Chapter 16: Unexpected Happenings

381K 4.8K 252
                                    

Sorry ah. Asahan niyo ng palagi ang late UD..busy eh. Siguro magiging active aq pagkatapos ng preiodic test nmin! BTW,heto na! Enjoy!~~chup chup <3



Chapter 16: Unexpected Happenings



EUPHY'S POV



"By the way,

.

.

.

.

.

when is your wedding day?" 




Para akong mabubulunan nung marinig ko ang tanong ng Papa niya. Wedding? Seryoso?



"Soon" At mas nagulat ako sa sinabi ni Sir. Anong soon? Bakit hindi ko ito alam?



Tiningnan ko siya na may pagtataka sa aking mga mata.



"And when is that 'soon'?" Sabi ng Mama niya, I mean si Tita.



"Next week" Sinabi niya lang iyon in a simple way. 



At anong WEDDING ang mga pinag-uusapan nila? Hindi ako makarelate. Promise. Hindi naman siguro kaming dalawa ang tinutukoy nila na ikakasal. Baka tinatanong lang nila si Charles kung kailan ang kasal nung sino man nilang kakilala. I don't have to worry about. Tama!



"Bilis naman ata. Church wedding?" Tanong ng Mama niya. Sabi na eh. Mukhang ibang tao ang pinag-uusapan nila. Nanamnamin ko na lang itong kinakain ko nang hindi naman ako ma out of place sa kanila. Mukha kasing napunta sa iba yung pinag-uusapan nila, pero mas mabuti na nga rin iyon.



"Maybe next year. Civil wedding first. Right Euphy?" Dahil kumakain ako, hindi ko naintindihan yung una sa mga sinabi ni Sir kaya nung tinanong niya ako, tumango na lang ako.



Nagulat na lamang ako nung tumayo yung Mama niya tapos kinuha ang kamay ko at niyakap na naman ako. 

"Welcome to the family Euphy! Hindi na ako magtataka kung bakit niyo minamadali ang kasal niyo. Halata namang mahal na mahal niyo ang isa't isa. Next week, magiging Ocampo ka na! And to my advance wedding gift, ako na ang mag-aasikaso sa kasal niyo. All you have to do is to relax and wait for the day that you'll tie the knot with my son" Tuwang tuwa niyang sabi. 

Natigilan ako sa mga sinabi ni Tita. Ang tagal tagal mag sink-in sa akin ng mga sinabi niya.

Kami ni Boss? Ikakasal?

Ang galing niya naman mag joke. 

Kaya nagreact na ako.

"P-po?! H-hindi.." Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil sumingit si Sir.

"Ma, let her go. Hindi na makahinga yung tao" Nakayakap pa rin kasi sa akin si Tita. Mahigpit yung  yakap niya pero hindi naman aabot sa point na hindi na ako makahinga.

Naguguluhan na ako sa mga pangyayari ngayon. Sana mali ang iniisip ko..

"Oh, sorry Iha! Excited lang ako sa future daughter-in-law ko! May anak na naman akong babae!" Tapos niyakap na naman niya ako. 

Ako? Tulala. Naguguluhan na talaga ako. Kung nasa anime world lang kami malamang marami nang question mark ang nakasulat sa may ulo ko.

Umupo na ulit kami sa upuan namin at ako nama'y parang natulala at lumilipad ang utak. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in lahat. Aaargh! Minsan naiinis ako sa sarili ko kung bakit napakaslow kong tao.

Nagsalita ulit ang mama niya.

"Alam niyo kung ako tatanungin niyo, much better na church wedding na agad but we will still support your decisions. Haaay! Ang baby boy ko, ikakasal na. Sana maging maligaya kayo" 

And there, tuluyan nang nagsink in ang lahat. Ibig sabihin, KAMI talaga yung pinag-uusapan nila na ikakasal? Tiningnan ko si Sir, hindi siya makatingin sa akin. Iniiwasan niya talagang magtama ang mga mata namin. May kasalanan na naman siya sa akin! At bakit ba palagi na lang akong nasosorpresa sa mga pinaggagawa niya. He didn't even told me about this THING! Nakakainis!

Marrying My Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon