Chapter 38: Heartbreak

278K 3.3K 417
                                    

Sorry! Nakakainis kasi kapag may author's block. Di mo matapos tapos ung chapter. Anyways, may iseshare ako sa inyo, alam niyo ba na kaka anniversary pa lang ng MMB? Opo, 1 year na ang MMB pero di ko pa rin tapos. I posted it's prologue nung mga 1st week of January 2013, di ko na matandaan ang exact date eh. Kaya ayan, happy anniversary sa MMB. Nakakahiya talaga, one year n tapos less than 40 chapters p lang to..huhu..

CHAPTER 38: Heartbreak

.

CHARLES' POV

Hindi ko alam pero sa tingin ko may mali.

Halos isang linggo na akong hindi pinapansin ni Euphy. Kakausapin niya lang ako kapag may kailangan siyang sabihin o kaya kapag may tinatanong ako pero ang tipid niyang magsalita kung ako ang kaharap niya. Napansin ko rin ang pagkaiba ng aura niya.

Gusto ko sanang magtanong pero hindi ko magawa.

Nagsimula ito noong nagising ako ng umagang iyon kung saan nagpakalasing ako nung gabing iyon. Nung umagang iyon bigla na lang umiba ang pakikitungo niya sa akin. May nagawa kaya akong hindi niya nagustuhan? Wala talaga akong maalala nun maliban na lang dun sa panaginip ko na were making out.

Well, muntik nang may mangyari.

Pero imposible namang gawin ko yun sa kanya. After all, alam kong panaginip lang ang lahat.

At sa mahigit isang linggong lumipas, palagi siyang nakadistansya sa akin. Minsan naiinis na ako sa mga ikinikilos niya. Kung may galit siya sa akin, dapat sinasabi niya! Hindi yung lalayuan niya na lang ako at hindi na kakausapin.

Pakiramdam ko may nagawa akong mali pero hindi ko naman ma pinpoint kung ano kasi wala naman siyang sinasabi.

Araw-araw na lang ganito maging sa bahay na tinitirahan namin. Magkasama nga kami sa iisang bubong pero kung tratuhin niya ako ay parang multo. Parang hindi niya ako nakikita. At sa gabi naman ay palagi siyang maaga matulog at maaga ring nagigising. Sa tuwing gigising ako ng umaga, nakikita ko na lang na ready na ang breakfast ko. Breakfast ko lang dahil tulog pa ako, ay kumakain na siya ng agahan niya.

Sabay pa rin kaming pumupunta ng office at kahit sa kotse ay ayaw niya akong kausapin.

I just realize that her coldness that she's showing to me is f*ck*n' killing me and I hate it.

At dahil din sa kanya kaya hindi ako makapagconcentrate ng maigi sa trabaho ko.

Pilit ko kasing inaalala kung may nagawa ako mali pero walang man lang na katiting ng pangyayari ang rumehistro sa utak ko.

Tiningnan ko si Euphy through glass wall ng opisina ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinuntahan ko si Euphy sa working area niya. Napatigil naman siya ginagawa niya nang maramdaman niyang nasa harap niya ako.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon