Chapter 29: After That Incident

336K 3.5K 143
                                    

Chapter 29: After That Incident

 

EUPHY'S POV

Nagising ako na medyo masakit ang ulo ko. Una kong nakita sa pagmulat ng aking mga mata ang puting kisame.

Puting kisame? Nasa ospital ako?

Nakahinga ako ng maluwag nang marealize ko na wala ako sa ospital. Nandito ako sa kwarto ng condo ni Charles.

Naalala ko yung nangyari sa akin. Buhay pa pala ako. Ang naaalala ko lang ay nakita ko si Alice sa may swimming pool area tapos sinabunutan niya ako hanggang sa nahulog ako ng pool at muntik nang malunod, ay hindi! Nalunod na nga ako kasi hindi na ako makahinga at nawalan na ako ng malay.

Eh diba dapat patay na ako ngayon? Anong nangyari? Paano ako napunta dito sa kwarto namin nang buhay pa at humihinga pa?

Di kaya? Imposible!!!

Naisip ko kasi na baka niligtas ako nung hinayupak na Alice na iyon. Naawa yata sa akin dahil mamamatay na ako at hindi na ako makalangoy. Pero napakaimposible talaga! Baka naman may lifeguard na tumulong sa akin? Aba'y ewan ko.

Nakakainis! Wala talaga akong maintindihan! Tapos wala akong maalala!

Kahit medyo masakit ang aking ulo, sinubukan ko pa ring bumangon. Nandito na kaya si Charles?

Tiningnan ko ang orasan at 10:00 na. AM or PM? Kinuha ko yung phone ko at ang nakalagay ay 10:00 am. Oo nga pala, maliwanag na! Diyos ko! Ang haba naman ng tinulog ko! Kaya pala pati ulo ko sumasakit na.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Charles sa may veranda at may hawak na gitara. Actually, gitara ko iyon! Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita pero nakaagaw ng atensyon ko yung tinutugtog niya.

Grabe ang galing! Hindi naman siya kumakanta, tumutugtog lang siya ng "Someone Like You" by Adelle. Kuhang kuha niya yung tono. Ang galing! Pinapahanga niya na naman ako.

Naiinggit tuloy ako. Akala ko ba tuturuan niya ako?

Natigil yung pagtugtog niya nung lumingon siya at nakita niya ako.

"Finally, your awake! Are you ok now?" Is it just me or talagang nag-aalala ito sa akin?

Tumango na lang ako.

"Hindi ka ba papasok?" Tanghali na kasi. Hindi na rin naman kasi ako makakapasok sa kalagayan kong ito. Baka mamayang hapon na lang ako papasok.

"Sa tingin mo makakapasok ako sa kalagayan mong iyan" What is he saying? Tama ba yung narinig ko? Concern ba ito sakin?

"Ano, dapat pumasok ka pa rin! Paano yung trabaho mo?" Tanong ko sa kanya. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin kapag iniwan niya akong mag-isa dito.

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon