Chapter 27

53 2 0
                                    

 

Chapter 27

Shaun’s POV

ANO BANG PWEDENG MAGAWA? -_-

 

Oo, alam kong nageenjoy ako kapag gumagala kami ni Shaira okaya magkausap sa text, skype o facebook. Minsan nga magkausap na kami sa twitter, magkausap pa kami sa facebook, magkausap pa kami sa skype, magkatext pa kami!

Lupet no? Ganyan ko yan kamahal, kayang kong gawin lahat para sakanya!

Mag-iisang buwan na kami ni Shaira next month.

Bakit parang di ko feel yung excitement sa buong ugat ko? -_-

*bbzztt

Kinuha ko ang cellphone kong nagvibrate. Okay si Shaira to. Woohoo!

From: Babe.

Babe! Eat your dinner na! Wag kang magpapalipas ah? Loveu! :*

Hindi na naman buo ang pagsabi niya ng “Iloveyou”. Anung oras na ba at bakit dinner agad inatupag ni Shaira?

Tinignan ko ang wrist watch ko, at 4:30 palang. Ang aga naman nitong magdinner. Sige na nga. Mahal ko naman eh.

Ganyan magmahal ang gwapo. Kayang gawin lahat para lang sa mahal niya! *wink*

Teka, bago ko replyan si Shaira. Matext na nga si Bianca, ilang linggo na kami hindi nagpapansinan eh. Ang kapal naman kasi ng kagwapuhan ko eh, kaya natiis kong hindi pansinin bestfriend ko. -_-

To: Bianca bebs.

Bianca.

Okay, send.

Nakatingin lang ako sa kisame dahil wala nga akong magawa! -_-

Ang tagal naman magreply ni Bianca! Galit nga siya diba? -_- Matext nga ulit.

To: Bianca bebs.

Bebs. Sorry na! L

Ayan ah! May sad face na, eepekto na yan ah? Tsk.

Nag-antay pa ko ng ilang minuto pero hindi pa rin nagrereply!

To: Bianca bebs.

BEEBS! SORRY NA KASI! L  Hindi ko na matiis katabaan mo!

 

Mag-aantay na nga lang ako ng reply ne’to. Teka, girlfriend ko hindi ko pa pala narereplyan!

To: Babe.

Sige babe. Maaga pa naman. Una ka. Iloveyou! :* Wag kang magpagutom! Wag ka ng magdiet!

Pinindot ko ang send atsaka hinagis ang cellphone sa kama atsaka humiga.

Ano bang pwedeng gawin? Hindi naman ako makapagbasketball magisa sa labas, medyo malayo ang covered court. Nakakatamad tapos umaambon pa. Hindi ko naman maaya si Bianca kasi magkaaway pa rin kami. Hindi ko maaya yung mga gago lumabas dahil malalayo sila. -_- Si Axel naman, nasa Pampanga sila ng Ate niya. -_- Ano ba yan!

Ano ba kasing kagaguhan ang pinagkakagawa ko at nagalit ako kay Bianca. Sinaktan lang naman niya girlfriend ko, pero sinabi rin naman ni Shaira na dapat wag akong magalit dahil bestfriend ko naman siya at siguro nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya niya nagawa yun, pinatawag na nga daw niya si Bianca, ako pa daw na bestfriend niya? Tama naman si Babe. Tsk. Siya pa naman ang lagi kong kasama sa mga katarantaduhan kapag bored kami. -_-

Explanation of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon