Chapter 61: I Pray

148K 2.6K 73
                                    

Chapter 61: I Pray

EUPHY’S POV

 

“Charles!!! Open this door!” patuloy ako sa pagkatok ng pinto ng kwarto niya pero hindi niya binubuksan.

“Huy! Charles! Ano ba?!” parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. The tables have turned. Kung dati siya naghahabol sakin ngayon ako naman itong naghahabol at gustong kausapin siya. Why oh why?

“Listen Charles. I know, galit ka sa kung anuman ang nakita mo kanina pero siguro narinig mo naman ang mga sinabi ni Aries diba?” patuloy ako sa pagkatok pero hindi siya lumalabas pero maya-maya ay bumukas ang pinto at lumabas ang ulo niya.

“Ang ingay mo. Natutulog ako” at pagkatapos nun ay sinarado niya ang pinto.

Letseng taong to! Saraduhan ba naman ako ng pinto?! Ako na nga itong nagso-sorry sa kanya tapos gaganituhin niya ako? Kung tutuusin hindi ko naman kasalanan yung nagyari kanina. Bigla na lang akong hinalikan ni Aries at syempre kung alam ko ay hindi ako papayag! At saka naappreciate ko talaga si Aries kanina kasi umamin pa rin siya sakin kahit may asawa na ako at sinabi pa niyang wala siyang balak manggulo.

Karma yan sa’yo. Sabi ng konsensya ko.

Karma na kung karma dahil sa pagpapakipot ko. Kung hindi siya sumuko sakin noon, eh di hindi rin ako susuko sa kanya ngayon.

“Sige matulog ka pero mag-uusap tayo mamaya!” sigaw ko sa kwarto niya at umalis na ako at dirediretso din akong pumasok sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko at nagpagulong gulong. Gusto kong sabunutan ang sarili ko! Nakakainis talaga. Ang tanga tanga ko. Feeling ko ako na ang pinakamasamang asawa sa buong mundo. Hindi naman ako nagtaksil pero feeling ko ang biga bigat ng kasalanan ko sa kanya.

Bumangon ako sa hinihigaan kong kama at lumabas ng kwarto ko. Dumaan ako sa kwarto ni Charles pero sarado pa rin ito. Mamaya ko na nga lang siya kakausapin kasi baka pag mamaya hindi na masyado mainit ang ulo niya. Pumunta muna ako sa unahan ng altar at dali-daling lumuhod.

“Lord, sorry na po sa lahat ng nagawa ko at sa lahat ng kasalanan ko. Ang tanging hiling ko lang po sa ngayon ay patawarin  ako ni Charles. Mahal na mahal ko po yung taong yun, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan niya hindi ko naman siya matiis, papatawarin at papatawarin ko pa rin siya. Aminado po ako na pareho kaming nagkamali kaya tuloy ganito ang relasyon namin, gusot gusot. Yun na sana eh, konting plantsa na lang ayos na, may nangyari na naman. Sana po mapatawad niya na ako, miss ko na kasi yung hug niya, yung manly scent niya, yung yakap niya na napakahigpit at syempre... miss ko na makita yung abs niya” medyo napangiti ako dun sa huli kong sinabi. Malakas yung boses ko habang nagdadasal. Mas magaan kasi sa pakiramdam.

“Wala naman pong meaning yung halik ni Aries. Hiniling niya lang yon bago niya ako tuluyang pakawalan. Nagmamahal rin naman siya kaya naiintindihan ko siya pero ang heart ko ay na kay Charles. Nakaukit na po sa puso ko ang pangalan niya. Miss na miss ko na po talaga siya. Miss ko nang mahalikan labi niya at miss ko na siyang makatabi sa pagtulog. Lord, parusahan niyo na po ako ng kahit ano huwag niyo lang pong hayaang mawala sakin si Charles. Magpapakasal pa kami sa simbahan, maghahoneymoon pa kami! Marami akong gustong gawin kasama siya! I pray to you  Oh Lord! In the name of Jesus, AMEN!” bago ako mag sign of the cross ay nakarinig ako ng kaluskos sa bandang kanan ko pero pagtingin ko dun ay walang tao. Bigla tuloy akong tinaasan ng balahibo.

Baka may tao? Imposible rin kasi alam kong walang tao sa paligid. Wala si Tito at imposibleng si Charles yun dahil nandun siya sa loob ng kwarto niya. Yung ibang tao naman dito sa simbahan ay may ginagawa.

Baka may multo?

On the second thought, alam kong wala namang multo. Eh nasa simbahan ako eh. Shunga ka talaga Euphy! Baka may dumaan lang na pusa. Yun nga!

Dalawang oras akong nagpalakad lakad habang nag-iisip kung anong gagawin ko. Gusto ko na talagang puntahan si Charles pero... baka ayaw niya pa rin makausap.

Maya-maya ay nakita kong dumating si Tito. Kadarating niya lang. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

“Si Charles?” tanong niya sa akin.

“Uhm, nasa kwarto niya ho. Tulog yata.” Yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Mabuti na lang at wala siya kanina at hindi niya nasaksihan ang gulo kanina kundi ako ang papagalitan nito.

“Tulog? Ayan sa likod mo oh” at nagulat nga ako nang nasa likod ko siya!  Akala ko ba nandun siya sa  kwarto niya?

“Kanina ka pa ba dito?” tanong ko dito.

“Hindi. Kakagising ko lang eh” sabi naman niya sa akin.

Napahinga ako ng maluwag. Akala ko narinig niya yung prayers ko kanina. Hindi naman pala kasi kung nagkataon gusto ko nang magpalamon sa lupa ngayon pa lang.

“Siya nga pala, pupunta ako sa tabing dagat ngayon. Nag gegeneral cleaning sila kaya magvovolunteer din ako. Gusto niyong sumama?”

“Sige po! Sasama kami ni Charles” agad kong sagot sa kanya. Bigla naman akong tiningnan ni Tito ng weird look. I know what he mean. Akala niya naggagalit galitan pa ako sa kanya pero hindi niya alam na si Charles na ang galit sakin.

Umalis agad kami nila Tito. Naglakad kami papunta sa tabing dagat at doon nga namin nakita ang mga taong tulong tulong na naglilinis. Nililinisan nila yung mga dumi at kalat gawa nung bagyo. May mga batang nagsilapitan kay Tito upang mag bless at nakakatuwa silang tingnan. May mga matatanda rin na lumapit kay Tito.

“Father!!!” lumapit sila at nag bless.

“Father, salamat po sa pagvolunteer” sabi nung isang babae.

“Naku, walang anuman! Teka, eto nga pala ang pamangkin ko na si Euphy” pakilala sakin ni Tito.

“At eto naman si Charles” pakilala ni Tito. Teka, mukhang nakalimutan idagdag ni Tito na asawa ko siya.

“Hi pogi!” sabi nung isang babae na teenager at nag wink pa. Diyos ko po! Parang gusto kong isigaw na asawa ko yan!

“Hi” sabi ni Charles at ngumiti rin. Ganun? Harap harapang tumataksil sa asawa? Ito ba ang ganti niya sa nangyari kanina? Dahil sa bigla akong nabadtrip, lumayo na lang ako sa kanila at kumuha na lang ng walis. Magwawalis na lang ako dito at wawalisin ko nang mabuti ang paligid nang masama ang mga naglalandian.

*******************************************************

Yung kasunod nito baka mamaya o bukas. Gud day everybody!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon