Chapter 57: Gracious Night

176K 2.9K 232
                                    

Yun oh! May kuryente na ulit sa amin matapos ang mahabang panahon. Ilang months din yun, akalain niyong nasurvive ko?  =______= Nakakainis talaga pag may bagyo, at ngayon nga ay may bago na namang bagyo. L Keep safe everyone!

 

PS: Maikli ang UD.

 

CHAPTER 57: Gracious Night

 

EUPHY’S POV

 

“Ate Euphy, kilala niyo po si Dok?” tanong sakin ni Pakz habang kumakain kami ng hapunan.

“Oo eh. Schoolmate ko siya nung highschool kami” nalaman kong idol niya pala si Aries. At close na close rin ang dalawa.

“Talaga ho? Kaya pala nakita ko kayong magkayakap kanina” nabigla naman ako sa sinabi niya. Anong pinagsasasabi ng batang ito? Naalala ko naman yung nangyari kanina

Na miss kita...

 

Yun yung kaninang niyakap niya ako. Hanggang ngayon palagi na lang sumusulpot sa isipan ko yung sinabi niya kanina. Okay, he miss me as a friend pero bakit feeling ko ibang ibig sabihin niya? Masyado na talaga akong praning!

Bago pa ako mabaliw kinausap ko si Pakz.

“Ganun talaga pag kaibigan mo lalo na’t matagal na kayong hindi nagkikita magyayakapan kayo” mukhang naconvince ko naman si Pakz kaya tumango na lang siya. Ang batang ‘to talaga kung anu-anong nakikita.

Matapos kaming maghapunan ay busy ang lahat sa pag-aasikaso. Gabi na pero ang Tito ko ay nakabihis at mukhang may pupuntahan.

“Tito may lakad kayo?” tanong ko sa kanya.

“Oo eh. Bisperas nung kabilang baryo kaya magmimisa ako dun. Kung gusto mo sumama ka para naman mapuntahan mo ang ilang lugar sa bayan na ito” sabi niya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.  Agad akong pumayag na sumama sa kanya. Gusto ko rin kasing maexplore ang lugar na ito.

Matapos akong magbihis ng ay umalis na kami. Sa owner type na jeep kami sumakay kung saan si Tito ang nag drive. Medyo malayo pero okay lang. Masaya naman yung biyahe kasi malamig at sariwa ang hangin. Okay lang kung madilim yung daanan kasi may mga street lights naman na nagbibigay ng ilaw. Ayos hindi ako matatakot.

Tumigil kami sa harap ng maliit na kapilya. Puno ng tao ang kapilya at karamihan ay nakatayo na. Pero dahil kasama ko yung pari nakapasok ako pero mukhang tatayo na lang ako kasi wala na akong makitang mauupuan.

“Euphy!” nakita ko si Aries na tinatawag ako. Nasa may gitnang bahagi siya na medyo malapit sakin. Nginitian ko na lang siya at kinawayan.

“Halika dito! May pwesto pa sa tabi ko!” nakita ko ngang may pwesto pa kaya pumunta na ako sa tabi niya.

“Thank you” sabi ko sa kanya nang makaupo ako sa tabi niya.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon