Chapter 9

75 2 0
                                    

Chapter 9

October, 14, 2013

Bianca's POV

" Opo kuya. " kausap ko si Kuya Jan ngayon, at pinapasabi na baka magpadala siya samin ng gamit niya. 

( Pakisabi rin kay Mama na baka idestino ako next week sa new york. )

" Sosyal ka kuya ah! New york new york ka nalang! " Tska ako humilata sa kama ko.

( Hahaha! Abnormal ka talaga! Sige na. Mahal na tawag. Magingat nalang kayo dyan. )

" Yes kuya! Ingat ka rin! Missyou! " tska niya binaba ang tawag.

“ Hayyyyy..... Miss ko na si Kuya ah! “ napatitig ako sa kisame namin at nagisip. 

Ang daming pumapasok sa isip ko ngayon na mga " What if's". 

What if maging maganda ako? 

What if sexy ako? 

What if magtapat ako sakanya? 

Okay kaya ang takbo ng storya ko? 

Hindi ko rin alam kung bakit yan pa sa lahat-lahat na pwedeng isipin, eh yan pa ang naisip ko. -_-

Ipinikit ko ang mata ko at ipinatong ang braso sa may mata ko, makaidlip nga muna saglit.

" BEEEEEEEBBSSS!! " 

" AY! KABAYOOOOOOOOOOOO!! " napaupo ako ng hindi oras sa kama ko sa gulat. 

" Beebs! Namiss kita! " tska niya ko hinug. 

" Ano ba shaun?! Ang bakla mo naman eh! " saka ako nagpupumiglas sa yakap niya.

" Eh! Bebs naman eh! Dali may kwento ang pinakagwapo mong bestfriend! " umayos na siya ng upo at ako naman tumayo para kumuha ng maiinom namin sa ref ko. 

" Oh ano? " pagkakuha ko, binato ko sakanya yung gatorade at sumandal sa pader.

" Guess what? " yung tingin niya sakin at yung itsura niya, nakakaloko.

" What? " binuksan ko ang inumin ko at saka diretsong uminom.

" Nililigawan ko na si Shaira. " nasamid ako sa sinabi niya. 

" Oh? Congratss!! " naglakad ako papunta sa tabi niya at nakipag apir.

" Sa wakas! Natupad din ang isa sa pangarap ko. " binuksan niya ang inuming binigay ko at ininom ito.

" Tss.. Buti ka pa. * ako hindi mo man lang mapansin na isa ka sa mga pangarap ko. * " Pabulong kong sabi habang nakatingin sa gilid ng kama ko.

" Ano? " sabi niya habang sinasarado ang inumin niya.

" Wala! Sabi ko! Buti ka pa! " 

" Eh, Ikaw bebs? Sino lovelife mo? " nakangiti niyang tanong sakin. 

Ikaw.... Ikaw ang love ko.

" Huy! Bebs! "

" Uy! " ngumiti ako sakanya at siya rin naman napangiti.

* Face down in the dirt she said this doesn't hurt.. She said.. * 

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon