Epilogue

189K 2.7K 80
                                    



Epilogue:


EUPHY'S POV


"C'mon Euphy. Smile!" I gave my warmest smile to Kelly habang abala siya mag picture sa kanyang cellphone na nakatutok sa akin ngayon.

"Tayong dalawa naman mag selfie. Smile!" pagkatapos niyang magpicture sa aking cellphone ay hinarap niya ako.

"Ang gorgeous gorgeous naman ng sister-in-law ko! The blushing bride ang peg pero mas excited yata ako sa honeymoon niyo mamayang gabi" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kelly.

"Kelly, ano ka ba!" pinalo ko siya ng mahina sa kanyang balikat.

"Ito naman kung makareact. Baka nga niyan mamaya nagsisinungaling ka lang sakin na virgin ka pa. Malay ko ba, baka ilang beses niyo nang ginawa yun" humahagikhik pang sabi ni Kelly.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta nagsasabi ako ng totoo. Lagot ka pala sa kuya mo dahil sa ginawa mo kagabi"

"Hindi naman ako mapapagalitan kapag hindi ka nagsalita" napabuntong hininga na lang ako. Ayaw naman kasi ni Charles ng bridal shower pero itong si Kelly bigla na lang akong sinurprise kagabi sa hotel na tinutuluyan ko. Kasama niya yung ilang empleyado sa kumpanya ng asawa ko at nag-hire pa ng macho dancer. Buti na lang hindi ako inakit nung dancer, Dahil alam niyang ako yung bride, yung mga single naming kasama ang inakit niya. Yun kasi yung pakiusap ni Kelly.

"It's time to go! Naghihintay na si kuya sa simbahan. Baka hindi na yun mapakali at bigla na lang pumunta dito" at sabay na lang kaming napatawa.

Well, today is our wedding day. Sobra akong kinakabahan na hindi ko na maexplain kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko. Sumakay na ako sa bridal car habang si Kelly naman ay sumakay sa kabilang kotse. Magkasunod lang ang aming mga sasakyan at sa oras na ito'y papunta na kaming simbahan. Ang kamay ko nanlalamig na para bang nabuhusan ng malamig na tubig. Sana talaga walang mangyaring masama habang kinakasal kami.

It's been 5 months magmula nang makidnap ako. Halos dalawang buwan din akong hindi makalakad ng maayos dahil sa pagkakabaril sa ibang parte ng hita at binti ko. Tinuloy ni Charles ang pagsampa ng kaso kay Alice pero hindi ito nakulong sa selda kundi sa isang mental institute ito dinala. Mayroon pala siyang mental disorder. Alam ko namang may sayad yun pero hindi ako aware na ganun na pala kalala. Humingi sakin ng tawad ang mga magulang niya pero hindi yun naging daan para iurong ang kaso namin sa kanya.

Tinulungan din ni Charles na mapagamot ang nanay nung batang tumulong sa akin. He even offered him a scholarship. Halos hindi naman makapaniwala si Jet.

Tumingin ako sa bintana at natatanaw ko na nga mula dito ang simbahan kung saan kami ikakasal ni Charles. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka may tumutol at hindi matuloy ang kasal namin.

Ano ba Euphy! Hindi ka dapat nag-iisip ng nega! Postive lang!

Tumigil ang kotse sa harap ng simbahan. Maya-maya'y may bumukas ang pinto ng kotse.

"All is set Mrs. Ocampo. Ikaw na lang po ang kulang" napangiti ako sa sinabi nung driver. Lumabas ako ng kotse at una kong nakita si Kelly na kakalabas lang din sa sinakyan niyang kotse. Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Euphy, congrats! Masaya ako sa inyong dalawa ni kuya! Masaya ako dahil happy ending kayo! Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang bestfriend ko" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin "Ops! Wag kang iiyak. Sayang ang make-up!"

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon