Chapter 34: Warzone
EUPHY'S POV
"WHAT THE F*CK EUPHY? WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" Nagulat naman ako dahil may bigla na lang naninigaw sa likuran ko and it was Charles. Tangna. Magkakasakit ako sa puso nito.
"Pwede ba! Huwag kang basta basta na lang naninigaw! Aatakihin ako sa puso nito sa sobrang gulat" Sigaw ko rin sa kanya. Napapagod na nga ako sa ginagawa ko ngayon, eto naman ang sasalubong sayo!
"Would you explain this?" Turo niya sa mga bagay na nakalatag sa banyo.
"Explain?! Hindi mo ba magets ang ginagawa ko? Naglalaba lang naman ako using my bare hands!" Paliwanag ko sa kanya.
Akala ko ba matalino siya? Nakikita niya naman siguro kung anong ginagawa ko tapos tatanungin niya ako. Shunga lang?!
"I know what you are doing pero bakit dito ka naglalaba sa banyo ko? May lugar sa mga laundry sa building na ito at iyon ay sa top floor" Sabi niya.
"Under renovation yung laundry area kaya naisipan kong dito na lang sa banyo mo maglaba kasi malawak naman. Maswerte nga ako kasi nakahiram ako ng mga palanggana sa kanila"
"But there's a lot of laundry shop outside this building!" Nakakabingi naman ang sigaw niya. >.<
"Ok lang! Sanay naman akong maglaba gamit ang kamay ko! At least makakatipid tayo sa kuryente dahil hindi washing machine gamit ko ngayon!" Sagot ko sa kanya.
"Bahala ka! Basta ayusin mo na lang ang banyo pagkatapos mo!" At lumabas na siya ng banyo.
Bahala rin siya sa buhay niya! Hindi kasi available yung laundry shop sa building na ito kaya naisipan kong dito na lang sa banyo maglaba using my own bare hands. Sanay naman ako kaya walang problema.
Ang dami ko pang gagawin ako. All around maid kaya ako dito sa bahay ni Charles. Samantalang siya, mukhang parelax relax lang.
Wala kaming pasok ngayon dahil magpapahinga muna kami mula sa naganap na community immersion kahapon. Pero, si Charles lang yata ang hindi nagpapahinga dahil umalis siya kaninang umaga para makipag meet up sa mga investors at mamayang hapon ay sigurado akong nakatutok iyan sa laptop niya.
Sa mahigit isang buwan naming pagsasama, ganito palagi ang set-up. Pagka uwi namin galing sa trabaho, magluluto ako, kakain kami at matutulog pagkatapos gigising sa umaga at maghahanda para pumasok. Pag weekend naman ay maghapon akong maglilinis ng bahay tapos trabaho pa rin ang inaatupag ni Charles.
So far, so good? Ewan, pero kahit papaano nasasanay na rin ako sa set up na ito kahit hindi naming maiwasang hindi kami mag-away ni Charles.
At ang pinakaayoko lang dun ay yung pagshare namin ng kama. At least malawak yung kama niya kaya hindi kami nito magkakalapit lalo pag natutulog. Wahahaha.
Mukhang umalis ulit si Charles nung pagkatapos kong maglaba. May problema na naman ako, saan ko kaya isasampay itong mga damit?
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)