Chapter 39: Realizations
EUPHY'S POV
Nandito ako sa isang sulok habang malayang pinagmamasdan ang dalawang tao na magkayakap.
I am silently praying na sana ay kumalas si Charles sa pagkakayakap ni Danica at gusto kong makita na layuan niya ito.
But no.
Dahil ang sunod na nakita ko ay iba mula sa iniisip ko
Dahil niyakap din ni Charles si Danica. Bigla na lang sunud-sunod na nagsilabasan ang mga luha ko. Hindi na kinakaya ng sarili ko ang makita ang ganung eksena.
No doubt, si Danica lang mahal niya, noon at ngayon.
Napangiti ako ng mapakla. Ang tanga ko talaga. Bakit pa ako umasa na hindi niya na talaga mahal si Danica?
Tumalikod ako at umalis mula sa kinatatayuan. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko ang ganung eksena.
Tumakbo ako palayo at nagpara ng taxi. Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko.
I knew it! Nung una palang ay dapat hindi na ako sumang-ayon sa plano ni Danica.
Kinuwento ko kasi sa kanya ang lahat. Hindi siya makapaniwala sa sinabi kong siya pa rin ang mahal ni Charles at sinabi ko rin sa kanya na hindi kami tunay na mag-asawa ni Charles at sa papel lang kami kasal. Lahat yun sinabi ko at hindi siya makapaniwala nung una.
And then siya ang nagsuggest ng idea na ito. Kakausapin niya si Charles para malaman namin kung sino talaga ang mahal niya. Naghesitate pa ako nung una dahil hindi naman kailangan nun kasi una pa lang ay alam ko na ang sagot pero pinilit niya pa rin ako kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon sa gusto niya. Kaya she acted na mahal niya pa rin ang asawa ko.
Akala ko okay lang na pumayag ako sa plano ni Danica pero hindi pala. Masakit palang makita na yung taong mahal na mahal mo ay iba ang gusto.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Ayokong makita si Charles. Napakabobo ko talaga dahil nahulog ako sa isang katulad niya.
Hindi ako galit kay Danica. Okay rin naman kasi yung naisip niyang plano para maniwala siya na totoo ang sinasabi ko na siya pa rin ang mahal ni Charles.
Sa ngayon, di ko na alam ang gagawin ko.
After how many minutes ay nakarating din ako sa condo at nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap sa akin sa likod.
"Surprise!!!" Sa higpit ng yakap sa akin ay parang hindi na ako makahinga.
BINABASA MO ANG
Marrying My Boss [Completed]
General FictionEuphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credits to the real owner)