Chapter 28
Bianca’s POV
“ Tapos alam mo ba? Nung isang araw! HAHAHA! Grabe yung mga kinuwento niya na nung bata daw siya, pinapasok niya yung bala ng pellet sa ilong niya! HAHAHA! Naalala nga kita noon eh, diba dati ikaw rin ganun?”
“ Oo! Hahaha! Parehas pala kami.” Unti-unting nawala ang tawa ko, naging ngiti nalang.
Nandito kami ngayon sa Greenbelt, to be exact sa Contis, favourite resto ba namin. Sabi niya libre niya naman eh.
“ Hay grabe! Ang dami ko ng nakwento sayo! Ikaw? Ano ng balita?” tanong niya sakin habang nagpupunas ng luha sa mata niya, dahil ba naman sa kakatawa niya ng sobra eh. Pinagtitinginan na nga siya ng ibang tao dito eh.
“ Nako! Wala naman masyado. Tss. “ sabi ko habang kumukuha ng buffalo wings na paborito ko. Namiss kong kumaen nito! Iba kasi lasa nung dito, ang sarap pa nung dip.
“ Asus. Eh, Haha.. Ano.. Si.. Si Axel?” napatingin ako sakanya dahil unti-unting nawala yung tawa niya.
“ Anung meron?” saka ako sumubo ng part ng wings. Hmmmm… Sarap!
“ D-Diba nililigawan ka niya?” hindi ko alam kung anung meron dito at mukang pinipilit ang tawa.
“ Hindi ko alam kung tumatawa ka o nadudumi ka eh. Anung problema mo?” nag-lean ako sakanya palapit at tinignan ng nakataas ang isang kilay. “ Selos ka no?” at unti-unting umangat ang labi ko.
“ O-oy! Hindi ah! Ha-Ha-Haha! “ saka siya sumubo ng isang malaking slice ng cake.
“ HAHAHAHAHA! Bebs! Hahaha! Nagseselos ka no?”
Nilunok niya ang kinakaen niya atsaka uminom ng tubig, “ Hoy! Hindi no! Sus.”
“ Asus. Kilalang-kilala na kita! Hahaha! Wag kang mag-alala! Bestfriend mo pa rin naman ako no, kahit magkalovelife ako!”
“ Wala naman akong sinabing hindi na kita magiging bestfriend kapag nagkalovelife ka ah? Pero.. *clear throat*sasagutin mo siya?”
“ Ewan ko. “
“ Wag”
“ Ano?” hindi ko narinig eh, bumulong ata siya. Pero umiinom siya ng tubig eh.
“ Ano? Umiinom ako ng tubig eh.”
“ Aahh! Sabi ko ewan ko. Wala naman akong balak pa sa ganyan. “
“ Weh?” nakangiti siya saka sumenyas sa waiter na ‘Bill Out’ na agad.
“ Teka-teka. Hindi pa ko tapos kumaen!”
“ Ayos lang yan.” Inabot sakanya nung waiter yung bill atsaka siya may binulong sa waiter. Tumango naman yung waiter saka niya inabot yung bill, “ Tara.”
“ Ha? Hindi pa ko tapos kumaen eh! “ tumayo siya atsaka niya hinila kamay ko patayo at naglakad ng mabilis palabas ng resto. “ Hoy, kumag! Bakit tayo umalis agad! Nageenjoy akong kumaen eh! “
BINABASA MO ANG
Explanation of Love
RomanceLahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal. Ako, simula't huli. Ako lang ang nagmahal. Lalo na sa kababata ko pa. As in super close ba kami. Ang paraan ko para ipahayag sakanyang mahal...