Chapter 10: A night with...HIM?! (1)

391K 4.2K 193
                                    

Chapter 10: A night with.... HIM?!

EUPHY'S POV

6:30 pm na ng gabi pero hindi pa ako pwede umuwi. Kailangan kong samahan si Boss sa kanyang meeting together with his investor. Ako ang tagahawak ng files at kailangan kong mag take down ng notes about dun sa mga napag-usapan nila.

Nandito kami sa ngayon sa kotse niya. Papunta dun sa restaurant na ime-meet up niya yung investor. Tinignan ko si Sir na katabi kong nag dadrive. Kahit maghapon itong nagtrabaho, fresh looking pa din. Hindi tulad ko na haggard look.

Sabagay. Gaganahan yan magtrabaho kasi binisita ng fiancee niya. Nakita mo naman kanina na halos maglampungan na. Kulang na lang maghubaran na sila.

Sa wakas nakarating din kami sa dapat puntahan.

'Woah!' Yan ang salitang nabigkas ko ng makita ko ang restaurant na napuntahan namin. Pero mahina lang, ayoko namang marinig yun ni Boss at masabihan pa akong tagabundok dahil perstaym. Pero totoo iyon, first time ko talagang makapunta sa isang high class restaurant. Sa labas pa lang nito, malalaman mo na ang pagka sossy ng place, na puro mayayaman ang pumupunta.

"Follow me" Syempre boses iyon ni Boss. Kaya sinundan ko na siya.

Euphy, just act naturally. Hindi mo kailangang kabahan.

Para na akong tangang kinakausap ang sarili ko sa utak ko. Kinakabahan ako eh. Hindi naman kasi ako sanay na pumunta sa mga sosyaling lugar.

Pumasok na kami sa loob ng restaurant. And HOLY COW! Kung anong ikinarangya sa labas, MAS SOSYAL ANG LOOB. AS IN! Puro gold and paligid. Mula kisame hanggang sahig maging sa mga upuan! WOW! Sosyal! Siguro pati kutsara at tinidor nila ginto.

Itinuon ko na yung pansin ko kay Boss. Baka mamaya hindi ko pa siya masundan dahil busy ako sa pagkilatis ng mga mamahaling bagay dito.

Tinuro na din samin ng waiter ang table na uupuan namin. Pagdating namin dun, nakita namin ang isang lalaking naghihintay. Siguro ito na yung imemeet ni Boss.

"Mr. Nicholas Flor" Pagbati ni Boss sa kanya.

"Oh, Mr. Ocampo" Nagshake hands sila.

"Nice to finally meet you. Thank you for investing on our company" Sabi ni Sir, in a mannered way. As in, para siyang proffesional kung makipag-usap.

"Have a seat. We had a lot of things to discuss" Uy. Ngayon ko lang napansin. GWAPO! Ubod ng gwapo itong Mr. Flor na ito. Ahihihihihi! Umaariba na naman ang kalandian ko.

"By the way, this is Ms. Ramirez, my secretary" Pakilala sakin ni Boss kay Mr. Flor. Ohlalalalala! Nakatingin siya sakin at nginitian niya ako. Kyaaaaaaah! He has those killer smile that will make every girls fall. OMG! Crush ko na siya!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon