Chapter 9: Alice
EUPHY'S POV
Ilang minutes na lang at lunchtime na. Nandito pa ako sa working area ko at may ginagawa. Hindi na ako naglagay ng headset dahil baka mamaya niyang may kumatok at hindi ko na naman marinig.
Mayamaya pa, narinig kong bumukas yung pintuan at iniluwa ang isang Oh so hot guy na may napakagwapong mukha at mala adonis na katawan.
Shet! What is happening to me?!
"Ah.. HI SIR"
As usual, tiningnan niya lang ako at pumasok na sa kanyang office. Sanay na man ako sa ugali niyang iyan eh.
Kinuha ko na iyong notebook na naglalaman ng schedule niya.
Naalala ko naman yung malditang iyon.
Pumasok ako sa office niya.
"Sir, you we're scheduled to meet Mr. Flor tonight @ 7pm" Pagpapaalala ko sa kanya ng schedule niya.
"Oo nga pala" Mukhang nakalimutan ni Sir ah. Matamlay siya at mukahng may problema ang isang ito.
"Thanks for reminding me, You can go now" Sabi niya. Halata ngang may problema ito.
"By the way Boss.." Tinignan niya ako ng nakakunot noo. Galit na naman. Kelan ba darating ang araw na hindi siya madalas magalit?
"What?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko. Nakakatakot.
"Uhhmm. May naghahanap po kasi sa inyo kanina"
"Who?"
"Fiance niyo daw. Alice is the name"
"WHAT?!"
*******************************
"Dapat sinabi mo sakin! Nang makapagtuos kami kanina!" Galit na galit na sabi ni Kelly.Nandito kami sa canteen at naglulunch.
Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari kanina. Yung pagpunta ni Alice sa office. Nagulat ako dahil si Alice pala ang tinatawag ni Kelly na MASAMANG NILALANG. Si Alice ang dahilan kung bakit ayaw umuwi ni Kelly sa bahay nila kahapon. Mas lalo tuloy akong nacucurious sa Alice na iyon. Kung siya yung sumisira sa buhay nila ni Boss, how come na fiancee niya ito?
"Kelly, curious kasi ako eh. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa inyo at ang laki ng galit mo sa kanya?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)