Chapter 15: Meeting His Parents
EUPHY'S POV
Saan na naman kami pupunta?
Ang gusto kong gawin ngayon ay bumalik sa kama ko at ibalik ang naudlot kong pagtulog kanina. Kaso hindi n aiyon mangyayari dahil nasa loob na kami ng kotse ni Sir at nagdrive na siya.
"Saan na naman tayo pupunta? Diba tapos naman na tayo mag-usap? Iuwi mo na ako. Pleeeease" pagmamakaawa ko sa kanya at sinabayan ko ng pag pout. Sana effective. Natutunan ko lang naman ang mga ito kay Kelly. XD
"COULD YOU JUST KEEP IN SILENCE?! Sumama ka na lang sa akin" Sinigawan na naman niya ako. Araw araw naman iyang may PMS.
Sinunod ko na lang yung utos ng hari. Nanahimik na lang ako sa buong biyahe. May tiwala naman akong hindi niya ako dadalhin sa hotel chuva at hindi niya naman yata siguro ako sasamantalahin. Hay naku, Euphy, kung anu-anong iniisip mo. Si Sir? Ire-rape ako? Ni ayaw niya nga sa mga flat chested eh.
Nasira na nga yung plano ko ngayong umaga pati naman ngayong hapon? Gusto ko talagang matulog at bumalik sa kama ko.
"Sir, pwede buksan ang radio?" Para hindi naman ako mabored dito sa kotse niya.
"No"
Aaaargggh. Ang selfish niya! Promise. Kaya sinimangutan ko siya. At tumingin na lang sa bintana upang makita ang mga dinadaanan namin.
Naisip ko bigla yung mga pinag-usapan namin kanina. Pumayag na nga ako sa gusto niya pero bakit parang ngayon ay nagdadalawang isip ako. Yung isang bahagi ng utak ko sinasabi saking umurong na ako sa napag-usapan namin pero yung isa kong isip ay nagsasabing ituloy ko yung naging agreement namin. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Tutal andito na ito at pumayag na ako, itutuloy ko na and I'll just go with the flow.
Makalipas ang ilang minuto, pinark na si Sir yung kotse niya. Hay, nakarating din. Pagbaba niya ng kotse, bumababa na rin ako. Hindi naman ako aasang pagbubuksan niya ako. Hindi naman iyan gentleman.
Nagulat ako ng malaman ko kung nasaan kami.
VILLA HOTEL?
Eh anong gagawin namin dito? Don't tell me kukuha siya ng room
tapos...
tapos...
Pagsasamantalahan niya ako?
NOOOOOOO!
Naisip ko na ito kanina na baka sa hotel niya ako dalhin pero akala ko hindi naman. Nagkatotoo nga ang haka-haka ko.
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)