Dedicated to: Leila Arbues
Chapter 33: Community Immersion
EUPHY'S POV
Anniversary ng company nila Charles. So instead of throwing a party, the board decided to have a community immersion kung saan pupunta kami sa isang isolated island na bihirang nakakasama sa kabihasnan upang magbigay ng tulong. So mamimigay kami ng foods, toys, and clothing sa mga families. May libre ding medical mission at syempre pati yung gamot nila libre na din.
Kaya excited na excited na ako.
Ang sarap kasi sa feeling na tumutulong ka sa kapwa mo.
Gumising kami ng maaga at nagready na kami para sa biyahe.
Rineady ko na yung gagamiting backpack ko na dadalhin ko same as Charles. Simpleng panghiking lang ang sinuot ko. Ayos na ito. At least comfortable ako at saka aakyat pa kami ng bundok para makarating kami sa pupuntahan namin.
Si Charles naman ay...
Heto, nakasuot lang naman ng sando kung saan kitang kita yung mga muscles sa braso niya. Oooh my god!
Bumaba na kami ng building at sumakay na sa kotse niya. Ibang kotse na naman ang gamit nito, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ilan ang kotse ng lalaking ito. Curious talaga ako.
Habang nagdadrive siya, hindi ko maiwasang hindi matapunan ng tingin yung braso niya. As in! Yung arms niya, napakamatipuno. Naalala ko nung makita ko yung abs niya. As in! Pandesal s---
"What are you looking at?" Nagulat na lamang ako nung magsalita siya. OMG! Nakatitig na pala ako ng hindi ko namamalayan.
[pic on the right side------>]
"Pinagnanasaan mo ba ako?" Teka, anong sabi niya?
"HINDI NO!!!" Promise, hindi ko siya pinagnanasaan!
"Then why are you so defensive?" Tanong niya.
"Psh! Hindi po. Assuming ka naman!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
Pinagtawanan niya na lang ako. Simula nung tumira na kami sa iisang bahay, palagi ko na siyang nakikitang ngumiti at tumawa. Wow ha. At mas gwapo siya kapag ngumingiti. Pero, kahit saang anggulo, gwapo pa rin siya. Iyon na yun.
Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko yung cellphone ko. Naisip kong itext man lang si Joseph para masigurong nakarating na siya sa tinutuluyan niyang seminaryo. Makamusta nga ang lalaking iyon.
Kaso nga lang, hindi ko nasend kasi wala pala akong load. Ano ba yan!!! Kung kailan naman kailangan ko, saka naman wala. Buhay nga naman oh!!!
"Charles, pahiram ng cellphone mo" Wala akong choice kundi hiramin cellphone ni Charles. Gusto ko nga sanang magpapasa na lang ng load kaso GLOBE siya at ako naman ay SMART. Haha.
"Bakit?"
"Itetext ko lang si Joseph. Kakamustahin ko lang kung nakarating na siya" Paliwanang ko.
"Here" Binigay niya naman sa akin yung cellphone niya.
"Sabihin mo nga sa akin, paano kayo nagkasundo ni Joseph?" Iyan talaga ang gusto kong malaman. Eh kasi naman, pagkatapos niyang awayin, the next day magkasundong magkasundo na ang dalawa.
"Iyan ang bagay na hindi mo maiintindihan dahil babae ka" Eeeh?!! Ano daw?! Hay, kaloka? Bakit, ano bang meron sa mga lalaki?
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi dahil alam kong mas lalo akong maguguluhan.
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)