Gd eve everyone! For the information of everyone, madalas po akong walang load kya sorry sa mga hnd ko nareply sa text. Pro s weekend mag a-unlitext ako pra makatextext tau..hihi..
Chapter 24: His Hug
EUPHY'S POV
Back to basic. Iyan lang ang masasabi ko. Super duper bitin yung bakasyon namin sa South Korea. Nagulat talaga ako nung sabihin sa akin ni Charles kung bakit tatagal ng one month yung suppose to be bakasyon namin dahil after South Korea, pupunta kami ng Japan pagkatapos dun lilipad kami patungong Europe, sa Italy to be exact.
Grabe as in! Sobra ang panghihinayang ko. Chance ko na ngang makapunta ng Japan at Italy, hindi pa natuloy. Nakakainis lang.
Nandito na kami ngayon sa NAIA. Oh yeah. Welcome back to me sa lupang sinilangan ko. Sinundo kami nung family driver nila Charles at hinatid sa condo unit ni Sir.
Doon na daw ako titira. Feeling ko hindi ko kaya, ang makasama nga siya sa office, parang hindi ko kaya, ang makasama pa siya sa iisang bahay?
Pero kung tutuusin, okay lang naman siyang kasama kaso nga minsan nasosobrahan na ang ugali niya. Palagi pa naman iyang masungit, what more kung matutulog na nga lang ako susungitan pa niya ako. Okay na sa akin yung ipinakita niyang ugali sa Korea, sana naman dinala niya sa pag-uwi namin.
Pagdating namin ng condo nandun na yung mga gamit ko including yung gitara ko. Naalala ko yung sinabi niyang tuturuan niya ako maggitara, I hope na hindi niya makalimutan. And also sana kapag tinuruan niya na ako, humaba ang pasensya niya kasi minsan talaga slow akong tao at mahirap magets ang isang bagay.
Pero knowing na si Charles iyon, konting pagkakamali ko lang, sisigawan at papagalitan na niya ako.
Maikli ang pasensya nun.
"Pupunta na ako ng office. Ayusin mo na ang mga gamit mo at magpahinga ka na"
Siya na ang workaholic. Kadarating lang, magtatrabaho kaagad.
Pagkaalis niya, bigla akong napaupo sa sofa ng sala.
Hay! Lord! Kakayanin kong pakisamahan ang taong ito basta naman maging mabuti siya sa akin. Kahit man lang ituring niya akong kaibigan, ok lang. Titira kami sa iisang bubong so hopefully, walang mangyaring masama.
Ano kaya magiging reaction ng Mama ni Charles kapag naghiwalay kami? Sasama ang loob nun.
Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwalang asawa ko na ang boss ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Alam kong masama itong ginawa ko pero nandyan na iyan, pangangatawanan ko na lang.
And speaking of, sabi ni Charles, 9-12 months lang pwede tumagal ang Marriage namin. Tapos si Tito, within 14 months pa uuwi kaya hindi niya malalaman ang ginawa ko. Nasa ibang bansa siya at wala kaming communication ngayon dahil sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)