CHARLES’ POV
Napamasahe na lang ako ng templo ko nang makausap ko sa telepono yung isa sa mga staff ng kumpanya. Sinabi niya sakin na nakipag-away daw si Kelly sa baba. Good thing na natigil na dahil kung hindi pa ay ipapadala na daw sila sa pulis. I sighed. Nalaman ko rin kasi na si Alice yung nakaaway niya. Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng yon dito? Sisiraan niya na naman ba kami ni Euphy? Well, I won’t let that happen.
Katatapos lang nung meeting ko with the Chinese Investors and it turned out to be a successful one. By next month lilipad ako patungong Japan to settle things at nang masimulan na rin ang project na iyon.
Nahalata kong wala pa rin si Euphy. By this time dapat nandito na siya. Kaya naman ay kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya.
Mas lalo akong kinabahan nang hindi niya ito sinasagot but good thing she answered my call on the third ring.
“Hello?” Tanong ng sa kabilang linya. There’s something wrong in her voice.
“Hello Euphy. Nasan ka na? Are you okay?”
“Yeah, I’m okay. Uhmm, Charles di na muna ako papasok ha? Bigla kasing sumakit yung ulo ko”
“WHAT?! Gusto mong puntahan kita diyan?” Nag-aalala ako sa kanya.
“NO! Huwag na. May trabaho ka pa eh. Itutulog ko na lang ito” Sabi niya.
“Gusto mo dalhin kita sa hospital?” Tanong ko sa kanya.
“Huwag na. N-nakainom na rin naman ako ng gamot. Mamaya mawawala na rin ito” She said.
“Okay. Make sure to have some enough rest. Don’t worry uuwi ako ng maaga. Are you sure that you can handle it?”
“Oo naman. Oh sige, magpapahinga na ako”

BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)