Vote & comment please..
Chapter 14: The Agreement
EUPHY'S POV
*krrrrrrrrrrrrriiiiiiiinnnnngggggg*Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Kinuha ko ito sa lamesa na katabi lang ng hinihigaan kong kama at saka binato kung saan. Nakakainis! Istorbo sa pagtulog! At ang tanga ko. Alam ko naman na wala akong pasok ngayon dahil sabado pero hindi ko na off yung alarm clock ko.
Ipipikit ko pa sana yung mga mata ko ng may marinig akong ingay sa baba.
Maliit lang itong apartment na inuupahan ko pero two-storey siya. Sa baba yung kusina at sala at sa taas naman yung kwarto ko. Parang good for 1 person nga lang eh. Buti nga hindi masyado mahal ang bayad ko sa pag-upa nito.
Mas lalong nagising yung diwa ko. Hindi na ako mapakali. May pakiramdam ako na hindi lang ako ang mag-isa sa bahay na ito. Yung feeling na parang may kasama ka? Pero imposible, ako lang mag-isa dito ah.
Baka may multo? Imposible din, palagi kong napapanood sa TV na gabi lang sila nagpaparamdam.
Baka magnanakaw? Imposible din. Dapat gabi sila namamasok ng mga bahay kasi sa oras na iyon tulog na ang may-ari. Pero PWEDE din. Sa panahon ngayon, wala nang pinipilian ang mga magnanakaw. Araw man o gabi, mahirap man o mayaman, nanakawan nila. Ganun na yata kahirap ang buhay ngayon.
Dali dali akong bumangon. May mga yabag ng paa akong naririnig. Shit! Baka magnanakaw nga! Lumabas ako ng kwarto at dahan dahan akong naglakad papunta sa may hagdanan.
May nakikita akong anino ng isang lalaki na palakad lakad sa sala ng bahay ko. Shocks! Natatakot na ako. Hindi ako dapat magpakita. Tama! Hindi ako magpapakita. Kaya magtatago na ako.
Bakit kasi dito pa niya naisipang mangnakaw? Eh wala naman siyang makukuha sa akin. Dahan dahan akong bumalik sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Tatawag na lang ako ng pulis.
Pero nang kinuha ko ito. DEADBAT! Putik! Ang malas ko naman.
Napatigil na lang ako nang may narinig akong tugtog mula sa baba. Bumalik ako sa may hagdan ng dahan dahan nang marinig ko pa ang tugtog. Hindi nga ako pwede magkamali. Ang tugtog na iyon ay galing sa gitara. Bumaba ako ng dahan dahan. Yung magnanakaw nakaupo sa sofa ko at pinapatugtog niya yung gitara KO! Sa akin ang gitarang iyon. Bigay yun sa akin ni Mama bago siya mamatay.
Nakatalikod yung magnanakaw kaya hindi ko mamukhaan pero parang pamilyar siya. Kahit nakakainlove yung tinutugtog niya hindi pa rin ako magpapadala. Buti na lang may kutsilyo akong nakita sa tabi. Dali-dali ko itong kinuha at tinutok dun sa lalaki.
“Sino ka?” Lumingon sa akin yung lalaki at nagulat siya sa nakita niyang may nakatutok na kutsilyo sa kanya.
Nagulat din ako ng makita ang mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3780487-288-k547929.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)