Chapter 63: Respect
EUPHY'S POV
Kanina ko pa tinitingnan sa kamay ko ang singsing na sinuot sakin ni Charles kanina.
Hindi talaga ako makapaniwala. Engage na ako. Totoo ito. At nagpropose pa siya sa akin sa harap mismo ng altar at sa likod namin ay nandoon si Tito. Totoo ba lahat ng ito o nananaginip lang ako?
Naisip ko kasi yung mga nangyari sa sarili ko this past few months. Nagtrabaho lang naman ako tapos pinakasalan ko pa yung boss ko. Life is full of surprises nga naman. Sa ngayon pa lang ay excited na ako sa kasal namin. Kakapropose niya pa lang kaya hindi pa namin napag-uusapan yung tungkol talaga sa kasal namin. Pero iniisip ko na ang mga mangyayari sa araw na iyon. Iyong susuotin kong wedding gown tapos kung saang simbahan kami magpapakasal. Tapos nandun din sa araw na iyon ang mga taong malalapit sa buhay namin.
Grabe, just the thought of it ay kinikilig na ako at totoong may forever.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong sa akin ni Tito. Nakakahiya. Nakita niya yata akong mag-isang ngumingiti.
"Wala po Tito" sabi ko.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala Euphy. Parang kailan lang nung binubuhat pa kita nung maliit ka pa. Tapos ngayon, ikakasal ka na, mali kasal ka na nga pala" sabi ni Tito.
Natahimik na lang ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.
"Kinausap ako ni Charles kahapon ng masinsinan. Lalaki sa lalaki. At habang kausap ko siya ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal niya sa iyo. Hindi ka nagkamali ng pinili, mabuting tao si Charles at handang gawin ang lahat para sa iyo. Sana ganun din ikaw., Alam ko namang mahal niyo ang isa't isa pero dapat marunong kayong magpatawad. Kita mo kanina, kung hindi ko pa sinabi sa iyo na umalis na si Charles, di ka pa bibigay. Tigilan mo na iyang pagigigng pakipot mo" natawa na lamang ako sa sinabi niya. Sa huli pareho na kaming natawa. Pinangaralan niya pa ako na imbes ayusin namin ang problema daw namin ay tinakasan ko pa siya at umalis pa patungong probinsiya.
"Tito.." tumingin naman siya sa akin.
"Sorry po" at niyakap ko siya. Gustong iparamdam sa kanya na sincere ako. Marami pa akong gustong sabihin pero iyon lang ang lumabas sa aking bibig. Gusto kong mag sorry sa lahat ng bagay na ginawa ko at sa lahat ng sakit ng ulo na binigay ko sa kanya.
"..and thank you" sabi ko ulit. Hindi sapat ang thank you sa dami ng ginawa niya sa akin. Pero iyon lang ang masasabi ko ngayon. Mas lalo kong hinigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka. Alam mo naman na anak na ang turing ko sayo at nang mawala ang nanay mo ay hindi ako nagdalawang isip na akuin ka bilang responsibilidad ko. Mahal na mahal kita. Tandaan mo iyan" naluluha na sabi niya.
Teary eyes din ako nang kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Sige na, baka hinahanap ka na ni Charles" sabi niya at hinalikan ako sa noo. Baka mas lalo lang ako maiyak kung mag-uusap pa kami ng masinsinan.
Hinanap ko nga si Charles sa may simbahan at nakita ko sa may patio mismo.
"Charles!" lumingon naman siya at tumingin sa akin.
Paglapit ko sa kanya ay ibinigay niya sa akin ang phone niya. Tiningnan ko siya ng may pagtataka sa aking mga mata.
"May gustong kumausap saiyo" agad ko namang itinapat ang cellphone niya sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)