babaeng ito.
"Pero Ma'am! Bawal po yun!" Suway ko.
"Just do what I said!" This time sinigawan na niya ako. Ang sungit ng babaeng ito.
Sinabi na kasing bawal. Ano ba ang hindi niya maintindihan don?!
"Give it to me now!" Tapos inilahad pa niya yung kamay niya.
Hindi talaga pwede. Lagot ako nito kay Boss.
"Ayaw mo ha!" And ayun, pumunta siya dun sa table ko at may hinanap. Binuklit lahat ng makitang notebook at folders.
Pinipigilan ko siya pero ayaw paawat. Sino ba itong babaeng ito at ang lakas ng loob halungkatin ang mga gamit sa table ko? Napupuno na talaga ako sa kanya.
"Ma'am. Please! Tumigil na kayo. Tatawaga ako ng Guard!" Baka naman tumigil na siya sa banta ko.
"Eh di tumawag ka. I don't effin' care" Aaarrrggh!
Tatawag na sana ako ng security ng sumigaw siya nang makita na yung hinahanap niya. Tinignan niya yung schedule ni Boss. And after that, sinauli na iya sa akin.
"Here. Wala naman pa lang kwenta. Puro lang mga matatanda ang mga nagiging investor niya" Sinauli nga niya yung notebook pero hinagis niya sa akin. HMP! Walang manners.
Nakakairita.
"By the way, kilala mo ba kung sino ang girlfreind ni Charles?" Tanong niya sakin.
Huh? Si Boss? May girlfriend?
"Hindi po" Sagot ko.
"Are you sure?"
"Yeah. Di ko nga po alam na may girlfriend siya eh"
"Fine. Pag dumating na si Charles pakisabi na lang na galing ako dito. By the way, I'm Alice, her fiance" And tapos umalis na siya.
Fiance? Really?
Eh kung fiance siya ni Boss bakit siya nagtatanong kung sino ang girlfriend nun?
Labo naman!
Ikakasal na pala si Boss.
Sayang!
Anong sayang? Haaaaaay! Kung anu-ano naiisip ko! Linisin ko na nga lang itong table ko na ginulo nung babaeng iyon!!! Ewan ko ba, basta naiirita ako dun sa babaeng iyon! >.<
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)