Chapter 27: Liar

345K 3.5K 168
                                    

Dedicated to: beadelrosario

 

Chapter 27: Liar

EUPHY'S POV

 

Nandito lang kami sa sala habang nagkekwentuhan nang dumating si Charles. Fresh looking pa din kahit buong araw nasubsob sa trabaho. Pero nashock ako sa mga acting niya.

"Hi Euphy" T-tapos, hinalikan niya ako sa labi. Smack lang naman eh pero super duper akong nagulat.

Buti wala si Kelly, nandun kasi siya sa kwarto niya.

Sisigawan ko sana siya nang marealize kong palabas lang pala ang lahat. Pero infairness, pwede na siya mag-artista.

Naalala ko naman yung mga nakita ko kaninang pictures niya. Ang cute cute nya doon at hindi siya makakawala sa mga biro ko sa kanya mamaya. Hahaha.

Pero sa totoo lang, ang sosyal niya. Pati pangalan ng aso sosyal. Danica nga diba. Pang human being ang pangalan. Akala ko nga nung una nagsisinungaling lang si Charles, pero nung si Mama na mismo ang nagsabi na aso si Danica, naniwala na ako.

Bumalik ako sa kasalukuyan galing sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses nina Mama.

"Ang sweet sweet naman ni Charles. Alam mo Euphy, simula nang maging mag-asawa kayo, unti-unti nang nagbabago ang Charles ko and I thank you for that" Maluha luhang sabi ni Mama samantalang si Charles ay nakapoker face.

Paano naman nasabi ni Mama na nagbabago na si Charles? Eh para ngang gaya pa rin siya ng dati at parang mas lumala pa nga. Utos doon, utos dito mula bahay hanggang office. Para ngang ang turing nito sa akin ay yaya niya. Although minsan caring siya (yata?). Ah ewan!

Niyaya na kami nila Mama na kumain ng dinner at bumaba na rin si Kelly galing sa kwarto niya na mukhang badtrip. Siguro tumawag na naman sa kanya yung unknown caller niya. Baka admirer na iyon ni Kelly kasi hindi siya tinatantanan eh. Kung admirer man siya, aba, dapat magpakilala na siya kay Kelly nang magkalovelife na rin ang babaeng iyon.

Eh ako kaya kailan magkakalovelife?

Bigla kong naisip si Charles.

No! No! No! Ba't ba siya agad ang naisip ko? 

During the dinner, hindi ko alam pero parang natutuwa ako sa mga ipinakikitang ugali ni Charles. Masyado siyang mabait. Akalain niyo siya na ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko at siya na rin ang naglagay ng juice sa baso ko.

Ang dami ngang pagkain na nilagay niya sa plato ko, pero buti na lang at masasarap yung mga pagkain kaya naubos ko naman lahat.

Yung mga magulang naman ni Charles tuwang -tuwa habang tinitingnan kami. Kung alam lang nila ang lahat ng ito'y acting lang. Si Kelly naman, nakakaloka ang tingin at mga ngiti niya sa amin. Putek, nahihiya na talaga ako!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon