Chapter 1
"Bebs! Tara na! Kaen na tayo! "
Hayy.....'Yan si Shaun..Shaun Michael Andrada.
Bestfriend 'ko.
At ang mahal 'ko....
Nagtaka kayo bakit 'Bebs' ang tawag niya sakin?
Ang taba 'ko 'daw kasi.. Pinasosyal nya lang para 'daw hindi halatang baboy ang meaning 'nun, tska para 'daw sweet. -.-Gusto niyong malaman ‘kung gaano kataba? Hmmm…
60 kgs ang timbang, waist line 30’’, 4’11 ang height.
Odiba, Pinaghirapan ko ‘rin ‘yan kaya proud ako. -_-
Ay, nasa bahay 'ko pala siya ngayon. Wala lang, tambay lang..
Ganyan kami nyan.
" Oo na! Teka lang! Psh! "
" Mamaya 'kung ano ano na naman 'yang ginagawa mo! "
" Bakit ba? Mauna ka na ngang kumaen! "
" Mamaya pumayat ka nyan! "
" Ewan 'ko sa'yo! "
" I love you too! Haha! " tska siya pumunta sa kusina. Lagi naman ganyan 'yan eh, puro biro 'rin ang alam.
" Ay! Bebs! " sigaw niya, tska ako tumayo sa kinauupuan ko.
" Ano?! Bebs 'ka ng bebs eh! " sabi 'ko habang papunta na rin ng kusina para saluhan siya kumaen.
" May game kami bukas! Nako, sana manuod si Crush bukas! " sabi niya habang sumasandok ng ulam at ako naman umupo sa tapat niya.
" Mamaya iba na naman 'yang crush mo! Tsk, magsusuot na naman ako ng lintek na costume na yun. " sabi ko habang sumasandok na ng ulam at kanin.
"Hindi ah! Sira 'ka! Siya pa rin crush ko! Saka, Bakit kasi pumayag 'ka na maging school mascot? Tsk. " saka siya sumubo ng pagkaen.
" Syempre, para makita 'kang maglaro at maexcuse ako sa class namin para sa'yo. "
'Yan ang gusto 'kong sabihin, pero syempre, hindi 'ko sinabi. -.-
" Eh, wala eh. Dagdag grades, saka wala ng choice. "
" Anong walang choice? Namimiss mo tuloy class mo kada may game sa school. " hindikasi kami magkaklase, college na kami. Hindi kami same course, siya kasi Engineer ang kinukuha niya ako naman Music course.
" Excuse naman ako eh! Saka, Ang dami mong satsat! Manay kumaen 'ka nalang 'dyan ng tahimik! " Ayoko na rin sumagot sa mga tanong niya about sa pagvolunteer 'ko bilang mascot, hindi niya alam na nagvolunteer ako, ang alam niya talaga no choice ang school kaya ako ang nagmascot sa team ng school.“ Tss.. Ikaw talaga, Bebs! Ah, teka. “ tska niya binaba ang kutsara’t tinidor na hawak niya tska siya tumingin sakin ng direcho, pero ako tinutuloy ‘ko pa ‘rin ang pagkaen ‘ko. “ Hindi ba uuwi ngayon si Tito Joven ngayong month? “
“ Uuwi bakit? “ Nagulat kaming dalawa sa biglang sumagot, tska kami napatingin pareho sa isang babaeng nakatayo na nasa likod ng upuan ni Shaun.
“ Uy! Ate Tina, Nandito ‘ka na pala. “ Sabi ni Shaun, saka siya umayos ng upo at kinuha ulit ang kutsara’t tinidor para kumaen ulit.
Ate ko nga pala, si Khristina Villafuerte Baser, pangalawang matanda, nagtatrabaho naman siya sa company nila Shaun, Teddy Bear manufacturer, HR si ate sakanila. Siya yung tumatanggap ng mga applicant sa company nila. Hehe.. cute no? Teddy bear manufacturer. 3 kaming magkakapatid, yung Kuya kong panganay, si KuyaJan Villafuerte Baser ay nasa ibang bansa naman, America to be exact, nagtatrabaho na bilang nurse. Ako nalang naman ang nag-aaral samin, kaya tinutulungan nila sila Mama at Papa na pag-aralin ako. Si Papa naman ay Seaman, nakadestino sa Europe. Every 4 months lang siya umuuwi, pero minsan lagpas pa. Si Mama Head Accountant ng isang Motorcycle Company, sikat din ang mga motorcycle na binebenta nila mama, may mga bumibili rin namang mga bigatin pero,siya rin ang nagaasikaso samin dito. Tawag ko nga sakanya eh, Wonderwoman. Kasi kahit pagod na siya, hindi niya pa rin kami makakalimutang asikasuhin o alagaan. May katulong din kami si Manang Lucy, simula bata palang kami dito na siya.
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...