Chapter 10
Monday October, 16, 2013
Nandito na agad kami sa school ng ganitong kaaga. -_- mga 5:30 palang nandito na kami. Nag-aayos kasi kami ng stage at booths para sa concert namin mamaya. Para ngang fair na rin to samin eh. Invited lahat, basta may ticket ka lang.
" Bianca, pwedeng paabot ng screwdriver sa tabi mo? Tulala ka na naman eh.” Sabi ni Konica, isa sa mga classmate 'ko. Madalas din kaming nagkukulitan niyan. May alam din siya ng konti about sakin.
Nilingon ko yung screwdriver " Eto oh " saka ko inabot sakanya.
" Tulala ka na naman eh. Teka... Bakit pumapayat ka? Diet ka? " tanung niya sakin habang nakataas ang isa niyang kilay. Bakit ang daming nagsasabi niyan? Sabagay. -_- Si Mama kasi, puro gulay, isda at manok lang ang pinapakain sakin ngayon, tapos nagexercise na rin ako, simula noong sinabi ni Ate na ililibre niya ko kada exercise ko. Pero..
" Hinde. "
" Asus. Seryoso, biancs. Ang laki ng pinayat mo. "
" Stressed na siguro? "
" Hay nako! Wag ka ngang magmukmok diyan. Tumayo ka dyan at tumulong nalang dun kela Marcel na magdikit sa wall ng booth. " tumango ako at pumunta na kela Marcel. Isa rin sa ka-close ko sa room. Simula kasi 1st year sila na kaklase ko.
" Hi bui. " Bati ni Marcel sakin ng tumabi ako.
" Buiii! Si caryl? Nakita mo? "
" Andyan lang sa likod. Kumukuha lang ng gamit. Teka... CARYL! " sigaw niya.
" Ako si Caryl! " pagpapakita niya samin ng nakataas ang dalawang kamay galing sa likod ng booth namin.
" Guys? Tutal patapos na naman ang booth natin. Pahinga muna tayo, then mamayang 10:30 start na ng pag-aasikaso ng booth. " sabi ng class representative namin. Kaya nagkanya- kanyang mundo na kami kasama ang lagi naming mga kasama.
" San tayo? " tanong ko kela Anne.
" Underground canteen nalang tayo. Pagod agad ako eh. " Faye
" Ay! Bianca? " napalingon kami sa tumawag sakin na class representative.
" Uy, why? "
" Pwede kayong hindi magbantay ng booth ngayon, isa naman kayo sa representative natin bukas para magperform eh. Magpractice nalang daw kayo. "
Nanlaki ang mata ko at napangiti sa sinabi niya, " Sige, thanks ah! "
" Sige! Galingan niyo ah! I-cheer namin kayo. " tinaas niya ang dalawang kamay na nakaclose fist, sign na icheer ba.
" Haha! Salamat! " saka kami umalis papuntang canteen.
" Buti nalang at hindi tayo ang magbabantay sa booth ngayon. " caryl habang paupo sa bakanteng pwesto.
" Hindi nga tayo magbabantay. Magpapractice naman tayo. " napasimangot naman ako, kasi wala pa kaming maayos na pahinga.
" Bianca, wag kang iinom ng malamig na inumin ah! " paalala ni Anne.
" Opooo! " napangiti ako sakanila.
Bumili na kami ng pagkaen at pagkabili namin bumalik agad at kumaen agad. Pagkatapos kasi nito, magpapractice agad kami para makauwi kami agad.
Nagpahinga lang kami saglit pagkatapos kumaen.
" Oh, tara na! Practice na! Para makauwi agad! Gusto kong matulog." Medyo bugnot na sabi ni Faye.
" Bui, ako rin. " napahikab ako pagkatapos, at si Caryl din napagaya sakin.
" Tara! " dinala na namin ang tray namin sa lagayan, at dumiretso sa kami sa Music room.
Pagkarating namin sa music room, may isang lalaking nakatalikod samin. Hindi namin kilala kung sino. May kulay ang buhok eh.
Ako ang nauna sa pintuan ng music room kaya ako ang nagtanong kung sino ang nakaupo sa inuupuan ko at hawak ang gitarang ginagamit ko.
" Sino ka? " Humarap siya ng nakangiti at nanlaki ang mata ko.
" Axel? "
" Hi guys! " nakangiti niyang bati sa amin.
" Hoy! Axel! " Ngiting sabi ni Caryl kay Axel.
" Uy! " Anne at Faye
Pumasok na kami ng tuluyan sa loob ng music room.
" Bakit ka nagpakulay ng brown? Nakakapanibago. " ako, ang ganda kaya ng pagkablack ng buhok niya noon.
" Wala lang. " ngumiti siya
" Kelan ka pa nagpakulay? " umupo ako sa tabi niya, sila Caryl, Faye at Anne pumunta na sa pwesto. Si Caryl, nakangiting nakatingin kay Axel, alam na. Tsss...
" Kahapon lang. Hehe."
" Tss.. Welcome to Hallington University. " kuha ko sakanya ng gitara habang nakangiti
" Ayos ng pagwelcome ah! " ginulo niya ang buhok ko kaya napatingin ako ng masama sakanya at saka inayos ang buhok ko.
" Uy! Dito ka na pala sa school. Welcome! " Anne.
" Haha! Salamat, Anne! Damang dama ko ang pagWelcome mo. " sumenyas siya sakin na hinihiram niya yung cellphone ko, kaya inabot ko sakanya. Maglalaro lang yan.
" Edi mapapanuod mo na kami bukas? " Caryl
" Kahit naman sa kabila pa rin ako nag-aaral, makakapanuod pa rin ako eh. " ngisi niya at tumingin siya sakin.
" Hala siya! Maginterview pa! Mapapanuod niya agad yung performance natin! Dapat surprise! " sabi ko.
" Hala siya! Pasurprise pa! " Sabi niya habang nakangiti.
" Ganun talaga! Sige na Papa Axel! Labas na! " Tulak ni Caryl palabas sakanya.
" Hoy Caryl! Makatulak naman! Oo na! Oo na! " Humarap na siya samin " Sige na! Ingat nalang kayo, mga bui! Bianca! Text kita maya ah! " nagwave siya at umalis na.
Sinarado ni Caryl ang pintuan at humarap samin, tumingin siya sakin at.. " May something ba sainyo ni Papa Axel ko? " simangot ng tanong sakin.
" Gaga! Wala! Bakla yan! Haha! " sinamaan niya ko ng tingin. " Joke lang. "
" Hay nako, Bui ah! Akin si Papa Axel! Pero kung ikaw ang loves ni Papa Axel. Okay lang. Hihi! " bumalik na agad siya ng pwesto niya.
" Ano? Ang gulo mo! " medyo natatawa kong sabi sakanya.
Nakita kong inamoy niya ang kamay niya at napapikit, “Ang bango niya. “
“ Tsh. Ano bay an, Caryl!” sabi sakanya ni Faye na medyo nandidiri. " Eh? Ano na? Practice na tayo. " sabi ng Pakamot sa ulo ni Faye.
" Bianca, from the top tuloy tuloy ah. Ilang beses tayo, tapos pag-usapan natin ang susuotin. " Anne.
" Sige. "
Nagsimula na kaming nagpractice, hindi ko muna tinotodo ang pagkanta dahil pagod pagod pa rin ang katawan ko.
Hindi ko muna iisipin ang mga problema, kelangang magfocus muna dito.
Pero, hindi ko alam kung kaya kong kantahin itong kanta...
Lalo na kung may pinanghuhugutan ang laman ng kantang ito....
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...