Chapter 51: The Truth

190K 3K 127
                                    

Chapter 51: The Truth

                                         

 

 

EUPHY’S POV

 

Two weeks has passed by at feeling ko isang taon na ang lumipas. Two weeks ko nang hindi nakikita si Charles. Gabi-gabi naman siyang tumatawag sakin pero iba pa rin yung feeling na nandito siya. Hay naku! One week pa ang titiisin ko bago makita si Charles.

Nakakainis lang! Miss na miss ko na ang asawa ko!

“Euphy, may extra ka pa ba nung document na binigay sayo ni Ma’am Sanchez?” tanong ni Kelly sakin pakapasok niya nang office.

“Ah meron” inabot ko naman sa kanya “Heto oh”

“Thanks” lalabas na sana siya nang tawagin ko ito.

“Kelly! Sabay na tayo maglunch mamaya ha?” yaya ko dito. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi ko na siya nakakasabay sa pag lunch. Kung marami kasing gagawin, nagpapadeliver na lang ako ng pagkain at dito na mismo sa office ako kakain.

“A-ano, s-sorry Euphy kasi may plano na ako mamayang lunch eh. M-magagalit yun pag di ko sinabayan” pagpapaumanhin nito.

“Talaga? Sino?! Ikaw ha, wala kang sinasabi sakin” lumapit ako sa kanya at pinagsusundot ang tagiliran niya. Lokang babaeng ‘to, mukhang malapit nang magkalovelife.

“Huy! Huwag mong lapatan ng malisya” pero nakita ko siyang nagblush. Wow! For the first time!

“O sige na! Pero sino ba yun? Sabihin mo naman oh” hindi ako nagiging chismosa, curious lang ako kung sino kasama nito maglunch mamaya. Mukhang may nagugustuhan na ang sister-in-law ko!

“Si a-ano, s-si, ah basta! Siya yung mysterious caller ko!” at mas lalong namula ang mga pisngi niya.

“KILALA MO NA YUNG MYSTERIOUS CALLER MO? SINO???” inalog-alog ko yung balikat niya. Diyos ko! Ako ang kinikilig dito!

“Euphy, relax. Oo, nagpakilala na siya, two weeks ago pa. Nagulat nga ako eh. S-sabi niya, matagal na daw siyang may gusto sakin t-tapos araw-araw ay niyayaya niya akong magdinner o di kaya ay maglunch” nahihiya pa siyang magsabi pero omg lang! Kinikilig ako!!!

“OMG Kelly! Ang haba ng hair mo! Paputulan mo na!” at natawa naman siya.

“Hindi naman ah” mas lalong gumaganda si Kelly pagnagbablush.

“Eh sino ba yung mysterious caller mo?” tanong ko. Curious ako kung sino, malay mo kilala yung lalaki.

“Secret muna sa ngayon” naku! May pa secret secret pang nalalaman!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon